Jamie's POV BALISA pa rin ako habang nag-iisip kung ano ang mabuti kong gawin ngayon. Tatlong araw na simula ng iwan ko si Zach at pasalamat ako dahil hindi na siya muling nagpakita sa akin. Ito naman ang gusto ko kaya lang umaasa pa rin ako na isang aaraw mabubungaran ko siya sa harap ng gate. Ngunit ngayon ang mas mahalaga kong paguunan ng pansin ay ang hakbang na maari kong gawin laban sa stalker ko. Kasalukuyan kong binabagtas ang daan patungo sa parkeng palagi kong tambayan. Namalayan ko na lang ang pagtulo ng mga luha sa mata ko. Naalala ko kasi ang lugar na ito. Kung saan dito kami naglakad habang magkahawak kamay. Ganito pala kapag nanabik ka sa taong mahal mo at wala kang magawa kundi balikan na lang ang mga alaalang kasama mo siya. Okay lang kaya siya? Bawat araw na hindi ko si

