Bangkay III

2063 Words

Jamie's POV "KAMUSTA kayo ni Zach?" tanong ni Maggie habang nakatingin sa mga mata ko. Nandito kami ngayon sa parkeng palagi kong tinatambayan. Ngumiti ako. "Okay naman, masaya kami at sweet siya," masaya kong turan. 'Yon naman kasi talaga ang totoo. Sobrang sweet niya sa akin. Hindi niya hinahayaang sumimangot ako. Kaya lang nagtataka ako kung bakit hindi siya pumunta sa bahay ngayon. Sabi niya kasi pupunta ulit siya dito. "Grabi hindi ko talaga in-expect na magiging kayo. Nagulat na lang ako nang makita kayong magkahawak-kamay no'ng pumunta kayong restaurant." "Pareho tayo, nagulat na nga lang ako ng umamin siya sa akin," pagtatapat ko habang nakangiti. Lumingon ako sa paligid at tsaka pinagdikit ang aking mga labi. Linggo kaya naman wala kaming trabaho. Naiinip daw si Maggie sa ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD