Ikatlong Pagtatagpo

1377 Words
Chapter Seven Zacherson's POV "ZACH, lagi mong tandaan na mahal na mahal kita!" Isang pamilyar na boses ang aking narinig. Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses na iyon. Napagtanto kong nasa isang kwarto ako na walang daan palabas. Kulay puti lahat ng nasa paligid ko. "Zach, wala kang kasalanan sa nangyari, huwag mong sisihin ang sarili mo," muling wika ng babaeng hindi ko makita ngunit pamilyar ang boses nito. Naramdaman ko na lang ang pag-agos ng mga luha sa aking mga mata. Hindi ko man lang siya nagawang protektahan. "Krish, I'm so sorry! Kasalan ko, hindi kita na-protektahan. Pinangako ko sayo na pu-protektahan kita pero hindi ko nagawa," wika ko habang patuloy na tumutulo ang aking mga luha. Namatay siya ng wala ako sa tabi niya at kasalanan ko 'yon. "Hindi Zach, wala kang kasalanan. Please, wag mong sisihin ang sarili mo!" Ang bawat salitang iyon ang lalong nagpapatulo sa aking mga luha. Na-miss kong marinig ang boses na iyon, na-miss ko ang bawat yakap at halik ni Krish. "Nararapat na kalimutan mo na ako, at maging masaya ka." Unti-uting nawala ang tinig na matagal ko ng gustong muling marinig. "Krish! Krish!" Umalingaw-ngaw ang boses ko sa loob na silid na iyon. Pilit kong hinahanap ang bulto ni Krish, ngunit bigo akong makita iyon. "Mahal na mahal kita Krish!" Umikot ang paligid at ang puting kulay nang silid ay naging itim. Utay utay akong nahilo. "Krish!" Napabalikwas ako ng bangon. Hangos na hangos ako at pinawisan ng malalamig. Habol ko ang aking hininga habang sapo ang aking noo. Isang panginip. Muli akong nakaramdam ng pananabik sa kanya. Ang kagustuhan kong muli siyang makita't mahagkan. Isa-isa na namang bumalik ang mga alaala ni Krish, mga alaalang kasama ko siya. Humihinga, ngumingiti, nayayakap, at nahahagkan. Isang malungkot na kabanata ng buhay ko ang pagkamatay ni Krish, na hindi ko man lang siya naipagtanggol sa taong gumawa niyon sa kaniya. Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Pakiramdam ko ang bigat-bigat ng katawan ko. Bumaba ako at tinungo ang banyo. Naghilamos ako at napatitig sa salamin kung saan kaharap ko ang aking sarili. Kitang kita ko ang pananabik at galit sa aking mukha. Napatiim-bagang ako dahil sa pagbalik ng mga alaala sa isip ko. Pinigilan ko na lang ang sarili ko na suntukin ang salamin. Hindi ko pa rin maiwasang hindi sisihin ang aking sarili. Kung sana nandoon ako, baka hindi 'yon nangyari sa kaniya. Lumabas ako ng banyo at tinungo ang kusina. Kumuha ako ng tubig sa refregirator at agad ko iyong ininom. Ako lang mag-isa dito sa condo unit na binili ko. Independent ako at 'yon ang gusto ko. Mas gusto ko ngayong mabuhay ng mag-isa. Simula ng mawala si Krish, naging iba na ako sa sarili ko at sa lahat ng taong nakapaligid sa akin. Balak ko na noong yayain siyang magpakasal ngunit gumuho lahat ng pangarap ko, pangarap namin na bumuo ng isang masayang pamilya. Jamie's POV NANDITO na naman ako sa Flower Shop, naboboring na ako dito. Nakaka-bitter 'yong mga taong bumibili ng bulaklak tapos magtatanong kung anong magandang ibigay sa girlfriend nila. Nananadya ba silang inggitin ako? Oo, naiinggit ako sa mga babaeng pagbibigyan nila ng mga bulaklak na iyon. Ni minsan kasi hindi ko pa naranasang mabigyan ng flowers. Nakasimangot akong nakatingin sa mga lalaking namimili ng mga bulaklak at sigurado ako para 'yon sa kanilang mga nobya. Eh, di sila na, tss! Habang nagmamasid ako sa paligid, naagaw ang atensyon ko ng bumukas ang pinto ng Flower shop at iniluwa nito ang isang pamilyar na bulto. Naka-shades ito at nang tuluyang makapasok, tinanggal niya iyon. Napatitig ako rito. Napaawang ang bibig ko ng makilala ang lalaking ngayon ay nasa harap ko na. Hindi ko alam kung nakikilala ba niya ako o hindi. Bigla akong kinabahan. Bakit ba kapag malapit ako sa lalaking ito kinakabahan ako? Siguro bibili rin si Sir Zach ng bulaklak para sa girlfriend niya. Nakahinga ako ng maluwang ng tingan lang ako nito at bumaling sa hilira ng mga flower bouquet. Pinagmamasdan ko lang siya. Napaka-gwapo nito habang seryosong tinitingnan ang mga bulaklak, napaka-supistikado nitong kumilos. Dinampot nito ang isang kulay white na bouquet. Habang papalapit ito ay palakas din ng palakas ang kabog ng dibdib ko. Bakit ganoon, tuwing nararamdaman ko ang presence niya sobra akong kinakabahan? "Magkano 'to?" Lalaking lalaki ang boses nito. Hindi ko man lang magawang tingnan siya ng matagal. Kinalma ko ang sarili ko. Hindi ko pinahalatang nate-tense ako sa kaniya. "500 pesos po." Iniabot nito ang isang libong peso. "Sir, ang ganda po ng napili niyong bulaklak. Sigurado akong magugustuhan 'yan ng girlfriend mo," komento ko habang nakatingin sa bouquet na hawak niya. "Hiningi ko ba ang opinyon mo?" mahinang sabi nito na halata doon ang pagkairita. Nawala ang ngiti sa labi ko. Palihim ko siyang inirapan at mabilis na nagbilang ng sukli para sa kaniya. Tss! Noon, sabi-sabi lang ito at ngayon, napatunayan ko nga na mayabang ito at masungit. "Thank you sir, balik po kayo," may pagkasarkastiko kong sabi. Hindi ko na naitago ang inis na nararamdaman ko. Peke ko pa siyang tiningnan at bahagyang nag-bow. Tumalikod na ito. "Yabang! Akala mo kung sino. Malas naman ng girlfriend mo." pabulong kong sabi. Nakita kong huminto ito at lumingon muli sa akin. Biglang nagsisisi ako na sinabi ko pa 'yon. Napayuko ako ng makita ko ang madilim na mukha nito. Kita ko sa mukha niya na galit ito dahil sa magkasalubong na mga kilay. Humakbang ito ng ilang steps at nakalapit sa desk na nakaharang sa pagitan namin. "You've not know, so shut up your f*****g mouth!" tiim-bagang na sabi nito habang mataman pa rin na nakatitig sa akin. Tila sumabog na ang aking inis sa mayabang na lalaking ito. Napatiim bagang ako. Nakipaglaban ako sa galit niyang mga titig. "Wala nga akong alam. Wala kaming alam, pero wala ka ring alam sa mga taong nakapaligid sa'yo." matapang kong turan. Hindi ko na pinansin kung nakatingin na ba sa'kin lahat ng nandoon. Gusto ko lang ilabas ang sama ng loob ko sa lalaking ito. "Wala ka sa opisina Zacherson Caireos, nasa public place ka, sana makisama ka kahit peke man lang sa mga taong nasa paligid mo." Hindi ko iniwasan ang matatalim niyang titig. Kung naiinis siya dahil tinanong ko siya, pwes ako naiinis dahil sa ugali niya. "Ayaw ko sa lahat 'yng pinakikialaman ang buhay ko," mahina ngunit may diin na sabi niya. Kita ko pa ang panggigigil nito. Pinakikialaman ko ba ang buhay ng mokong na 'to? Tinanong ko lang naman siya ah! "Siguro wala kang kaibigan kaya ganiyan ka. Napakasungit mo, hindi ka man lang marunong makisama, napaka-sarkastiko mo, at napaka-yabang mo. Kung may problema ka huwag mong idamay ang lahat ng taong nasa paligid mo, dahil lahat tayo may problema. Buti man lang kung kapag nagsungit ka mawawala lahat ng problema ng mga tao." Wala na akong paki kung tanggalin niya ako sa kompaniya niya. Totoo lang naman lahat ng sinasabi ko sa kaniya. "Pakialamera!" Talagang idiniin pa nito ang salitang 'pakialamera'. Tila nagbabanta niya muna akong tinitigan bago tumalikod at lumakad palayo. Inismiran ko na lang siya at inungusan. Zacherson's POV LALONG nasira ang araw ko dahil sa babaeng iyon. Natatandaan ko ang mukha niya at hindi ko na 'yon makakalimutan pa. Aminin ko man o hindi tinamaan ako sa sinabi niya. Natahimik ako at nangapa ng isasagot. Baka siguro dahil may malaki siyang punto. Pero hindi ko pa rin maiwasang hindi maiinis sa babaeng 'yon. She ruin my day. Agad kong pinaharurot ang aking kotse at tinahak ang daan patungong sementeryo kung saan nakahimlay ang labi ni Krish. Nadatnat kong malinis ang puntod ni Krish. Marahil lagi itong dinadalaw ng pamilya niya. Muling lumungkot ang pakiramdam ko dahil sa pananabik at sa katotohanang wala na siya. Isang beses sa isang buwan ako dumadalaw sa puntod ni Krish. Napa-aga lang ngayon dahil sa panaginip ko. Inilapag ko sa puntod niya ang bulaklak at nagsindi ng kandila. Masuyo kong tinitigan ang lapida nito. "Krish!" tangi kong sambit. Pinipigilan kong pumatak na naman ang luhang sabik na kumawala. Bago pa tuluyang tumulo iyon ay nagpaalam na ako sa puntod nito. Isang taon na akong nanabik sa kanya at patuloy na iniibig kahit nasa kabilang buhay na siya. I love you Krish!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD