New Employee

1263 Words
Jamie's POV TAHIMIK akong nakaharap sa computer habang ginagawa ang mga dapat kong gawin. Tahimik ang lahat dahil sa tambak nilang trabaho. Pasalamat nga ako at hindi ako inusisa ng dalawa kong kaibigan ng makabalik ako kanina galing sa opisina ni Sir Zacherson. Napalingon kami ng marinig ang isang palakpak, si Ma'am Megan. Nakasuot na naman ito ng all black na outfit. "Listen, I just want to say that we have a new employee here in Research Department." Lahat kami napa-kunot ang noo ng marinig ang sinabi niya. Bagong employee? Lahat kami na-curious kung sino ang bago naming makaka-trabaho. Rinig ko ang mga bulungan ng mga katrabaho ko. Iba't ibang ang reaksiyon nila. Maya-maya pa'y may pumasok na isang lalaki. Napaawang ang bibig ko ng makilala kung sino iyon. Naagaw nito ang lahat ng atensiyon namin. "He is Anndrew Litana, the new employee of this department," pakilala ni Ma'am Megan sa lalaking nasa harap namin. Nagkatinginan kami ni Andrew at agad siyang ngumiti sa akin, ngiting tila nakakapawi ng pagod. Nginitian ko rin siya. Ibinaling ko naman kila Chester ang aking tingin. Nagkatinginan kaming tatlo. Kapwa kami nagtatanong at nagtataka. Nakita ko namang tuwang-tuwa ang ilang babaeng nandoon dahil sa gwapong nasa harap nila na ngayon ay employee na ng department na ito. Itinuro ni Ma'am Megan ang table ni Andrew. Napangiti na lang ako dahil sa kakaibang trato nito kay Andrew. Magiliw at mabait ito sa kaniya. Nagkibit-balikat na lang ako at muling nagbalik sa aking ginagawa. May pagtataka pa rin ako kung bakit nandito sa kompanyang ito si Andrew. No'ng nakaraan lang, sabi nito nagtatrabaho ito sa GG Company. "Pwede maki-join?" Sabay-sabay kaming napatingin kay Andrew. Dala nito ang pagkaing in-order niya. "Pwede naman," pagpayag ni Maggie. Nginitian siya nito. "Siguro nagtataka kayo kung bakit nandito ako ngayon?" tanong nito sa malumanay ng tinig. "Oo, bakit ka nga pala nandito?" tanong ni Chester habang nginunguya ang french fries na kinakain nito. No'ng college kami sabay-sabay rin kaming kumakain noon. "Sabi mo sa akin may trabaho ka na?" tanong ko naman sa kaniya. "Ano kasi..." Sabay kamot nito sa ulo. Ang cute nito sa paraan ng pag-kamot niya. "Ano?" nag-hihintay na tanong ni Maggie. "Ano kasi, kasi nga ano..." anito na tila pinapabitin kami sa sasabihin miya. "Ano ngang ano? Mamaya sasapatusin kita dyan, Andrew. Pabitin ka e!" gigil na wika ni Maggie. "Kasi nga n-nasisante ako," Sabay kamot uli nito sa ulo. Napasimangot na lang kami sa sagot nito. 'Yon lang pala pinabitin pa. "Hay Andrew! Kung hindi ka lang cute nabatukan na kita," nagpipigil na sabi ni Maggie. Habang kami ni Chester ay kapwa napa-iling. Pagkatapos naming kumain bumalik na kami sa opisina para ipagpatuloy ang aming mga trabaho. Nasapo ko ang ulo ko at bahagyang pumikit. Pakiramdam ko kasi pagod na pagod na ako. Masakit na rin sa mata ang halos maghapong kakatitig sa computer. Napaigtad ako ng marinig ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Kinuha ko iyon at tumambad sa akin ang isang message galing sa di ko kilalang numero. Nagtaka ako at binasa iyon. Akin ka lang, akin ka lang! Napakunot-noo ako at lumingon sa paligid, lahat sila busy sa kani-kanilang trabaho. Tsk good time! Hindi ko na lamang iyon pinansin at nagbalik na ako sa aking ginagawa. Malapit na rin namang matapos ang office hour. DAHIL weekend, napagpasiyahan kong manatili na lang sa bahay. Wala naman akong lakad e, tsaka wala akong balak. "Mom, Dad wala kayong lakad?" tanong ko sa kanila habang nakatutok sa tv. Ayon, busy na naman sila sa kakanood. "Wala," sabay na sagot nila. "Okay," tipid kong sagot at lumabi pa. Tinungo ko ang aking kwarto at nag-open ng f******k. Ilang minuto pa lang ay nag-log out na rin ako. Wala akong ganang mag-sss, wala naman akong ka-chat e. Lumabas ako ng kwarto at tinungo ang kusina para uminom. Hinagilap ko ang refrigerator at kumuha doon ng tubig. Ininom ko iyon. Ramdam ko sa lalamunan ko ang pag-agos ng malamig na tubig na pumawi sa uhaw na kanina lang ay nararamdaman ko. "Jam." Narinig kong tawag ni Mommy. "Bakit po Mom?" "Ikaw muna magbantay ng Flower Shop. Sayang naman ang benta kong isasara natin ngayon. paliwanag ni Mommy. Ayaw ko mang magbantay ng Flower Shop namin wala akong magagawa. Dahil hindi naman kalayuan ang shop sa bahay, madali akong nakarating doon. Nakakaaliw pagmasdan ang iba't ibang klase ng bulaklak na nasa loob ng shop. May iba't ibang kulay, disenyo, at iba't ibang amoy na nakakahalina sa mga customers. Lumapit ang isang lalaki at isa isang pinagmasdan ang iba't ibang flower bouquet. Dinampot nito ang isang bouquet ng bulaklak na may kulay pink na kulay. Simple lang iyon ngunit disente namang tingnan. "Magkano?" tanong ng lalaking costumer. "250 pesos," sagot ko. Marahil ibibigay niya iyon sa girlfriend nito. Iniabot ng lalaki ang buong limang daan. "Para ba 'yan sa girlfriend mo?" usisa ko habang nagbibilang ng isusukli sa kaniya. "Oo, isang taon na kasi kami ngayong araw at gusto kong bigyan siya nito." Kita ko ang saya sa mga ngiti nito. "Swerte naman niya," nakangiti kong sabi habang inaabot ang sukli sa kanya. Ngumiti ito at nagpaalam na. Napangiti ako habang palayo ang lalaki. Sino kayang magbibigay ng bulaklak sa akin? Napapitlag ako ng mag-vibrate ang cellphone ko na nasa aking bulsa. Kinuha ko iyon at nakita kong may isang message galing sa unknown number. Hello, Jam. Kumusta ka? Gusto ko ng mapasa akin ka. Napakunot-noo na lang ako at napakibit-balikat. Good time na naman. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagbabantay sa shop. Isang taon na rin ang Flower Shop na ito, na may pangalang 'Jam Flower Shop'. para sa akin daw kasi ang Flower shop na 'to. Zacherson's POV "PARE, kamusta ka na?" tanong ni Miguel—ang matalik kong kaibigan na kakauwi lamang galing Canada. Inakit niya akong pumunta sa bar at nandito nga kami ngayon. "Ayos lang naman ako, ikaw? Kamusta ang buhay sa Canada?" balik kong tanong. "Okay lang naman sa Canada, walang pinagkaiba dito sa pinas," anito at tinungga ang bote ng beer. "Maigi't naisipan mong magbalik dito sa pilipinas?" Ilang taon din itong nanirahan sa Canada na ayaw naman ni Miguel. Independent kasi ito. Mga magulang lang niya ang gustong manirahan din siya sa Canada. "Ako pa ba hindi uuwi dito? Ito ang bayan ko at dito ko gustong bumuo ng pamilya." "Ibig sabihin dito kana titira?" Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mukha ni Miguel Marahil nga dito na ulit siya titira. "Sa kabutihang palad nakumbinsi ko si Daddy at Mommy na dito na ako manirahan." Kita ang saya sa bawat sambit ni Miguel. Maigi naman at napapayag nito ang kaniyang mga magulang. "Isang magandang balita 'yan Miguel." Uminom ako ng alak at inikot ang paningin sa kabuoan ng bar na kinaroroonan namin. Maraming tao, maingay, at kung anu-ano pang karaniwang tanawin sa loob ng bar. "May girlfriend ka na ba?" biglang tanong ni Miguel. Umiling ako bilang tugon at muling tinungga ang bote ng beer. "Hanggang ngayon ba pare, siya pa rin?" seryosong tanong nito. Patuloy ako sa pag-inom ng beer. Ayaw kong sagutin ang tanong niya. "Zach, ang nakaraan ay hindi na dapat idugtung sa kasalukuyan, hindi mo tuluyang matatakasan ang nakaraan kung patuloy mo itong hinahawakan." Napa-isip ako sa tinuran ni Miguel. Hindi ko pa nga ba talaga binibitawan ang nakaraan? Ang nakaraan na hindi ko na dapat pang hawakan. Mahal ko siya at hindi ko pa handang bitawan ang nakaraan na tanging natitira na lamang sa akin. Ilang minuto pa kaming nanatili sa lugar bago napagpasiyahang umuwi na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD