Andrew

1078 Words
Jamie's POV Kung hindi kasi ako nag-over time hindi sana ako gagabihin ng pag-uwi. Bumaba ako sakay ng dyip. Sumalubong sa akin ang malamig na hangin na nagpataas ng aking mga balahibo. Gumuhit na rin ang kaba sa aking mukha. Nagsimula na akong maglakad. Pasalamat ako't dinagdagan na ang Street light sa daan kaya nagkaroon na ng dagdag na liwanag. Ngunit hindi pa rin napawi ang takot na nararamdaman ko. Hindi ito ang unang beses na naglakad ako mag-isa. Pero katulad noon, takot din ang una kong naramdaman. Sa bawat hakbang ko pakiramdam ko may mga taong sumusunod sa akin. Parang may mga matang nakatingin sakin. Pakiramdam ko hindi ako safe kapag mag-isa lang ako at pakiramdam ko ano mang sandali ay may magtatangka ng masama sa akin. Diretso lang ako ng lakad, walang lingon-lingon. Napapitlag ako ng marinig ko ang isang kaluskos. "S-sino ka? M-may tao ba dyan?" wika ko habang tinitingnan ang pinang-galingan ng kaluskos. "Ay Butiki!" Muli akong napapitlag. Nakahinga ako ng maluwang ng makita ang isang daga galing sa likod ng trash can. Pinagpatuloy ko na ang aking paglalakad. Kung kasam ko lang si Chester e, 'di sana hindi ako natatakot ng ganito. "Pwede sumabay?" "Unggoy ka!" gulat kong sabi ng marinig iyon. Nasapo ko pa ang aking dibdib. Tumambad sa'king paningin ang isang gwapong lalaki, si Andrew. "Grabi ka sa akin, ako unggoy? Sa gwapo kong 'to?" reklamo nito na may halong pagyayabang. "Ikaw pala, kala ko kung sinong unggoy. Joke!" sabay tawa ko at siya naman ay napangiti. Biglang nawala ang takot ko dahil may makakasabay na ako. "Ikaw kasi ginulat mo ako." "Sorry po," anito na nakangiti sa akin. Nagsimula na kaming maglakad. Hindi naman nagkakalayo ang bahay namin ni Andrew kaya pareho kami ng daang tinatahak. Isa si Andrew sa mga kaklase namin noong kolehiyo kami. Nag-transfer lang ito dahil sa gusto ng Mama nito na sa ibang university siya pumasok. Naging kaibigan rin namin siya noon. "Bakit nga pala umuuwi ka pa lang?" tanong ko. Pinasadahan ko ang mukha nito. Nakasuot ito ng eye glasses na araw araw niyang suot. Ayos naman ang porma niya, ang gwapo nga niya sa suot nitong jeans at simpleng t-shirt. Naamoy ko rin ang mabangong amoy nito. Minsan ko lang siya makita at hindi pa sa malapitan. Ang laki pala ng ikinagwapo niya. "Galing akong trabaho, ikaw ba? Saka nasaan si Chester?" Nagtataka nitong tanong. "A, nag-overtime kasi ako kaya pinauna ko na si Chester." "Maigi't nag-overtime din ako." "Bakit naman?" Nagtataka ko pa siyang tiningnan. "Kung hindi ako nag-overtime, mag-iisa ka sanang maglakad dito," malumanay na wika nito habang nakangiti. Si Andrew yung tipong nakaka-good vibes ang mga ngiti. Ngingiti siya na parang walang problema sa buhay. Ganoon si Andrew at 'yon ang gusto ko sa kaniya. Ngumiti ako at tumingin sa dinaraanan namin. "Siyanga pala, saan ka ngayon nagtatrabaho?" Pag-iiba ko sa usapan. "Sa GG Company," agad nitong sagot. Tumango na lang ako bilang tugon. Namalayan na lang namin na nasa tapat na kami nang bahay. Nagpaalam na ako sa kaniya at ganoon din siya. Naglakad na ito palayo at tuluyan na akong pumasok sa loob ng bahay. Zacherson POV "AMANDAA!" "B-bakit p-po s-sir?" pautal-utal na wika ng babaeng nasa harap ko. "Bakit ang pait ng kape ko?" galit kong wika. "Ayaw ko ng mapait na kape!" Lalong namutla si Amanda pagkasabi ko niyon. "P-papaltan k-ko nalang po!" nauutal na sagot ni Amanda. Tarantang kinuha niya ang tasa na nasa harap ko at aktong lalabas na ito ng magsalita ako. "Hindi na kailangan," mariin kong sambit at agad itong tumalima. Nawalan na ako ng ganang magkape. Sumandal ako sa swivel chair at pumikit. "Huwag!" Hangos akong nagmulat ng mata. Naramdaman ko ang pawis na dumaloy galing sa aking noo. Nasapo ko ang aking ulo. Huminga ako ng malalim para ikalma ang sarili. Isang taon na ang nakaraan ngunit hindi ko pa rin tuluyang nakakalimutan ang nangyari. Isang pangyayaring gumuho sa mundo ko. Sinisisi ko pa rin ang sarili ko kung bakit hindi ko man lang siya nagawang protektahan. Jamie's POV "HAIST! Napapagod na ako. Bakit ba kasi ako na lang ng ako ang inuutusan ni Ma'am Megan?" bulong ko habang naglalakad patungo sa opisina ng lalaking kina-aasaran ko. Bitbit ko ang mga papeles na ibibigay ko sa lalaking iyon. Hindi na maipinta ang mukha ko dahil sa halo-halong nararamdaman. Nadatnan ko sa labas ng opisina ni Sir Zacherson ang secretary nito. "Si Sir Zacherson? May kailangan lang akong ibigay sa kaniya," malumanay kong sabi. "Sandali lang po Ma'am." Pumasok ito ng silid. Ilang segundo lang ang nakaraan ng muli itong niluwa ng pinto. "Tuloy na po kayo," magalang na wika ni Amanda. Yumuko ako sa kaniya bilang pasasalamat at dumiretso na sa loob ng opisina. Nadatnan kong nakapikit si Zacherson habang nakasandal sa inuupuan nitong swivel chair. "Sir, narito na po yung mga papeles." Hindi ko alam pero biglang parang kinakabahan ako kapag nakikita ko ang mokong na 'to. Dahan-dahang nagmulat ang mata nito at agad tumingin sa'kin. Nagtama ang mga mata namin at agad naman akong nag-iwas. "Ipatong mo na lang diyan," walang emosyong banggit nito at muling pumikit. Dahan-dahan akong lumapit sa lamesa at ipinatong doon ang mga papeles. Bawat galaw ko iniingatan kong lumikha ng kahit na anong ingay. Bahagya akong napatingin sa kabuoan ng mukha niya at napalunok ako ng makita ang nagwawala niyang adams apple. Ang gwapo niya. Umiling ako at iwinaksi ang isiping iyon. Akmang tatalikod na ako ng magsalita ito. "Bakit ba kayo natatakot sa akin?" seryosong tanong nito. Lumingon ako sa kinauupuan niya. Nakapikit pa rin ang mga mata nito. Sa totoo lang hindi naman ako takot sa kaniya. Kinakabahan lang ako dahil sa masungit niyang aura. "Dahil ba isa akong Caireos? O dahil CEO ako ng kompanyang pinagtatrabahuhan ninyo?" dagdag pa nito. Napalunok ako ng laway. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko o ano ang dapat kong gawin. Aalis na ba ako o sasagutin ang tanong niya? "Hindi po dahil isa kang Caireos o ikaw ang CEO ng kompanyang ito, kung 'di dahil sa attitude na ipinapakita mo sa lahat ng taong nasa paligid mo...dahil sa kung paano mo ituring ang lahat, kung paano ka gumalaw at magsalita." Hindi ko alam kung dapat ba 'yong sinabi ko o baka lalo siyang magalit. Nakita kong nagmulat na ito ng mata at mataman akong tinitigan. "Makakaalis ka na," wika nito sa malamig na tono. Yumuko ako at lumabas ng silid na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD