ELISSA BUKOD sa aming tatlo ay kasama rin namin sina Zeus at Athena. Hinayaan lamang ang mga ito ni Xavier na magtatakbo na parang mga bata na namang nakawala sa hawla. Kami ni Ate Selen ang magkasama. Si Xavier ang nahuhuli sa aming dalawa. "Come on, Issa. Let's jog. Stop walking," pakiusap niya sa akin nang mapansin na naglalakad lang ako hindi tulad nito na totoong nagja-jogging. Gusto ko sana itong gayahin, kaya lang hindi ko alam kung bakit nahihiya ako. May nakakahiya nga ba? But knowing that somebody was watching behind us ay talagang naiilang ako. "Okay na ako sa ganito, Ate. Nag-aalala kasi ako. Baka masira ang sapatos ko." Pagdadahilan ko. Tumingin ito sa bandang ibaba at napapangiwing ngiti. "Oh, sayang hindi ako nakapagdala ng extra shoes." Mumurahin lang din kasi talaga

