ELISSA UMAGA at nasa usual akong gawain. Ang pagdidilig. Maganda ang set ng mga halamang naroon sa garden. Iba't ibang kulay ng roses ang nakatanim. Nga lang, malapit nang mamatay ang iba dahil natutuyo na ang ibang dahon. Bukod sa pagdidilig ay inaalisan ko rin ang palibot ng mga bulaklak ng mga tuyong dahon. Pati ang mga mumuunting damo na tumutubo sa paligid nito ay akin ding hinuhugot. May kasama kong dustpan at walis. Pagkatapos ko kasi magdilig ay saka ako nagwawalis sa buong paligid. "Hi. Good morning!" anang malamyos na tinig. Paglingon ko ay nakita ko si Ate Selen na umaga pa lang ay kay aliwalas na ng mukha. Naka-cycling shorts ito at fit na turtle-ncek crop top. Litaw na litaw ang magandang hubog ng katawan at ang mala-porselein na balat. She was long-legged. Matangkad na r

