ELISSA SA may department store kami unang nagpunta ni Ate Selen. Ang mga importante raw muna ang bilhin namin bago kami magtuloy sa taas kung saan may balak din daw siyang bilihin. Inilabas ko mula sa bulsa ang listahan ng mga grocery na pinabibili ni Manang Ines. Magkaiba kami ng pushcart na dala bukod daw ang bayad ng sa kaniya. "Damihan mo na ang kuha, 'yong at least good for the whole month." Binundol na naman ako ng kakaibang pakiramdam nang matingalaan si Xavier na kumukuha ng ilan sa mga kailangan kong item. Sa pagkakatanda ko ay iniwan namin siya sa may parking area. Hindi namin siya pinasabay sa elevator at nauna kami roon. Hindi pa yata lumilipas ang limang minuto, nandito na siya agad? "Sinusunod ko lang kung ano ang nakalista rito sa ginawa ni Manang Ines," katwiran ko pa

