bc

The Gay Who Stole My Heart

book_age18+
1.0K
FOLLOW
5.4K
READ
others
friends to lovers
sweet
bxg
lighthearted
campus
school
like
intro-logo
Blurb

Calliope is a certified manhater. She hates boys to the extent. But when she met this gay, she started to appreciate him as a person and also as a boy. At first, Calliope hates Hades because definitely, he's still a man even though he said he's gay. But when they became friends, she started to have feelings for him.

chap-preview
Free preview
Prologue
Simula "Cally baby, please? I want you... Damn it! Baby please," anang bago kong boyfriend. Sinadya kong mapag-isa kami ngayon dito sa likod ng soccer field para magawa ko ang pinaplano ko. At mukhang gumagana naman ang plano kong 'to. Kumagat sa pain ang bobong lalaking 'to. Kung sa bagay kailan ba pumalpak ang plano ko? Napangisi ako nang maisip na hindi na ito makapaghintay na maangkin ako ng buongbuo. Well, pasensiya na lang siya dahil hindi pa ako nababaliw para ibigay ang sarili ko sa walang kwentang tulad niya. Mabilis akong tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig. Mabilis kong inayos ang medyo nagusot kong uniform dahil sa paghahalikan namin ni... oh I forgot his name. Basta kung sinuman itong lalaking kasama ko ngayon. Nagtatakang tumitig siya sa akin habang inaayos ko pa din ang gusot sa aking blouse. Ang akala talaga ng tangang 'to papatulan ko siya. Yuck! Kung alam niya lang kung gaano ako nagtiis ng sobra kanina nang halikan ko siya para lang maisakatuparan ang pinaplano ko. Ang baho kaya ng pabango niya! Pabango pa yata ng lolo niya ang gamit nitong bwisit na 'to. "What are you doing? Hindi pa tayo tapos," anang lalaki ngunit nginisian ko lamang ito. At anong akala niya papayag akong matapos siya at makaraos? Hell no! Magdusa siya d'yan. Wala akong pake. "Oh, I'm really sorry dear but I have class to attend pa eh. Let's see each other again na lang. Bye bye!" paalam ko at mabilis na naglakad palayo ruon habang may malaking ngisi sa mga labi. Mas lalo pang lumawak ang ngisi ko nang marinig ko ang marahas na mura nito mula sa pinag-iwanan ko sa kanya. Mukhang may nabiktima ka nanaman Calliope! Hindi ito ang unang beses na ginawa ko ito sa isang lalaki. Actually marami na akong nagawan ng ganito at lahat ng iyon ay naging successful ang kinalabasan. Bakit ko ginagawa ito? Simple lang, gusto kong patunayan sa mga lalaking iyan na hindi sila ang kumokontrol sa mundo dahil ang totoo bilanggo lang sila ng kanilang sekswal na pagnanasa. They couldn't control the world just like how they couldn't control their own libido. Hindi sila ang may kontrolado ng lahat dahil hindi sila diyos para sambahin o sundin naming mga kababaihan. Kung totoosin kaming mga babae ang may kontrol sa mga lalaking 'yan. Kayang-kaya namin silang paikutin at paglaruan sa mga kamay namin. Bakit? Dahil hindi nila kayang kontrolin ang seksuwal na emosiyon nila. Hindi sila mabubuhay kung walang 's*x'. In short mahihinang nilalang sila dahil hindi nila kayang paglabanan ang temptasiyon hindi katulad nating mga babae. Kayang-kaya nating mamuhay ng normal at masaya kahit wala ang bagay na iyon. Nawala ang ngisi sa mga labi ko nang matanaw ko mula sa malayo si Hades Santiago. Nakasandal ito sa isang puno at mariing nakatitig sa akin habang papalapit ako sa pwesto niya. Hindi ko alam kung anong meron sa taong ito at palagi kong nahuhuling nakatitig sa akin ng masama. Hindi ko naman maalalang ginawan ko siya masama. Sa pagkakaalam ko hindi ko pa naman siya binitin tulad ng ginawa ko sa lalaking kasama ko kanina. Ni hindi ko pa nga nakausap ever ang taong ito kaya ano ang ikinagagalit niya sa akin? Well, isa lang ang paraan para malaman. Huminto ako sa tapat niya kaya naman nag-iwas siya ng tingin. "May problema ka ba sa akin?" diretsiyahang tanong ko. Matagal ko na siyang pinagbalakang landiin para magawa ko din sa kanya ang mga pambibiting ginagawa ko sa mga kalalakihang tulad niya pero paano ko iyon magagawa sa kanya kung mukha namang ayaw niya sa akin at tila may tinatago yata siyang sama ng loob sakin. Ito na ang tamang panahon para malaman ko kung ano ba talagang problema nito sa akin. "Wala," malamig na sabi niya bago niya inayos ang pagkakasukbit ng bag niya sa kanyang balikat. Balak na sana niyang tumalikod sa akin para maka-alis nang pigilan ko siya. Ngumisi ako. Baka nagpapakipot lang ang isang 'to. Malambing kong pinaglandas ang aking mga daliri sa kanyang matigas na braso pero parang wala lang niya iyong tinignan. Parang napapasong tinanggal ko naman ang kamay ko sa braso niya. Bakit ganun siya makatingin? Sa kauna-unahang pagkakataon naramdaman ko ang pagka-ayaw sa akin ng isang lalaki. Hindi pa kahit kailan nangyari sa akin ito. Hindi pa ako napahiya ng ganito sa isang lalaki. May galit ang titig niya sa akin ngayon kaya naman tinitigan ko din siya ng may galit sa mga mata. Siya ang unang nag iwas ng tingin. "Don't try your game on me. That won't work," anito nang may ngisi sa mga labi. Lalo pa akong nainis sa kanya. Handa na sana akong sampalin siya nang hawakan niya ang bisig ko upang pigilan sa tangka kong pagsampal sa kanya. Pilit kong kinakalas ang pagkakahawak niya sa bisig ko pero kahit anong gawin ko ay ayaw niya 'yung bitiwan. "Your game is over, Cally," aniya sa isang seryosong tinig. Tinulak ko siya ng malakas sa sobrang gigil ko sa kanya. Nabitawan niya din ako sa wakas. "At sino ka para sabihin sa akin 'yan? Hindi porket hindi mo kayang laruin ang laro ko ay tapos na ang lahat. Hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo. Maraming lalaking willing d'yan na makipaglaro sa akin," sabi ko sabay ngisi sa kanya. "Wag kang mag-alala hindi ka naman kawalan," sabi ko pa pero tinitigan lamang niya ako na para bang pinipigilan ang sariling makapagbitiw ng kung anumang salita. Tinalikuran ko na siya bago pa man siya may masabing kung ano sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganun na lamang ang takot kong may masabi siyang kung anong bagay sa akin. Basta naiinis ako sa kanya! Sobrang nakakabwisit siya. Oo inis ako sa lahat ng lalaki at mas lalo pa yata akong nabwisit sa kanila dahil sa bwisit na supladong 'to. Kakairita talaga! Kung sana bakla na lang siya! Baka sakaling matanggap ko pa ang pagtanggi niya sa akin pero hindi! Lalaking-lalaki naman siya pero hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niya sa akin at mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit ako naiinis ng ganito ngayon. Who cares kung ayaw niya sa akin? Napailing na lang ako. Nababaliw na yata ako. Bakit ko ba naman pinag-aaksayahan pa ng panahon isipin ang bwisit na lalaking 'yun? Hindi naman siya importante. Panira lang siya ng araw. "Oh, thank God you're here! Where the hell have you been?" Pambungad sa akin ni Kara nang maupo ako sa tabi niya. I just rolled my eyes at her. I'm not in the fvcking mood to tell her what happened. I don't even want her to know that I had a conversation with that jerk. "What?" inis na tanong ko kay Kara nang mapansing nakatingin lamang siya sa akin na para bang binabasa ang nasa isip ko. She just smirked. "I'm not in the fvcking mood, Kara." Mas lalo lamang lumawak ang ngisi ng loka. "Let me guess. Your plan didn't work on James?" Ow! So, that is James. Okay. Now I know. I really don't remember his name. Wala naman siyang halaga kaya bakit ko pa pag-aaksayahan ng oras alalahanin ang pangalan niya? "Oh, come on, Kara. You know me. Hindi pa ako kailanman natatalo sa sarili kong laro," nakangising sabi ko pero tinaasan lamang ako ng kilay ng bruha. Nawala ang ngisi sa mga labi ko nang biglang pumasok si Hades. Nakapamulsa ito at walang bahid ng emosiyon ang mukha habang nauupo sa likuran. Sandali siyang tumingin sa akin pero agad ding nag-iwas. Bwisit! Feeling cool talaga kahit kailan. 'Yung mga kaklase ko namang babae parang mga uod kung kiligin. Seriously? Sinong kikiligin sa lalaking 'yan? Sobrang cold parang manikang naglalakad. Duh! Wala akong makitang kagusto-gusto sa lalaking 'yan. "I have an idea!" biglang sabi ni Kara habang nakatingin din sa direksiyon ng loko. "What?" bored na sabi ko bago ibinaling sa ibang direksiyon ang tingin ko. "Bakit hindi kaya si Hades naman ang paglaruan mo?" ngingisi-ngising sabi ni Kara. Kung alam niya lang na sinubukan ko na iyong iniisip niya at hindi iyon nag tagumpay, baka pinaulanan na ako ng pang aasar ng loka lokang ito. Pero syempre hinding hindi ko sasabihin sa kanya yun 'no. "Are you freakin' kidding me, Kara? Why would I play fire with that Ice prince?" "Oh, come on, Cally. He's hot kaya." "Mukha siyang yelong naglalakad para sa akin," parang wala lang na sabi ko bago ko inabala ang sarili ko sa pagtipa ng mensahe para kay Mama sa phone ko. Calliope: Ma, nagluto ako. Kumain ka muna bago ka umalis okay? Love you. Ilang sandali kong hinintay na magreply siya pero walang dumating na message galing sa kanya siguro tulog pa din siya hanggang ngayon dahil sobrang ginabi na siya ng uwi kagabi. Napabuntong hininga na lang ako. Palagi na lang siyang umuuwi ng hating gabi at lasing na lasing pa. Gusto ko siyang pigilan sa mga ginagawa niya pero natatakot ako na kapag pinigilan ko siya sa mga bisyo niya bumalik nanaman siya sa dating siya. Ayoko nang makita siyang umiiyak araw araw at nag kukulong sa kwarto niya. Mas lalong ayokong makitang sinasaktan niya ulit ang sarili niya kaya kahit ayoko sa mga bisyo niya ay hinahayaan ko na lang siya. Kung iyon lang ang natatanging paraan para maging maayos siya then fine. I'll let her do it. Susuportahan ko pa siya sa kung anong gusto niyang gawin wag lang siyang bumalik sa dating siya. Hindi ko kakayaning makita siyang nasasaktan at nawawasak ulit. Kaya nangako ako sa sarili ko na gagawin ko ang lahat mapasaya lang siya. Dumating na ang instructor namin kaya naman natigil na din si Kara sa pangungulit sa akin tungkol sa pagiging hot 'daw' ni Hades. Hindi ko talaga alam kung anong hot ang sinasabi ng babaeng iyon. Si Hades hot? Saang banda ba sa lalaki dito ang hot? Eh napaka lamig nga kung makatingin ng bwisit na 'to. Akala mo naman talaga kina-cool niya iyong pagiging suplado niya. 'Tsaka bakit ba nandito iyan? Hindi ako makapaniwalang same course kami o baka naman irregular lang ang schedule niya kaya siya napadpad dito sa klase naming. Kahapon naman kasi wala siya ditto. Hindi din halata sa itsura niya na itong kurso naming ang kukuhanin niya. Mass Communication ang kursong pinili ko siguro dahil iyon naman talaga ang matagal ko ng gustong kunin na kurso dahil mahilig talaga akong sumali sa mga film showing sa school namin. Hindi ko alam pero mahilig akong umarte ngunit hindi iyon ang gusto kong career pagkagraduate dahil sa totoo lang ay gusto kong maging isang modelo. May kumukuha na sa akin ngayon pa lang na mga maliliit na agency pero tinatanggihan ko muna dahil gusto kong mag-focus sa pag-aaral gaya ng guto ni Mama. Sa ngayon gusto ko lang munang pagbigyan lahat ng gusto niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.8K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook