002

1326 Words
Kabanata 2 C A L L Y "Cally wait!" Habol sa akin ng bwisit na si James. Ewan ko ba sa lintek na ito kung bakit patuloy pa din ang pangungulit sa akin. Isang linggo na magmula nung makipag-make-out ako sa kanya at iniwan siya. Akala ko pa naman ay na gets na niyang tapos na akong makipaglaro sa kanya nung iwanan ko siya ruon pero ang lintek panay pa din ang kulit sa akin. Halos araw araw na yata ako nitong inaabangan sa classroom namin at hindi na pumapasok sa sariling klase. Iba din talaga kapag libog ang umiral. Akala siguro ng lalaking ito pagbibigyan ko siyang maka-iskor sa akin kapag inaraw araw niya ang pangungulit. Mukha niya ano! Hinding hindi ko ibibigay ang sarili ko sa kahit na sinong lalaki pa yan! Kaya umasa siya sa wala. "Ano ba James. Hindi ba sinabi ko na sayong tigilan mo na ako?" inis na sabi ko pero ang mokong hindi pa din natinag. "Bakit naman, Cally? Wala naman akong maalalang may ginawa akong ayaw mo," nakalabing sabi nito. Napairap ako sa kawalan. Ang akala yata ng isang ito ay madadala ako sa pagpapaawa niyang halata namang peke. For sure gusto lang talaga nitong maka-ikor sa akin. Hindi pa siya nakontento duon sa halik ko kaya naghahabol pa. Well ganun naman talaga ang mga lalaki, hindi nakokontento hanggat hindi naikakama ang mga babae nila. Tsk! Kaya nga ginagawa ko ito sa kanila ngayon dahil gusto kong malaman nilang hindi sa lahat ng oras ay magagawa nila ang kamunduhang nais nila at hindi sa lahat ng oras ay kaya nilang mapasunod ang mga babae sa anumang gustuhin nila. "Cally please. Kung gusto mo liligawan kita ulit para naman mapatunayan ko sayo na hindi ako katulad ng ibang mga lalaki. Gusto talaga kita Cally," nagpapa-awa pa din nitong sabi na tinawanan ko lang. "Oh I'm really sorry James but I'm done with you," paumanhin ko na halata namang hindi sinserado dahil tumatawa pa. "Cally naman. Wag ka namang ganyan." Bakit ba ang kulit ng lelang ng bwisit na lalaking ito? Sinabi ko na ngang ayoko na! Hindi yata maka-intindi ng tagalog at ingles. Gusto pa yata ay mag-espanyol ako para lang maintindihan niya ang sinasabi ko. Bwisit na 'to. Bwisit na nga bobo pa. "Tumabi ka sa daan James. Baka masampal kita pag mahuli ako sa klase ko," supladang sabi ko bago siya hinawi patabi upang makadaan pero ang lolo niyo persistent talaga at talagang mas lalo pang humarang sa dadaanan ko. Mas lalo akong nabwisit. I swear umakyat talaga yung dugo ko sa ulo ko sa ginawa niya. Kating-kati na yung mga kamay kong samapalin ang lapastangan na ito kaya lang ay ayoko namang lumikha iyon ng ng scene at baka maguidance pa ako. Oh no. Malaking gulo yun. Ayoko ng ganun. Baka ma-suspension pa ako pag nagkataon. Bwisit talaga itong lalaking ito. "Will you fvcking leave me alone?!" Halos mamula na ako sa sobrang galit nang sabihin ko iyon. "Just give me my chance again. Please Cally!" anito. Umirap ako at wala nang nagawa kundi ang tumango na lamang. Nasaksihan iyon ng mga schoolmates namin kaya nagpalakpakan ang mga ito. Kilala akong hindi umuulit ng lalaki kaya ang pagsang-ayon kong ito kay James ay malaking issue para sa kanila. Damn it! Binalingan ko si James na ngayon ay hindi magkamayaw sa pagtalon sa sobrang tuwa. Achievement yata para sa kanya yun. Akala niya lang! Pumayag lang ako dahil ayoko ng makulit at gusto ko ng makapasok sa klase. Hinawi ko si James at naglakad na dirediretsyo patungo sa aking classroom. Halos takbohin ko ang klase ko para lang wag niyang maabutan. Damn that idiot! Sinuklay ko ng kamay ko ang buhok ko bago ako naupo sa aking upuan. Wala pa yung supladong seatmate ko. Buti naman. Ayokong madagdagan ang badtrip ko ngayong araw ngunit wala pa akong nag-iisang minutong nakaupo sa upuan ko ay dumating na ang loko. Napairap ako sa kawalan nang maupo siya sa tabi ko. "Kung may problema ka sa seating arrangement. Sabihin mo kay ma'am. Hindi 'yung sa araw-araw na pag-upo ko dito ay masasaksihan ko ang pag-irap at pagtaas ng kilay mo," aniya bago isinalpak ang kanyang wireless earphone sa kanyang tainga. What the? Ngumisi ako at binalingan siya. Nag-iwas lamang siya ng tingin sa akin bago sumandal sa sandalan ng aming upuan. Inis kong tinanggal ang earphones sa kanyang tainga at padabog iyong inilagay sa desk. Walang emosiyon niya akong binalingan. Itinaas ko ang kilay ko. "What did you just say? Nanahimik ako dito pagkatapos kung ano-anong ibibintang mo sa akin? Hoy, for your information Mr. Santiago, wala akong pake sa existence mo ano! Wag ka ngang feeling." Umirap ako pero ang loko ngumisi lang. "Really huh? Kung ganun bakit nagkakaganyan ka agad sa simpleng sinabi ko na 'yun?" This jerk! "Just get lost!" pikon kong sinabi. Ewan ko. Hindi ko talaga kayang tagalan ang pakikipag usap sa bwisit na 'to. Mabilis na kumukulo ang dugo ko sa kanya. Sarap niyang sakalin. Hindi na niya ako sinagot pagkatapos nun at tinuon na lang niya ang kanyang atensiyon sa kanyang cellphone. Pasimple kong sinilip ang ginagawa niya sa kanyang phone. Nakita kong may katext siya pero masyadong maliliit ang letra sa phone niya kaya di ko mabasa. Mukha naman na 'kong stalker nito. Damn it! Nacucurious lang talaga ako sa ginagawa ng boring na lalaki na 'to. Gusto kong malama kung marunong bang magsaya ang isang batong tulad nito. Parang walang emosiyon ang loko. Tao ba talaga ito o robot? Kahit kapag nagsasalita siya hindi nagbabago itsura niya. Kahit na ngumisi siya kanina wala pa ding emosiyon parang ewan. Hindi ko tuloy sigurado kung tao pa ba talaga ang isang ito. Ang weird kasi talaga niya. Nang dumating na ang professor namin ay agad na akong umayos ng upo at hindi na inabala ang sarili sa pag lingon sa katabi. Itinuon ko na lamang ang pansin ko sa professor na nasa harap nang bigla itong magpa-activity. Kailangang magpartner ang activity na yun kaya sa ayaw ko man o sa gusto kailangan kong makipag-cooperate sa lalaking nasa tabi ko. Nang lingonin ko siya ay nakatingin na siya sa akin. Inirapan ko siya. Ngunit bigla akong natigilan nang bigla itong mahinang humalakhak. Ngayon ko lang siya narinig na tumawa kaya medyo nabigla ako. Hindi makapaniwalang tinitigan ko siya. Ang bwisit na lalaking ito ba talaga ang narinig ko? Imposible. Bato ang isang ito kaya paanong mangyayaring narinig ko siyang tumawa? Nang medyo tumagal ang pagkakatitig ko sa kanya ay ngumisi siya kaya naman agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya at nang muli akong bumaling ay nakataas na ang kilay ko. Sinamaan ko siya ng tingin. "Anong nginingisi ngisi mo dyan? Simulan na natin. Ayokong bumagsak sa subject na 'to." Pagtataray ko bago kumuha ng paper sa bag ko. Isinulat ko ang pangalan ko sa papel at ipinasa iyon sa kanya ngunit ang loko tinitigan lamang iyon. "Just write my name." Umirap ako. "Fine." Isinulat ko ang pangalan niya sa papel sa ibaba lang ng pangalan ko gaya ng gusto niyang mangyari. Tinitigan ko sandali ang mga pangalan naming nakasulat sa papel at napangisi. Hindi ko akalain na darating ang araw na maisusulat ang mga pangalan namin sa iisang papel. Parang kailan lang ay kung magturingan kami ay parang hangin ang bawat isa. Parang wala lang ako sa paningin niya nuon, hindi naman sa gusto kong pansinin niya ako pero nakaka-inis lang na kung itrato niya ako nuon parang hindi niya ako nakikita. Kinakausap naman niya ang bestfriend ko pati na ang mga kaklase namin pero ako never talaga niyang kinausap maliban na lang kung ako mismo ang lalapit sa kanya at mauunang makipag-usap. Hindi ko alam kung paano namin natapos ang activity na 'yun nang hindi nagtatalo. Inis pa din ako sa kanya pero pinipigilan ko na ang sarili ko dahil ayokong magulo ang pag-aaral ko dahil lang sa bwisit na lalaking ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD