8

1462 Words
Kinaumagahan noon, hindi ko nagawang bumangon dahil buong minuto akong nakatitig lamang sa kisame ng kuwarto ko. Ni hindi man lang pumasok sa isipan ko noon na isang araw darating sa puntong ikakasal ako sa isang kaluluwa. Nabigla ako nang may marinig akong bumagsak na kaldero sa kusina ko. Dali-dali akong bumangon at tumungo sa kusina. Nadatnan ko roon ang babaeng multo na nakatulala sa nakatumbang kaldero sa sahig. "Ano ang ginagawa mo?" inis kong tanong, saka ibinalik ang kaldero sa lagayan nito. "Ano… hinawakan ko lang naman, tapos akala ko mahahawakan ko pero tumagos ito sa kamay ko," paliwanag niya. Inis na napakapit ako sa leeg. "Alam mo naman sigurong patay ka na, diba? Malamang hindi mo 'yan mahahawakan," inis kong sagot dito. "'Wag mo na ngang pakialaman ang mga gamit ko rito," dugtong ko pa. Natahimik ito bigla. Napatingin ako sa kanya at nakayuko lang ito habang kinukutkot ang kanyang daliri. Sumusugat na ito nang kaunti. "'Wag mo ngang kutkutin 'yan--" Nabigla ako nang mahawakan ko bigla ang kamay niya. Pati na rin siya ay nabigla. "Pa'no'ng…" Bigla kong binitawan ang kamay nito. Hindi pa rin ako makapaniwala na kaya ko siyang hawakan kahit na isa na siyang kaluluwa. Sa gulat ay hindi rin ito nakapagsalita. "Nahahawakan mo ako," ani niya matapos ang ilang segundong katahimikan. Tumikhim ako bago ito sinagot. "Maliligo lang ako at 'wag na 'wag kang susunod sa akin," banta ko rito. Natahimik ito bigla at hindi na nagsalita pa nang lagpasan ko siya. Naligo ako at nagbihis. May trabaho ako ngayon at plano kong sa karinderya na lang kumain. Nawawalan ako ng gana kapag dito pa ako kumain sa apartment ko. Inaayos ko ang uniporme ko sa salamin nang bigla itong lumitaw sa likod ko, na ikinagulat ko. "Pwede ba! 'Wag kang lilitaw sa kung saan-saan," inis kong ani, saka kinuha ang sapatos ko at umupo sa kama para isuot ito. Wala itong naging reaksiyon. "Saan ka pupunta?" tanong na lang nito. Napatingin ako sa kanya nang saglit. "May trabaho ako ngayon. 'Diba sinabi ko naman sa'yo na pulis ako," ani ko. Natapos ko na ang pagsusuot ng sapatos nang tumayo ako at kinuha ang susi ng motor ko. "Pwede ba akong sumama?" tanong niya bigla na nagpatigil sa akin. Napa-isip ako bigla. Hindi naman siya sigurong makakagulo sa trabaho ko kasi wala namang nakakakita sa kanya. Tiningnan ko ito at nakatingin lang ito sa akin na naghihintay ng sagot ko. "Sige, pero 'wag kang gagawa ng kahit ano roon, naiintindihan mo?" babala ko rito. Ngumiti naman ito sa akin saka tumango. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kakaiba sa dibdib ko nang ngumiti ito. Pero minabuti kong itigil ang isiping iyon. "Tara na," aya ko rito. Bumaba kami ng apartment saka pumunta sa motor ko. Sumampa ako rito pero napatigil nang mapansing wala na sa tabi ko 'yong multo. Asan na 'yon? "Tara na!" "Ay putang--" Nabigla ako nang may magsalita sa likuran ko. Naka--upo na pala ito sa motor ko at nakangiti pa. Kailangan ko na talagang masanay na kung saan--saan na lang ito sumusulpot. Inilagay ko na ang susi ko saka nilingon siya. "Ano pang ginagawa mo?" "Ha?" "Kumapit ka sa akin," utos ko. Nabigla ito sandali pero sinunod rin naman ang sinabi ko. Binalot ng malamig nitong kamay ang bewang ko. Napatigil ako bigla. Bakit bigla akong kinabahan? 'Di bale na nga. Pinaandar ko na ang motor ko at umalis na kami. Kaagad kong ipinarada ang motor ko nang makarating kami sa istasyon kung saan ako nagtatrabaho. Pagpasok ko, sinabunutan kaagad ako ng kaibigan kong si Jam. "Magandang umaga, Carlos Santiago!" ani nito saka tinapik ako. "'Wag mo nga akong tawagin sa buo kong pangalan," ani ko saka umupo sa puwesto ko. Tumabi ito sa akin habang kumakain ng pandesal at sumisimsim ng kanyang kape. "Santiago, kape muna." Napatingin ako kay Jenna. Katrabaho ko rin siya rito at matalik kong kaibigan. Kaming tatlo nina Jam at Jenna ang palaging nagtutulungan dito kapag may problema. Kaso nga lang mas mataas ang mga ranggo nilang dalawa sa akin. Kinuha ko ang baso ng kape na inabot niya. "Balita ko minumulto ka raw, sabi nitong si Vergo," ani nito sabay turo kay Jam na kumakain ng pandesal. Bigla naman akong napatingin sa babaeng multo na kasama ko, na ngayon ay nakaupo sa bakanteng upuan malapit sa amin habang nakatingin sa aming tatlo. "Ah… ano… wala 'yon. Nananaginip lang siguro ako no'n," aniko sabay pilit na tawa. Tila hindi naman kumbinsido ang dalawa kong kasama pero wala rin naman silang sinabi. "Sabi sa'yo eh," ani ni Jenna saka umalis sa harapan namin. "Tsk. Bahala ka r'yan. Kape mo ha, ubusin mo 'yan," ani ni Jam saka umalis na rin sa tabi ko. Napailing na lang ako at binalik ang atensyon sa pagkain. Pero hindi nakaligtas sa akin ang matalim na tingin ng chief namin. Ano na naman bang problema niya? Palagi na lang mainit ang ulo sa akin. Ako na lang mismo ang umiwas ng tingin. Alam ko kasing ayaw nito sa akin. Simula nang mapalitan ang chief namin dito at pinalitan niya. Palagi na lang niyang binabantayan ang mga galaw ng lahat ng nandito. Pero kahit gano'n ay pinipili na lang naming manahimik at sundin ang mga inuutos niya. Natapos ang araw na iyon na puro ako ang nakikita ng chief namin. Kahit kunting galaw ko ay nagagalit siya. Nag-iinit tuloy ang ulo ko. "Uuwi na ba tayo?" biglang sulpot ng multo sa tabi ko. "Ang boring na kasi dito," reklamo niya na hindi ko alam kung bakit kinainisan ko. "Edi sana hindi ka na lang sumama," hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sa inis. Nagulat ito pero wala siyang sinabi. Huminga na lang ako nang malalim saka sinuot ang helmet ko at sumampa sa motor. "Sakay, bilis!" inis kong utos. Nang makasampa ito saka ko pinaharurot ang takbo. Pero hindi ako dumiretso ng uwi. Hininto ko ang motor sa tabi ng dagat kung saan makikita sa malayo ang nag-iilaw na lighthouse sa kabilang isla. Bumaba ako ng motor saka naglakad papunta sa malalaking bato at naupo roon. Dito ako madalas lumalagi kapag nagpapalamig ako ng ulo. "Bakit hindi pa tayo umuuwi?" tanong ng katabi kong bigla na lang sumulpot. Hindi ko ito pinansin. Pinikit ko ang mga mata at dinama ang tunog ng alon na humahampas sa kabatuhan. Ang sarap no'n sa pakiramdam. "Ang ganda," narinig kong pagsasalita niya. "Lagi ka bang pumupunta rito?" tanong niya pero wala akong naging sagot. "Bakit ba hindi mo ako kinakausap?" dugtong niya pa. Pero wala ako sa sarili para kausapin siya. Ilang minuto kaming tahimik at mabuti naman at hindi na ito nagtatanong pa. Ang gusto ko lang ay katahimikan. Katahimikan. Bigla akong napamulat nang may maalala. Pa'no ko ba makakamit ang katahimikan kung may multong laging nakabuntot sa akin? Sabi ni Manong Kanor ay dapat kausapin ko ito at tulungan sa lahat ng mga unfinished business niya pa rito. Napalingon ako sa kanya. Nakatingin ito sa dagat habang nakapikit at nakangiti. Umiwas ako ng tingin saka tumikhim nang malakas, sapat lang para mapalingon ito sa akin. "Elena… Elena ang pangalan mo, diba?" panimula ko. Tumango naman ito. "Pa'no ka namatay?" tanong ko ulit. Lumingon ito sa akin na nakangiti. "Kinakausap mo na ba ulit ako?" bakas ang sigla sa boses niya. "Sagutin mo na lang ang tanong ko," ani ko saka umiwas ng tingin. Napa-isip naman ito. "Hindi ko kasi matandaan. Nang magising ako, wala akong maalala. Tanging ang pangalan ko na lang," aniya matapos ang mahabang pag--iisip. Pa'no'ng nangyaring wala siyang maalala? Kapag ba namatay ang isang tao, nakakalimutan na nito ang lahat tungkol sa pagkatao niya? "Kahit saan ka nakatira?" tanong ko ulit. Tumingin ito sa akin saka umiling. "Hindi ko rin maalala eh," aniya. Inis na napakapit ako sa sentido ko. Walangya. Paano ko siya matutulungan nito kung wala siyang maalala? Mukhang masusubok ang pagiging magaling kong pulis dito. "Eh 'yong apelyido mo? Naaalala mo pa ba?" tanong ko. Umiling ito. "Ganito na lang… ano ang natatandaan mo tungkol sa'yo bago ka namatay?" dugtong ko. Napa-isip ito at tumahimik sandali. "Wala akong maalala kahit ano, maliban sa pangalan ko. At sa lugar kung saan mo ako nakita. At… 'yong lalaki." "Lalaki?" "Oo. Lagi ko siyang nakikita sa panaginip ko." "Sandali. 'Wag mong sabihing kahit multo, nananaginip," pigil ko nang tawa pero mukhang seryoso nga ito kaya napatigil ako at tumikhim. "Alam mo ba ang hitsura niya?" tanong ko na lang. Umiling ito. "Hindi. Nakakalimutan ko kaagad pagkagising ko. Lagi niya akong tinatawag na Elena sa panaginip ko. Pakiramdam ko mahalaga siyang tao sa akin," kuwento niya. Lalaki? Mahalagang tao? Ah. Baka boyfriend niya. Hindi malabong boyfriend niya 'yong nakikita niya sa panaginip niya. Kailangan kong hanapin 'yong lalaking 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD