CHAPTER 2

2226 Words
Isa-isa umakyat ang mga pasahero habang siya naman ay nasa baba parin. “Hindi ka pa aakyat, ate?” Tanong ni Lyka sa kanya. “Hintayin ko nalang yung babae kasi hindi ko naman kilala kung sino mga kasama niya at kung anong seat number niya.” Sagot niya dito “Okay lang ba na maiwan ka dito? Aakyat na kami.” Singit naman ni Riza. “Oo mauna na kayo.” Sagot niya sa mga ito tutal ang mga gago nahiwalay ako sa kanila na upuan at ngayon may makakatabi pa akong di ko kilala. Napabuntong hininga nalang siya at nakatingin sa mga paligid baka sakaling makita niya ang babae. “Saan na kaya yun?” Medyo naiinip na tanong niya sa sarili at tumingin ulit sa paligid. May nakita siyang isang grupo na nag uusap sa malapit sa kanya. At halata namang magtotropa ang mga ito at mukhang may mga lahi din. Lalo na ang mga lalake sobrang tangkad while ang mga ibang babae na kasama ng mga ito ay sakto lang ang tangkad kumbaga kung tatabi siya duon ay para siyang dwente. Napakunot noo naman siya ng mapalingon ang mga gawi ng mga ito sa kanya. Medyo kinabahan siya bigla kasi parang ang sama ng tingin nila sa kanya. “Tangina mukhang mapapa away pa ata ako ng wala sa oras.” Bulong niya sa sarili at lumingon nalang ulit sa iba. “Asan na ba kasi yun?” Naiinis na niyang saad. “Excuse me?” Narinig niyang sabi ng isang lalake, napaligon siya doon at medyo nanliit siya dahil sobrang tangkad naman nito kaya tumungo siya at nakita ang mala abong mata nito na seryosong nakatingin sa kanya. “Ako ba?” Takang tanong niya pero lumingon siya sa paligid at napansin niyang medyo nakaharang siya sa daanan pakyat kaya tumabi siya baka kasi dadaan ang mga ito. Ito ang mga grupo sa gilid kanina. “Why are you holding that?” Tanong naman ng isang babae, medyo masama kutob niya dito at hindi maganda ang pasok ng aura nito sa kanya. Matangkad ito halatang pinay pero mukhang impokrita. “Holding what?” She asked back. Neknek nito marunogn siyang mag English no. “That bag.” Sagot naman ng isa pang babae na kalahi ng impokrita, ewan ba niya kasi once na naramdaman niyang hindi maganda ang aura ng babae eh lumalabas ang pagka demonyita niya. “Kasi hawak ko.” Sagot niya at medyo lumayo sa mga ito. Narinig naman niyang tumawa ang mga lalake at ibang babae na alam niyang yun ang mga hindi impokrita they seem nice. “Bobo, Tinatanong ka namin bakit hawak mo ang bag ni Kylie.” Inis ng sabi ng babaeng impokrita na akala mo ay nakaulam ng foundation. “Anong sabi mo?” Ngayon lumalabas na ang pagka gago niya. “Ay Bobo na nga, Baboy pa at ngayon bingi pa.” Sagot nito. nagpantig ang tenga niya sa sinabi nito. Hindi naman naka imik ang mga iba sa sinabi ng babaeng impokrita. Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan ang kaibigan niyang si Riza. Tumingin naman ang mga ito sa kanya nagtataka bakit may tinatawagan ito. “Bumaba ka dito.” Galit na saad niya ng sinagot ng kaibigan niya ang tawag. “Tangina, bumaba ka dito, di ako makapagpigil, ayaw niyo naman sigurong hindi matuloy ang bakasyon natin at palabasin dito as airport.” Galit na sagot niya sa kaibigan niya ng tinanong kung bakit at pinatay niya ang tawag at tumingin sa mga taong nakatingin sa kanya. “Tangina.” Naiinis niyang saad at tinignan ng masama ang mga ito. “Are you cursing us? Eto na nga ba ang sinasabi ko eh, dapat ginamit nalang natin yung private plane ng isa sa inyo kesa sa sumakay tayo sa public plane. Sino ba kasing may pakana nito?” Naiinis na saad ng katabi ng impokrita. “Watch your mouth, Irish.” Banta naman ng isa sa mga lalake. “Did you steal that bag?” Galit na duro ng Irish sa akin. Dun na nawala ang self-control ko. At binag sak ang hawak ko na sling bag ko at tinanggal ang jacket ko. Pinanood naman siya ng mga ito. Medyo nailing pa siya ng madako ang tingin niya sa lalakeng unang nakipag usap sa kanya na may kulay abo na mata. Seryoso lang itong nakatingin sa kanya at walang pake alam sa paligid o kung anong ginagawa ng mga kasama niya. “Di ko ugaling mag iskandalo pero napupuno na ako sayong, higad ka.” Madiin kong sabi at masamang tinignan ang babae. Lumakad siya papalapit dito at nakita niyang medyo na mutla ang babae. “Tangina ka, ipakita mo sakin ang tapang mo ngayon.” Madiin na saad niya dito pero bigla biglang may humila sa kanya palayo at kinulong sa bisig nito napatingin siya at yung boyfriend ni Riza iyon, kaibigan niya din. “Bitawan mo ako, Josiah. Kanina pa ako nag titimpi.” Galit na saad niya. “Gago, huwag mo ng patulan, mapapaalis pa tayo dito.” Natatawang sagot nito. Siraulo din to eh. “Tangina, Riza itong Jowa mo. Isasabit ko to sa pakpak ng eroplano.” Inis na sabi niya sa kaibigan, silang dalawa ang bumaba kasi alam ni Riza na hindi niya kaya pag ako ang nakipag sabungan. “Ano bang nangyayari ate?” Tanong naman nito at tumingin sa grupo na susugurin ko. “Eh itong dalawang putang inang yan. Pinupo ako gusto kong makasapak ngayon.” Galit na sabi niya at siniko si Joshia sa tyan kaya napabitaw ito. “Langya ka talaga, Maria Thallia. Kababae mong tao.” Natatawang sabi ni Joshia kahit na nasaktan din siya sa siko nito. “Manahimik ka diyan.” Inis na sabi niya. “Ugaling squatter.” Duro ng babaeng impokrita sa kanya. “Ay teka, below the belt ka naman miss.” Naiiritang sabi ni Riza ng marinig ang sinabi nito “Ano bang ginawa ng kaibigan ko sa inyo?” Tanong ulit ni Riza sa mga ito. “She stole our friend’s bag.” Saad ng babae. Napalingon si Riza sa kanya at siya naman ay tinuro ang bag ng babaeng nakisuyo sa kanila. “Ay naku, misunderstanding kayo. Nakisuyo kanina yung babae kay ate Thallia kanina kasi naiwan ang isang bag sa CR. Asan na ba kasi yun?” Tanong ni Riza then suddenly someone run to them especially to her. “Hi, miss, thank you ha? Medyo nalito na ako kanina kung sang CR ko naiwan ang bag ko. Nakangiting pasasalamat nito sa kanya at tumango lang siya. “Oh, you guys are here. By the way I want you to meet my newfound friend.” Masayang sabi ng babae at hinila siya at hinarap sa mga kasama nito. mukha namang parang namutla ang mukha ng dalawang impokrita kanina. “F-Friend?” Kinakabahang saad ng isa. “Yeah, she’s.” Tumingin ito sa akin. “Thallia.” Sagot niya dito. Magaan ang loob niya siya babae dahil Maganda ang aura nito para sa kanya hindi tulad ng dalawang babae na mukhang na dengue na ngayon dahil sa pamumutla. “Kylie, that two girls just insult Thallia earlier.” Saad ng isa sa mga babae kanina na nanonood lang kanina sa kanila. Kumunot noo naman ni Kylie at napalingon sa kanya na para bang nagtatanong. Napabuntong hininga siya. “Tutal andito kana, ito na ang bag mo at kanina ko pang gustong umupo. Nice meeting you Kylie. Mauna na kami.” Saad niya at iniwan ang mga ito at pumila para umakyat na. pero bago yun ay narinig niya ang sinabi ni Kylie sa mga kasama niya. “I told you Kuya Kaiden, bat kasi sinama mo pa ang mga impokritang ito?” Inis na sabi ni Kylie sa tinatawag niyang kuya di na niya nilingon ang mga ito. “Tanungin mo yang kuya mong si Karter.” Tipid na sagot naman nung Kaiden. Tangina kaka umpisa lang ng araw niya pero parang naubos ang lakas niya. Nakarating na siya sa seat number niya at tangina talaga ang layo ng upuan niya sa mga kaibigan niya. Buti nalang at sa may bintana siya nailagay. Busy siya sa pag check ng email niya dahil hindi pa naman umaalis ang sinsakyan nila ng maramdaman niyang may umupo sa tabi niya. Di na niya pinansin kung sino iyon. Ang alam lang niya ay lalake ito base nalang sa pabango nito. pero para siyang mapapamura ng marinig niya ang boses ng isa sa upuan nila mukhang ayaw siyang lubayan ng kademonyohan ngayong araw. Kaya di nalang niya nilingon ang mga ito. “Kaiden, let’s exchange seat.” Maarteng sabi nung babae. “Bawal, ayaw kong makatabi ng higad.” Siya ang sumagot pero di siya lumingon sa mga ito dahil busy parin siyang binabasa ang mga email na pinadala sa kanya. Narinig naman niya ang pag ngisi ng lalake pero wala siyang pake alam, hindi parin siya tumingin sa katabi niya. “Ikaw na naman?” Inis na sabi ng babae. Tamad siyang tumingin dito. “Yan din ang tanong ko. Kaya itikom mo yang bibig mo kung ayaw mong paliparin kita.” Inis na sagot niya dito at nakita naman niyang parang namutla sa takot ang babae ang umiwas ng tingin. Napabuntong hininga siya at lumingon sa lalakeng alam niyang kanina pa nakatingin sa kanya at parang tinakasan siya ng hangin sa baga kasi ito yung lalakeng kanina na nakakuha ng attention niya. Ang mala abong mata. Kumunot noo siya para itago ang kabang nararamdaman at binalik nalang ang tingin sa kanyang cellphone at pinagpatuloy ang pagbabasa ng email pero para talagang ginagago siya ngayong araw dahil tumatawag ang former boss niya. Wala siyang magawa kundi sagutin ito. “Yes po.” Walang buhay na sagot niya. “Bakit hindi mo kinuha yung pera?” Tanong nito “I told you, boss, hindi ko kailangan. Nilibre na ako nila Riza saka pumasok naman na po ang sahod kaya may magagamit ako sa bakasyon ko.” Sagot niya ulit na halatang pikon na siya. “I told you Thallia, para sayo yun. Ngayon ka lang nag request ng leave.” Pamimilit nito. “Gaya ng sabi ko boss, di ko kailangan. Saka na tayo mag usap boss pag balik ko. I have 2 weeks to think. Pag iisipan kong mabuti ang desisyon ko.” Sagot niya dito habang nakatingin sa labas ng bintana alam niyang nakatingin sa kanya ang katabi niya at medyo naiilang siya pero di niya pinahalata. “What decision?” Takang tanong ng boss niya “I’m planning to resign boss. Ilang buwan na akong stress diyan sa impokritang matanda na yan. Sad to say napuno na ako. Ngayon ko na sasabihin sayo boss para hindi na mahaba ang diskusyon pagbalik ko. Magre-resign na ako. Huwag kang mag alala pag balik ko aayusin ko lahat ng papeles para maayos na ipasa sa kapalit ko. Tama na yung sampung taon kong namalagi sa tabi niyo. It’s a blessing in disguised na nagkabanggaan kami ng matapobreng matanda. It’s time naman siguro na gawin ko na ang gusto ko.” Mahaba niyang saad dito na ikinaimik nito. “But it’s hard to find a new job, Thallia. At your age, mahirap na ngayon.” Malungkot na saad ng dati niyang boss. “Huwag kang mag-alala boss, kung makapagsalita ka naman, 28 palang ako. Marami pa naman siguro akong mahahanap na trabaho. Ang ganda ng record ko sa company niyo, kaya malakas loob kong umalis. Kesa sa mag stay ako sa company niyo na puro pang huhusga ang alam dahil lang sa kagagawan ng matapobreng matanda na yun. Salamat parin kasi mabait parin kayo sa akin kahit na alam kong naiipit kana sa amin. Pero mas Maganda na ito boss. Pagbalik ko siguro mga 1 month ako mag stay pa dyan at ayusin lahat ng mga papeles na iiwan ko then goodbye na ako sa inyo.” Nakangiting saad niya. “Okay, enjoy your vacation and hopefully magbabago pa ang desisyon mo. Ayoko naman na umalis ka sa kumpanya ko. Malaki ang naitulong mo sa akin.” Malungkot parin nitong saad. “Tangina boss, di ako sanay na ganyan ka. Sige na boss at lilipad na kami. Pagbalik ko pareho pa rin desisyon ko. Malas mo lang wala kang laban sa matapobreng yun. Kaya okay lang ako. Ako pa? nahospital lang ako nun dahil sa stress pero naisip ko din na hindi ko na ilalaban Karapatan ko kasi wala akong laban. Pero salamat pa rin sa lahat boss. Kaya pagbalik ko gumawa ka ng good moral ko para naman matanggap ako kung san man ako mapunta na trabaho. Pag hindi mo yun ginawa boss, tandan mo alam ko lahat ng bituka mo. Wawasakin ko yan.” Natatawang sagot ko dito at pati ito ay natawa na din. “Okay, see you after two weeks.” Sagot nito. “Sige boss. Goodbye motherfucker.” Saad niya at napatawa siya ng minura siya nito at pinatay niya ang tawag. Saka naman narinig niya ang piloto na nagsalita. Napalingon naman siya sa katabi niya at nakatingin lang ulit ito sa kanya. Napakunot noo naman siya at umiwas ulit ng tingin. Sinuot nalang niya ang earphone niya at nakinig sa music at hinayaan ang sarili na makatulog sa byahe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD