bc

I CHOOSE YOU (TAGALOG)

book_age18+
15
FOLLOW
1K
READ
billionaire
fated
powerful
drama
sweet
lighthearted
office/work place
like
intro-logo
Blurb

INTRODUCTION

They say, every human being may nakalaan para sa kanila. Pero para kay Thallia, naniniwala siya na hindi ata siya kasama sa gumawa ng kasabihang iyon. Dahil sino naman ang magkakagusto sa kanya? She’s not sexy, she’s chubby. She doesn’t have fair skin, she has so many flaws and she knows that a woman like her ay hindi papatulan ng mga lalake. Sino naman ang magkakagusto na may magiging jowa ka na hindi na nga kagandahan ay hindi pa maipagmamalaki.

Maria Thallia Javier, 28 years old, a 5’1 height and weight? Huwag ng pag usapan, she’s fat, pero sabi ng iba chubby lang naman daw kasi may shape parin naman ang kanyang katawan.

She was being teased by her friends, kasi napagiiwanan na daw siya dahil ang ibang ka batch niya at mga kaibigan ay may mga asawa na at puro tita ninang nalang ang peg niya sa buhay.

Nagka boyfriend naman na siya dati pero yun nga lang ay hindi tumatagal dahil siya mismo ang nakikipaghiwalay. Dahil naniniwala siya bakit pa siya tatagal sa isang relasyon kung hindi niya maramdaman na mahalaga siya sa isang tao? She believes that if someone loves you, he will give you assurance or magpapakita siya ng effort, pero gago lang kasi parang baligtad ang nangyayari, siya ang nagbibigay ng effort, so mas Magandang maging single nalang siya sa buhay. Saka sino ba naman kasing magseseryoso sa kanya? Itsura palang niya, hindi ng pang thropy. Kaya sabi niya sa sarili niya ang huling magiging boyfriend niya ay siya na mismong magiging asawa niya. Pero baliw siya ganyan din ang sinabi niya sa huling ka relasyon niya pero ayon wala pang 2 months nakipaghiwalay na siya. Kaya hindi rin alam ng kanyang mga kaibigan kung may balak pa ba daw siyang makipag asawa.

And one day, nag yaya ang mga kaibigan niya na mag Siargao, and sino ba siya para tumanggi? She said yes, dahil gusto din niyang magpahinga malayo sa magulong buhay niya kahit pansamantala.

There she met someone, well isang grupo yon pero isang tao lang nakakuha ng attention niya. Pero gaga siya kung iisipin niyang papasinsinin siya ng lalake kasi ang grupo ata nito ang nakasalo lahat ng magagandang katangian na ibinuhos ng kalangitan.

Kaiden Velasquez ang pangalan.

Author's Note: Warning for the Rated M Scene, this is full of hot scenes, and some cursing words or other bad words. Thank you!

chap-preview
Free preview
CHAPTER1
“Ateeeeeeeeeeee!” tawag sa kanya ng kaibigan niyang si Riza, nagpapark palang siya ng motor niya ng makita siya nito. Napapikit nalang siya ng mata ng mapansin niyang nakatingin sa kanila ang ibang tao. “Boses mo girl parang 20 years tayong di nagkita.” Naka ngising sabi niya dito matapos niyang tanggalin ang helmet niya. Nakita niyang nakapark ang kotse nito sa tabi niya. “Eh excited ako.” Nakangising sagot nito. Napakunot noo naman siya. “Ano na namang kagaguhan ang ginawa mo aber?” Tanong niya dito habang tinitignan ito at parang inaakusa. Napangisi ulit ito at may inabot na papel sa kanya. Tinitigan niya muna ang papel at tumingin ulit dito. “Naku Riza, sinasabi ko sayo, ang lakas ng pakiramdam kong kagaguhan na naman yang nasa papel na yan.” Nag aakusang saad niya dito hindi parin kinukuha ang papel. Napanguso naman ito sa kanya. Sinasabi na nga ba niya. “Ano na naman ang ginawa mong babae ka ha?” naiiling na tanong niya dito, pero halos maihampas niya ang helmet dahil sa gulat ng biglang may umakbay sa kanya. “Chillax te, masisira ang beauty ko.” Narinig niyang saad ng isang kaibigan nila na binabae na si Ry. “Pasalamat ka mabilis ang pagpigil kong hindi maihampas ang helmet ko sayo. Bigla-bigla ka kasing sumusulpot.” Sabat niya naman dito. Tumawa naman ito at tumingin kay Riza. “Ano te, nakapag ready kana ba?” Biglang tanong ni Ry sa kanya. Napakunot noo na naman siya. “Ready saan? Tatanggalin na ba ako?” Nakangising tanong niya dito na ikinailing ng dalawa. “Ano kaba te, di ka tatanggalin sa tagal mo dito? Isa ka ngang dakilang empleyado sa company natin, tapos dahil lang sa isang hindi pagkakaintindihan tatanggalin ka?” Nalolokang saad ni Ry sa kanya. “Malay ba natin, matapobre ang naka bangga ko.” Saad niya at nag kibit balikat. “Pero teka ano ba kasi ang sinasabi niyong naka ready na ba ako?” Pag iiba niya ng usapan dahil ayaw niya munang ma stress. “Ate next week, Siargao tayo.” Biglang singit na sabi ni Lyka na bagong dating. Blangkong tinignan niya ang mga ito. “Shuta, huwag niyong sabihin na nag book kayo ng hindi ko alam?” Naiinis na tanong niya sa mga ito. At ngumisi pa nga ang mga ito sa kanya. “Gago, desisyon kayo.” Naiiling na daing niya sa mga ito na ikinatawa lang ng tatlo. “Mag send kana ng leave mo kasi 2 weeks tayo sa Siargao.” Bilin ni Riza sa kanya na mag ikinalaki ng mata niya. “Nababaliw na ba kayo? 1-day nga na wala ako hinahanap na ako. Yang 2 weeks pa kaya na yan?” Nagugulantang saad niya sa mga ito. Natawa naman ang mga ito, pero true to be told, one day lang talaga na wala siya ay hinahanap na talaga siya. “Ate, remember nailipat kana ng opisina so you can do anything you want kasi in your 10 years here, hindi kapa nag file ng leave, give time to yourself naman na. Saka blessing in disguised na nakabangga mo yung matandang matapobre na yun. Ito na din ang time para maka pag isip ka ng mabuti kung ano ang plano mo ngayon. Saka kami naman hindi hahanapin kasi halos wala naman kaming gagawin, saka long weekend and bale 1-week lang ang magiging leave mo sa grab the chance na malay mo dun kana din makahanap ng ka forever mo no.” Natatawang saad ni Lyka sa kanya. Hindi naman siya nakaimik saglit at tumitig lang sa mga ito bago napabuntong hininga. “Okay, ayusin ko lang leave form ko at Ry, baka naman pwedeng ikaw na magdala sa HR natin at ipapirma sa head. Ayaw ko silang makita muna at masama pa loob ko.” Pasuyo niya sa kaibigan at tumango naman ito. “Yes! Siargao here we come!” Masayang sigaw ni Riza. “Teka sino nagbayad?” Tanong niya. Ngumisi naman ang mga kaibigan niya. “Huwag kang mag alala te, libre na namin sayo yung plane ticket back and forth.” Nakangising sagot ni Riza sa kanya na ikinatango naman niya pero alam niyang may kapalit yon at alam niya iinit ang ulo niya kung ano man yun pero hinayaan niya nalang muna. Nagsipag balik na muna sila sa kanya kanyang opisina nila habang sila ni Riza ay nasa isang opisina lamang sila. “Excited na talaga ako.” Masayang sabi ni Riza sa kanya, dawala lang silang nasa opisina dahil may pinuntahan ang iba. “Halata nga, ngayon niyo pa sasabihin sakin eh Thursday na ngayon tapos bukas na ang byahe natin samantalang wala pa akong naayos na gamit.” Nakangusong saad niya naipadala na niya kay Ry ang kanyang leave request form kanina at buti nalang at mabilis na aprubahan ang kanyang leave, dapat lang deserved niya ang magpahinga. “Magdala ka ng swimsuit ate.” Saad naman ni Riza tumango nalamang siya, hindi naman siya ganoon kahilig mag suot ng swimsuit dahil for picture taking lang talaga siya dahil hindi din siya bilib sa katawan niya. Sino naman ang may gustong ilantad ang mga bilbil niya? At hindi kagandahang kutis at hindi pantay? Like duh? Ang kapal naman ng mukha niyang ipakita ang buong katawan niya. It’s normal lang naman na magkaroon ng discoloration pero alam mo naman na ang utak ng mga tao mapanghusga. Maya-maya pa’y nakareceived siya ng message from her former boss. Oo former na kasi nailipat na siya. Eto parin ang pinaka head nila pero as of now wala siya sa mood na tawaging boss niya ito dahil masama pa talaga ang loob niya. Former Boss: Pinirmahan ko ang leave form mo. Enjoy your vacation. Padalhan kita ng allowance mo. Me: Thanks po, pero no need po nilibre naman na ako. Walang ka amor-amor kong reply samantala dati ay sobrang galang ko pang mag reply dito. Hindi ko din kasi sinasagot ang tawag nito at ng mga nasa tabi niya, nag kukunwari nalang akong naka silent ang phone ko pero sa totoo lang naka do not disturb ako, na kung dati ay halos lahat ng tawag ay sinasagot ko kaagad. Masama na kung masama pero mas masama ang loob ko. After all the things that I had done, after all the sacrifices that I had done. Nawala lang lahat dahil sa matapobreng matanda na iyon. Shuta palang ng Matandang iyon. Wala namang kasalanan ang former boss ko pero wala parin kaming laban sa matapobreng matanda na iyon. Kaya nailipat nalang ako para di na mas lumaki ang gulo. Former Boss: No, I insist Thallia. Ipapadala ko kay John ang pera. Me: No po, hindi ko tatanggapin. Salamat nalang po sa pagpirma sa leave ko and maybe pagbalik ko makikipag usap na ako sa inyo ng harapan. Reply ko dito at pinatay na ang phone ko dahil ayaw ko pang maki pag usap pa talaga ito. “Si boss siguro yon, no?” tanong ni riza sa kanya. Tumango lang siya dito. “Ikaw na talaga te, biruin mo yun? Nakakayanan mo siyang sungitan.” Natatawang sabi nito sa kanya. “Ngayon lang naman. Pero sa susunod wala na.” Tipid na sagot niya dito at tumingin nalang sa mga emails na sinend sa kanila at chineck kung ano pa ang mga kailangan bago sila mag bakasyon. KINABUKASAN Sinasabi na nga ba niya eh may kapalit talaga ang paglilibre ng mga ito sa kanya sa plane ticket dahil sa harapan niya mismo nakatayo ang tatlo niyang kaibigan kasama ang mga shota ng mga ito. “Shuta talaga kayo, ano to? Lugi ako sa inyo.” Nakasimangot na singhal niya sa mga ito. Nasa airport na sila, kahapon pa sila dumating dito sa Manila at nasa NAIA na sila at ilang saglit nalang ay sasakay na sila sa eroplano. “Okay lang yan te, malay mo ma meet mo yung para sayo sa Siargao.” Nakangiting sabi ni Ry sa kanya habang katabi nito ang nobyo niya. Buti pa to nakahanap ng lalake. Napabuntong hininga nalang siya at masamang tinignan ang mga ito. “Tangina niyo talaga.” Naiinis na sabi niya at tumalikod sa mga ito at nauna na siyang pumila. Narinig naman niyang nagtatawanan ang mga kasama niya. “Excuse me miss, can you assist me?” Napalingon siya sa kanyang gilid at nakita ang isang babaeng mukhang isang prinsesa. Napalingon naman siya sa gilid niya at nakita niyang nakahiwalay ang pila ng mga kaibigan niya na ikinanguso niya. Talagang pinapamukha ng mga ito na wala siyang kasama napalingon ulit siya sa babae kanina. “Yes, po miss?” Tanong niya dito. “Naiwan ko kasi yung bag ko sa Cr yung mga kaibigan ko kasi at mga kuya ko nauna na sa loob pasuyo sana akong pabantay sa bag ko? Seems like we are on the same plane naman.” Saad ng babae. Nakunot naman siya ng noo pero tumango naman siya. “Sige ma’am.” Sagot niya dito at ngumiti naman ito bago umalis. Saka naman lumapit ang mga kaibigan niya. “sino yun?” Tanong ni Riza sa kanya. “Ewan ko, nakikisuyo lang siya na bantayan yung bag niya at kunin lang yung isang bag niyang naiwan sa CR. “Naku baka magtagal pa yun eh papasok na tayo.” Saad naman ni Lyka “Same plane naman daw tayo. Saka andon na daw ang mga kaibigan niya at mga kuya niya so okay lang siguro.” Sagot niya ulit. Pero ilang minuto na ay wala parin ang babae at kailangan na nilang pumasok. “Tara na duon mo nalang iabot sa loob pag andon na tayo.” Yaya ni Ry at pumasok na sila. Napabuntong hininga naman siya habang buhat ang bag ng babae, maliit lang naman yun kagaya ng sa kanya kaya okay lang na bitbitin nalang nila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
324.2K
bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
104.5K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
48.1K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
49.5K
bc

The Forgotten Wife

read
43.7K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
31.2K
bc

Built to break you, meant to love you-SPG

read
22.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook