CHAPTER 2

1159 Words
"Ano ba? Asan ka na ba, ha?" Pabulong na sigaw sa akin ng kaibigan ko. Nasa office na siguro siya kaya hindi niya ako masigawan ng todo. "Oo na. Eto na nga. Ano ba?" Reklamo ko habang gigil na ikinakabit ang lock ng heels na suot ko. Gosh, bakit ba ayaw maikabit? "Jusmiyo por pabor. Ngayon na ipapakilala ang bagong president ng kumpanya natin! Nalimutan mo na ba? Naku, sinasabi ko na sayo, pag ikaw natanggal sa trabaho, mahihirapan tayong maghanap na panibagong magandang trabaho!" Reklamo niya pa. Ibinaba ko ang cellphone sa ibabaw ng mesa at inayos ang sarili bago kunin ito ulit at tumatakbo palabas ng bahay. "Eto na, eto na. Palabas na nga ako oh! Tumatakbo na nga!" Sabi ko kahit binubuksan ko pa lang ang gate. "Bilisan mo dyan, sinasabi ko sayo. Naku mapapagalitan ka at magiging kasalanan ko na naman!" Problemado niyang sabi. "Talagang kasalanan mo 'to!" Reklamo ko at binabaan na siya ng tawag. Sakto namang may dumaang tricycle. Isang sakay lang naman iyon kaya siguro naman ay aabot pa rin ako. Ang problema nga lang ay mali-late na talaga ako. Napasapo ako sa noo at napakagat sa labi nang maalala ko ang nangyari kagabi. Marahan kong sinabunutan ang sarili sa naisip. Parang naging flirt ako roon! Talaga namang sobrang gwapo pero dahil sa alak na iyan, lumabas ang pagiging wild ko bilang babae. And that handsome stranger took my virginity! What the hell? Nagising na lang ako kaninang umaga na wala na siya. Hindi ko alam kung saan nagpunta. Nag-ring ang cellphone ko at nang makitang kaibigan ko ang tumatawag ay saka ko lang naalala na ngayon nga pala ipapakilala ang bagong presidente kung kumpanya at malalagot ako kung mali-late ako kaya nagmamadali pa akong lalo na umalis. Iika-ika pa akong lumakad palabas dahil medyo masakit sa bandang gitna ko. Saglit pa akong natigilan noon nang makita ang stain sa puting cover ng kama. Nasabunutan ko muli ang sarili dahil sa nangyari. Gosh, sa lahat ng kalokohang pwede kong gawin ay bakit ganoon pa? Nasira na ba talaga ang utak ko? Halos padabog akong lumabas ng tricycle dahil sa inis. Dali-dali akong tumakbo palapit sa driver at iniabot ang singkwenta pesos bago nagmamadaling isukbit ang bag sa kanang braso at nagsimulang tumakbo paalis. "Ma'am, sukli nyo po!" Tawag sa akin ng driver. Nakailang hakbang na rin ako at medyo may kalayuan na at kung babalikan ko pa sya at magkukwenta pa sya ng pera para ipambarya sa akin ay mas matatagalan ako. "Keep the change po manong!" Sigaw ko bago napakagat-labi at dumiretso na ng takbo. Pinangarap ko rin naman na masabi iyong "keep the change" pero kapag mayaman na sana ako. Ngayon kasi ay naghihirap pa rin ako at kinakailangan pang magtrabaho ng matagal. Maayos naman ang sweldo kaya kahit papaano ay nakabayad na kami ng utang at ngayon medyo nakakaluwag-luwag na rin. Medyo marami kasi ang naging utang namin mula noong namatay ang tatay ko dahil walang ibang kumakayod sa pamilya namin. Construction worker ang tatay ko noon at siya ang tumutustos sa pangangailangan namin sa araw-araw kaya mula noong nawala siya, walang choice ang nanay ko kung hindi ang mangutang muna. Naranasan ko rin ang magtinda noon ng kung ano-anong meryenda tuwing sabado at linggo para kahit papaano ay may mabaon kaming magkapatid sa tuwing papasok. Masiyado rin kasing magastos buhat noong nag-college ako. "A-araay!" Tinapik ko ang kamay ng kaibigan ko at inalis ang pagkakasabunot niya sa buhok ko. Parang matatanggal ang anit ko dahil sa hila niya e. Pagkapasok ko pa lang kasi sa office at saktong pagkakita niya sa akin ay nanggagalaiti na ang mga kamay niyang sabunutan ako. "Ano ba nangyari sayo kagabi? Alam mo bang alalang-alala ako sayo?" Gigil na sabi nito sa akin habang hinihila pa rin ang buhok ko. Kasalukuyan na kaming nasa conference room ngayon. Mabuti na lang at nagmeeting pa saglit ang Board of Directors kaya umabot pa ako. "Anong nangyari kagabi, ha?" Sinundot-sundot pa nito ang tagiliran ko. Nanlalaki ang mga matang nilingon ko sya. "A-anong pinagsasabi mo dyan? W-wala akong a-alam sa sinasabi mo.. ehem." Depensa ko at tumikhim dahil pakiramdam ko ay may nakabara sa lalamunan ko. Alam ba nya? Nakita ba nya? Kinuwento ba ng lalaking naka-- argh! "Defensive yan? Girl, tinatanong ko lang dahil nang iwan ko kayo saglit ay bigla na lang kayong nawala!" Ismid nito sakin. "A-ah ano.. H-hindi kasi ako na-ehem-nagwapuhan kaya tumakbo ako paalis hehe," please lang maniwala ka, please! Sinipat pa niya ako ng tingin at inilibot ko naman ang paningin ko para iwasan siya pagkatapos ay tumingin sa relos ko. "Hala andito na.." mahinang bulong niya at tumayo katulad ng iba pang andito sa room. Napangiti ako. Ayon, nakatakas din sa mga tanong nya. Mabuti naman at dumating na ang ipapakilalang presidente dahil kung hindi ay paniguradong hindi niya ako titigilan sa mga tanong niyang walang katapusan. Ngingisi-ngisi kong sinulyapan patagilid ang kaibigan ko at sobrang busy siyang nakatingin sa harapan at nawala na ang atensyon sa akin kaya naman tumayo na rin ako at ibinaling ang atensyon sa harap. Dagliang napahawak ako sa braso ng kaibigan ko dahil parang biglang nanlambot ang tuhod ko at parang matutumba. Jusmiyo por pabor. Lupa, kainin ako ngayon na! Siya 'yon! Siya yung lalaking.. naka-anuhan ko kagabi! Napa-paypay ako ng mabilis sa sarili gamit ang sariling kamay. "Okay ka lang?" Medyo napalakas ang boses niya doon dahil sa pag-aalala kaya naman medyo nakakuha kami ng atensyon at hindi ko na mapigilan ang mabilis na t***k ng puso ko dahil sa kaba nang mabaling ang attention niya sa akin habang nagsasalita. "A-ahh h-hehe, na-out of balance lang hehe, o-okay na ho ako," kinakabahang ngumiti ako sa mga taong nag-aalala sa akin. Hindi naman lahat pero dahil siguro napansin ng iba na ang ilan ay nakatingin sa pwesto ko ay napatingin na rin sila. Parang gustong manlambot ng tuhod ko nang ibalik ko ang paningin sa harap at makitang nakatingin pa rin siya sa akin at bahagyang nakakunot ang noo. Ang gwapo nya pa rin talaga kahit sa malayuan! Napakurap-kurap ako sa naisip. What the hell! Nababaliw na ba ako? Napakagat ako sa labi bago nag-aatubiling kunwaring pinagpagan ang palda na suot ko para maalis sa akin ang atensyon niya. Mabuti na lang at nabalik siya sa pagsasalita at nawala na rin ang tingin sa akin. Tang*nang titig yan. Maka-laglag panty! Napatikom ang bibig ko at hindi na mapakali sa inuupuan. Parang gusto ko na yatang tumakbo paalis. Ilang minuto pa akong nakaupo roon at walang naintindihan sa sinabi niya dahil nakatitig lang ako sa mukha niya. Jusko ha, napaka-gwapo talaga! "Good morning everyone." Nakangiting bati sa amin ng chairman matapos magsalita ng presidente. Bumati naman kaming pabalik dito. Marami ang kinakabahan sa ia-anunsyo niya dahil alam kong marami ang gustong mapunta sa position na iyon. Maging ako ay na-intriga dahil gusto kong malaman kung sino man ang kukunin na secretary para sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD