"As we welcome our new president, of course, I would be the one to choose his secretary, a trusted one. In this case, base on what we have discussed earlier together with the Board of Directors, I appoint Miss Lerina Vasquez as his secretary."
Pumalakpak naman kami doon. Nakatingin lang ako sa harap at nagulat pa nang tumingin sa akin ang chairman at bahagya pang nakalahad ang kanang kamay na animo na nakaturo sa akin. Dahan-dahang napatigil ako sa pagpalakpak.
Teka- ha? Ano raw?
l
"Yna, ano ba? Secretary ka daw! Tumayo ka dyan," gigil na bulong sa akin ng kaibigan ko na animo inaayos ang buhok para hindi siya mahalata na bumubulong sa akin. Sinisipa-sipa niya pa ang paa ko.
Bahagya akong napangiwi pero agad ko rin iyong pinalitan ng ngiti.
Nag-bow ako dito at hindi ko na alam kung ano ba ang susunod kong gagawin matapos kong tumayo.
"We have looked through all your files and I find her credentials pretty much interesting, of course, nagtanong-tanong rin kami and nag-base sa performance ng mga employees," paliwanag nito sa mga naroon dahil marami ang umalma dahil mukhang gusto nilang maging secretary ng bagong presidente ng kumpanya. "I hope you can do well as his secretary, miss Vasquez." Seryosong saad nito sa akin. Tumango lang ako at sa wakas ay sinabihan niyang maupo na.
Todo ang paypay ko sa sarili dahil nababanasan ako kahit pa man sabihing air-conditioned ang lugar na 'to.
"Ow em gee! Anong gayuma ang kinain mo sa umaga at ikaw ang ginawang sikretarya?" Patiling sabi sa akin ng kaibign ko habang pabalik kami sa cubicle ng department namin.
Matagal ko ng inaasam ang mataas na posisyon sa kumpanyang ito. Gigil akong makaangat sa buhay. Habang nag-aaral kasi ay napili kong magtrabaho din. Naranasan ko kung paanong paghirapan ang bawat sentimong ginagastos namin sa araw-araw. Kailangan namin iyon dahil sa hirap ng buhay. Ayokong iasa sa nanay ko ang lahat ng pasanin kung pwede ko namang paraanan. Minsan nga ay nagpapaupa pa ako sa mga kaklase kong gustong magpagawa ng assignment o di kaya naman ay mga project. Dahil doon ay nakaipon ako.
"Hindi ko nga din alam kung bakit eh," aniya at napakamot pa ako ng bahagya sa ulo ko.
Habang naglalakad sa hallway ay hindi ko maiwasang mapansin na pinagtitinginan ako halos lahat ng andoon.
Napapayuko na lang ako sa tuwing tinitingnan nila ako. Alam kong maganda ako at isa pa,
GINUSTO KO BANG MAGING SECRETARY NYA!?
Kung ako ang papipiliin, tatanggihan ko yan kahit pa gustong-gusto ko ang posisyong iyon!
Aba, sinong hindi tatanggi dyan kung.. kung.. ah basta hindi ko ginustong maging secretary niya.
"Pwede ba akong mag-object?" Bigla ay sabi ko sa kaibigan.
Marahan kong iniusog palapit sa kaniya ang bangko ko. Nasa iisang department lang kasi kami at magkakatabi ang cubicle.
"Nahihibang ka na ba? Ibang upgrade nga ang nangyari sa 'yo, swerte mo. Imagine, andito ka lang sa operation department tapos ililipat ka bigla bilang secretary ng CEO?" Eksaharadang sabi niya at napairap ako bago bumalik sa pwesto.
Hindi na ako natutuwa. Napalingon kami nang biglang may kumatok sa pinto ng office.
"Miss Lerina Vasquez?" Aniya at iginala ang paningin sa loob ng office na animo hinahanap ako.
Bahagya kong itinaas ang kanang kamay ko bago tumayo at ngumiwi.
"You'll be transferred at the president's office, miss. Pack your things. The president's looking for you." Aniya at lumabas na. Nanghihina akong napaupo sa sariling swivel chair.
Damn. Ano ba tong pinaggagagawa ko?
Nag-congrats naman ang ilan sa mga kasamahan ko roon kahit pa alam kong plastic ang iba dahil alam kong gusto nila ang pwestong iyon.
Bago pa man magpameeting, sa totoo lang, last week pa ay usap-usapan na agad ang balitang iyon. Ang sabi pa nga nila ay hindi ang position ang habol nila kundi ang maging secretary ng gwapong boss.
Syempre wala lang naman sa akin iyon noon dahil may boyfriend ako.. wala na ngayon dahil niloko ako. Hindi sana masarap ang ulam nya buong taon!
Atubili man ay sinunod ko ang utos nitong i-pack na ang mga gamit ko.
Habang isa-isang nilalagay ko iyon sa box ay siya namang daldal ng kaibigan ko.
"At saka isa pa, landiin mo sya, okay? Maganda ang lahi nya. Approve ako sa kaniya kaysa sa boyfriend mong manloloko na pangit!" Nakangiting aniya at nagthumbs up pa sakin.
Napairap ako dito.
"Kaka-break pa lang namin ha. Tigilan mo ko. Hindi ganoon kadali ang mag-move on!" Napairap siya at animo may kinukuha sa drawer niya kaya naman kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para buhatin ang mga gamit at umalis ng hindi gaano nag-iingay para maiwang siyang nagbubunganga mag-isa.
Naka-bungisngis ako habang naglalakad dahil naiimagine ko ang itsura ng best friend ko habang nagsasalita mag-isa. Paniguradong mapapahiya 'yon kapag nalaman na wala ako sa harap niya.
Nang makarating sa harap ng office ay nawala ang ngisi ko at napalitan ng ngiwi.
Itinaas ko ang kamao para kumatok pero naduduwag ako.
Pwede pa naman ako magback out 'di ba?
Ipinunas ko ang sariling palad sa slacks na suot ko dahil nagpapawis ito.
"Ahh.. papasok ka ba miss?"
Nanlalaki ang mga matang nilingon ko ang direksyon ng nagtatanong na iyon.
Gosh. Nakita ba niya?
Unti-unting umangat ang sulok ng labi niya na animo natatawa. Napapikit ako ng mariin. Confirmed. Nakita nga niya.
"A-ah-- ano.." hindi ako makahagilap ng sasabihin. Shocks.
"It's all right hahahaha I just found it amusing that you were so worried about entering the president's office." Natawa sya ng bahagya bago ngumiti ng matamis.
Ang pogi rin niya. Napapalibutan ako ng mga gwapo!
Siya na ang nagbukas ng pinto ng office at hinintay akong makapasok bago niya isara ulit. What a gentleman.
Nakayuko naman akong sumunod sa lalaking kasama kong pumasok. I was trying to cover my face with my long straight hair para hindi ko maagaw ang atensyon niya.
"What are you doing here?" Baritono ang boses na tanong niya. Parang nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan.
Ganito ba talaga siya ka-intimidating? Grabe, mukhang di ako tatagal.