Sa paga-akalang ako ang kausap ay mabilis na napaangat ang tingin ko at magsasalita na sana nang biglang sumagot ang lalaki sa harapan ko.
"I'm bored in my office so I thought that maybe I can stay here for a while." Nakangisi niyang sabi bago ako lingunin at kindatan. Agad naman akong napangiwi sa ginawa niyang iyon na ikinatawa niya.
"Leave."
"Po?" Aligagang sagot ko sa kaniya.
Nakakunot naman ang noo nitong binalingan ako ng tingin.
Sungit talaga.
Natawa na naman ang lalaki sa harap ko. Napaismid ako. Kalalaking tao tapos bungisngis. Ano ba yan.
Napakagat-labi naman ako nang marealize na hindi ako ang kausap niya. Medyo nakakahiya ako.
"Nah-ah. I will stay here." Sagot ng lalaki na ikinumpas pa ang daliri as if saying 'no' at diretsong umupo sa couch na malapit lang sa pintuan. Hindi naman kalayuan doon ang sa tingin ko ay pwesto ko since ako lang naman siguro ang secretary nya?
"Leave, Harry. We don't need you here." Matalas na sabi nito.
Grabe. Boses pa lang niya feeling ko kinikilabutan at kinikilig ako ng sabay.
Ipinilig ko ang ulo sa iniisip kong yon. Nababaliw na yata ako.
Madramang napabuntong hininga ang lalaki kaya nilingon ko ito.
Nakatayo pa rin ako sa may gitna ng office na yon at hindi ko alam kung maglalakad na ba ako o ano dahil nakatingin silang dalawa sa isa't-isa. Kung sakaling lalakad ako ay mapuputol ang tinginan na yon at maaagaw ko ang atensyon nila.
"Why? May gagawin ba kayo ni miss secretary?" Nakangiting tanong nito. Hindi ko alam kung inaasar niya ang kausap o inosente lang talaga sya.
Awtomatikong nanlaki ang mata ko sa berdeng kahulugan ng 'gagawin' na sinasabi niya. Nabaling ang tingin ko sa president na nanlalaki pa rin ang mga mata sa gulat habang ito naman ay poker face pa rin at animo itinagilid ang ulo na animo sinisipat ako.
Agad akong nagbawi ng tingin at ibinaling iyon sa Harry na tinawag niya kanina. Natatakot akong mabasa niya ang iniisip ko at baka ako lang ang nag isip non.
Ayaw ko man ay nagawa kong maglakad diretso sa table na malapit lang ng konti sa table ng office niya. Ramdam ko pa ang tingin nilang pareho.
Hanggang sa makaupo ako ay kabado pa rin ako.
"Loosen up, miss secretary. No one's gonna hurt you here." Sinserong sabi ni Harry kaya naman kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag kahit pa may konting ilang.
Ang mga gamit ko ay nasa box pa rin na inilagay ko lang sa lapag dahil nahihiya akong magbuklat ng gamit sa harap nila.
Ang awkward ng atmosphere bigla, ha.
Si Harry, busy sa pagbuklat ng magazine while the other guy is blankly staring at him.
Lucian Valen, that's actually the name of the guy I slept with last night, nakalagay yon sa ibabaw ng desk nya.
Even his name is intimidating huh.
Since the atmosphere is awkward, binuhat ko ang box at inilagay sa lap ko.
Una kong nakuha ang picture frame na may mukha naming pamilya. Inilabas ko iyon pero nang mabaling ang paningin ko sa table ng boss ko ay malinis at papel lang ang laman niyon kaya dahan-dahan ko na lang na ibinalik iyon sa box. Sunod ay ang mga documents na dala ko. Wala akong laptop na dala kasi nag-iipon pa naman ako. Hindi ko pa afford bumili non. Mas inuna ko kasi ang pagpaayos ng bahay at mga utang namin pati na ang pag-aaral ng kapatid ko kesa sa pagbili dahil may libreng computer naman sa office namin. Ang problema, walang computer dito.
Teka, hindi ba pwedeng nakahiwalay na lang ako ng office? Kahit iyong maliit lang. Parang hindi ko matatagalan dito dahil palagi kong maiisip iyong nangyari kagabi.
Napapapikit ako ng mariin. I know, he's good. Seems like he was well-trained sa bagay na iyon kasi he really did pleasure me.
Napakagat ako sa labi at naramdaman ang bahagyang pag-init ng pisnge. Ghad. Parang bigla akong binanas.
Dali-dali kong hinalwat ang gamit at nakita ang mini vanity mirror at doon ko na-confirm na talagang namumula ako. Grabe, sobrang init naman dito kahit na naka-aircon. Bahagya kong napaypayan ang sarili gamit ang sariling palad.
"Are you okay?" Bigla ay tanong ng lalaking nasa harap ko na pala.
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at mukhang confused siya sa kung ano mang nangyayari sa akin. Mas lalong nag-init ang pisngi ko at lalo akong nahiya.
"You're scaring her, Harry. Get out." Ayaw ko man pero parang gusto kong mapangiti nang marinig ko ang boses niya. Grabe, iba talaga ang dating!
"Do you like her?" Tanong nito sa lalaki.
"What are you talking about? You are inside my office. Get out." Seryosong aniya nito pero may halong gigil iyon.
"Fine. Fine. Eto na nga oh," Sagot nitong natatawa at itinaas ang mga kamay na animong sumusuko na. Bumaling pa ito sa akin sa huling pagkakataon bago matamis na ngumiti. "See you around, miss." Aniya at kumindat pa sa direksyon ko bago bumaling sa boss ko at animo sumaludo pa bago lumabas.
Napabuntong-hininga na lang ako.
"Do you like him?" Halos mahulog ako sa upuan sa pagkabigla nang bigla niya akong tanungin.
"H-ha?" Utal na tanong ko.
"Ha?" Gaya niya sa tono ko. "I said, do you like him?" Aniya at matamang nakatingin sa akin.
"Ahh.. as a boyfriend sir?" Nangunot ang noo niya sa tanong ko.
Anong problema nito? Nililinaw ko lang.
"Yes." Napaismid ako sa sagot niya. Yun naman pala ang sasabihin tapos titingnan pa ako ng masama. Abnormal!
"P-pero.. ngayon ko lang sya.. nakita?" Pahina ang boses na tanong ko habang nagsasalita, hindi pa nga ako sure sa sinabi ko kaya animo naging tanong iyon bigla.
Blangko lang niya akong tiningnan atsaka humarap na pabalik sa computer.
Swabe, may saltik yata sya. Ipinagkibit balikat ko na lang iyon at nagpatuloy sa ginagawa.
His personal assistant discusses everything I need to know as a secretary. She also guide me on how to do it right to avoid errors dahil aniya ay ayaw ng boss namin ang nagkakamali specially when it comes to his schedule. Sobrang strict nito sa time.
Sana lang matagalan ko pa siya dahil bukod sa nawawalan ako ng hininga tuwing nakikita siya ay mukha ring bumibilis palagi ang t***k ng puso ko tuwing naririnig ang boses niya.
Bahagya kong nasapok ang sariling noo at bahagyang umiling sa naisip.
This will be a long tiring day for sure.