Kabanata 36

1798 Words

SIMULA noong araw na ipinakita ko sa kaniya ang kimchi ko ay inuulukan niya na akong pag-isipan ko raw ang pagpapahalik ko sa kaniya. Bawat araw rin na lumilipas, kahit nasa trabaho kami ay hindi siya nagsasawa sa paulit-ulit na pag-re-request sa aking kimchi. Hindi ko dapat siya pinayagan pa ulit, pero hindi ko naman alam kung bakit hindi ako makatanggi. “Miss Masien, nandiyan ka pa ba?” Nagising ang aking diwa sa pagtawag sa akin ni Eva habang kumakatok siya sa labas ng pinto ng cubicle sa loob ng banyo. “N-nandito pa ako. Mauna na kayo. Biglang sumama ang tiyan ko,” pagsisingungaling ko dahil natatakot pa akong lumabas at mahusgahan ulit ng aming mga katrabaho. Putragis! Laganap na ang tsismis tungkol sa aming dalawa ni Yevhen, pero heto ako at nagkaka-gender fluidity pa yata.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD