Kabanata 37

1799 Words

NAGING malamig ang pakikitungo Yevhen sa akin. Ni hindi niya ako magawang tingnan, at kung kakausapin niya naman ako ay puro tungkol lamang sa trabaho. Para tuloy akong tanga na naghahanap ng atensiyon niya. Hindi ako makapagdesisyon kung aalis ako sa trabaho o hindi. Naguguluhan na ako. Putragis! “Bes, kailan nga ulit ang uwi ni Devin, my loves?” Napalingon ako sa kung sino ang nagtanong. Ilang mga segundo pa ang lumipas nang mapagtanto kong si Cyllene pala iyon at nandito kaming magkakaibigan sa loob ng condo unit. “Bukas, pare,” tinatamad kong sagot makalipas muli ang ilan pang segundo. Tinaasan niya naman ako ng kilay at saka siya tumabi sa akin sa couch. “May problema ka? Tungkol saan iyan?” pag-uusisa niya na narinig ng iba naming mga kaibigan. Iniwasan ko na lang sila ng tingi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD