HINDI niya ako hinalikan. Napikon lang siya at iniwan akong mag-isa sa motel. Nagmukha tuloy akong nanghihingi ng halik sa mata ng maraming tao. Putragis! Lalo tuloy lumala ang hindi namin pagkakaintindihan. Ang hindi ko lang talaga alam ay kung saan siya kumukuha ng lakas ng loob para magpanggap na mayroong amnesia. Pagkatuntong na pagkatuntong ko pa lang sa loob ng kaniyang opisina kaninang umaga ay napakanatural lang ng kaniyang mga kilos at salita. So, ano? Ako lang ang hindi maka-move on?! “Miss Masien, nandiyan ba si Sir?” Bigla kong naitigil ang malalim na pag-iisip nang lumapit sa aking mesa si Eva. “May schedule siyang lunch meeting kanina. Hindi pa bumabalik,” sagot ko kasunod ng pagtingin ko sa aking relong pambisig. Hindi pa nga pala ako kumakain ng tanghalian. Kasa

