BUONG gabi akong nag-alala, hindi para sa magiging kalalagyan ko kung mawawalan ako ng trabaho, kundi para kay Yevhen. Sinabi niya naman na maayos lang ang lahat pero kinabukasan ay nagkakagulo na sa loob ng kompanya. Pinag-uusapan na ng lahat ang tungkol sa pagpapatalsik sa kaniya bilang CEO ng MARIA. Putragis! Ni hindi ko tuloy na-celebrate ang pagpapahiram niya sa akin ng motorbike. “Sir, hindi ka pa ba nagugutom?” bungad kong tanong matapos kong pumasok sa kaniyang opisina. Tulad ng dating gawi, abalang-abala na naman siya sa pagbabasa ng mga papeles. Humakbang ako papalapit sa kaniyang mesa. “Tama na muna iyan, Sir. Hindi ka pa kumakain ng tanghalian,” pagpapaalala ko sa kaniya. Tumigil naman siya sa ginagawa kasunod ng pagsandal niya sa kaniyang silya. “How's everything outsid

