TULUYAN na akong nahibang sa mga makabagong sensasyon na ibinibigay sa akin ni Yevhen. Kahit gusto ng isip kong lumayo at iwasan siya ay katawan ko naman ang kusang lumalapit sa kaniya. Putragis! Ginawa niya na akong babae! “Love,” mahina ngunit magiliw niyang tawag sa akin pagkarating na pagkarating niya pa lamang ngayong umaga. Kaagad tuloy na nagtatambol ang aking puso sa kaba. “G-good morning, Sir,” pinilit kong mahinahon na bati sa kaniya bago ko inayos ang aking mesa na malinis naman at walang kakalat-kalat. “Flowers for my secretary,” he exclaimed as he surprisingly showed me a bouquet of red roses. Naglakad din siya papalapit sa aking mesa kaya mabilis akong tumayo mula sa aking pagkakaupo. “I-ipinabibigay na naman ba iyan ng mommy mo?” pag-uusisa ko kasabay nang pag-aalang

