HINDI ako nakalakad pagkatapos nang gabing iyon. At dahil sa putragis na pagkawasak ng kimchi ko ay tatlong araw akong hindi nakapasok sa trabaho. Puta. Dapat walang kaltas ang sweldo ko, kasalanan naman ni Yevhen kung bakit parang sinagasaan ako ng bulldozer, e. “Miss Masien, magaling ka na ba?” Narinig kong tanong ni Eva na papalapit sa aking mesa. Kasama niya si Miss Kaye na parang nahahawa na namin sa kadaldalan. “Nananakit pa rin ang katawan ko. Ganito yata kapag tinrangkaso,” pagsisinungaling ko habang tumatawa-tawa nang mahina. Para din naman talaga akong nagkasakit. Mas malala pa nga dahil hirap na hirap akong umihi kinaumagahan matapos ng nangyari sa amin ni Yevhen. “Ganoon ba? Gagaling ka na dahil maraming nangyari noong mga araw na absent ka,” panimula ni Eva na hinampas pa

