“BE quick, so we can go home fast and. . . quickie, hmm.” Mabilis akong pinamulahan ng mukha nang marinig ko na naman ang katagang naging dahilan ng pagkapahiya ko noong nakaraan. Putragis! Tuwang-tuwa siyang ipaalala at tuksuhin ako. At ako namang si timang, hiyang-hiya sa kaberdehan ng aking utak. Kasalanan talaga 'to ng kaibigan kong si Cyllene, e! Siya ang may pakana kung bakit naging green-minded kaming magkakaibigan. “Walk quickly,” sambit niya pa habang naglalakad kami sa daan pabalik sa bahay. Kumakabog tuloy nang matindi ang aking puso. Tila sumisibol din ang kilig sa aking dibdib kahit na iniinis niya lang naman ako. Ano ba 'to?! Wala namang espesyal sa ginawa niya pero nag-hi-hysterical na ako! Bumuntonghininga ako nang malakad at hindi ko na lamang siya pinansin. Simu

