HINDI niya ako naintindihan. Bigla na lang siyang umalis nang hindi man lamang ako tinanong tungkol sa nangyari. Nanghuhula tuloy ako ngayon kung nasaan siya at bakit hanggang ngayong gabing-gabi na ay hindi pa rin siya umuuwi. Tang ina. Dahil sa sobrang pag-aalala ay napalabas na ako ng aking kwarto. Balak ko sanang umalis ng bahay upang hintayin na siya sa kalsada, pero bigla akong napatigil sa paglalakad nang makita ko si Klein sa salas. Nakaupo siya sa couch habang nakaharap sa kaniyang laptop. Nang mapansin niya ako ay bigla na lang siyang napatigil sa kaniyang ginagawa. “Saan ka pupunta?” nakataas ang isang kilay na pag-uusisa niya na para bang aawatin agad ako sa aking gustong gawin. Hindi ko naman siya pinansin at nagtuloy-tuloy na lang ako sa paglalakad at sa pagbubukas ng p

