NAGKAAYOS kaming dalawa ni Yevhen. Simula rin noong gabi na iyon ay sa kwarto ko na siya pinatulog. Tuwang-tuwa tuloy ang putragis at kamuntikan ko na ring maisuko ang aking kimchi. Kung hindi lang siya tumigil ay ibibigay ko talaga. Putragis! “Yevhen, mag-iisang buwan na kayong kasal ng anak ko. Wala ka bang plano na iuwi siya sa inyo?” Bumalik ako sa katinuan matapos kong marinig ang biglaang panenermon ni Ama. Nasa hapag-kainan nga pala kaming lahat at sabay-sabay kaming nag-aagahan. “Wala ka ba talagang respeto, ha? Hindi mo man lamang ipakikilala si Masien sa mga magulang mo?” pagpapatuloy pa ng aking tatay kaya napabaling na ako ng tingin kay Yevhen sa aking tabi bago ko hinigop ang itinimpla niyang gatas para sa akin. “My family loves her, Ama. Naisip ko na ring iuwi si Mari

