NAPUNO ako ng pag-aalala matapos kong lumabas ng conference room. Dahil doon ay hindi ko na naimis ang mga folder na ginamit namin kanina. Hindi siya galit. Mukhang hindi niya rin ako sinisisi. Pero kasi, binabagabag pa rin ako at nakokonsensiya dahil may parte ako roon sa pagkapahiya niya sa harap ng board members. “Matatanggal kaya siya sa posisyon?” Wala sa sariling nasabunutan ko ang aking wig. Mabuti na lang ay hindi iyon natanggal sa pagkakabit sa ulo ko. Putragis! Gusto ko sana siyang sundan para humingi ulit ng tawad o 'di kaya ay paganin na lang ang kaniyang loob pero hindi ko naman alam kung saan siya nagpunta. Dumiretso ba siya sa office niya o sumunod sa lolo at pinsan niya? Nagpabalik-balik ako sa harap ng conference room. Punyeta. Pinag-o-overthink ako ni Yevhen! “Kung

