“PUTRAGIS! Sino ba 'yong lalaki na iyon?” tanong ko sa aking sarili bago ko kinuha ang isang lapis na ipinangkamot ko lang naman sa aking ulo. Nakanguso ako sa tapat ng computer habang umiiling at malalim na nag-iisip. Lumipas man ang ilang araw mula noong tangkain niyang manghalik ay tumitindig pa rin ang lahat ng mga balahibo ko sa katawan. Punyeta! Hindi na ako sigurado kung bakla nga siya o hindi. Basta isa lang ang natitiyak ko. May something talaga sa kanila ng Hero na iyon. Instead of doing work-related stuff, I searched for the name Hero on all of social media platforms. Tiningnan ko rin kung internet friends sila ni Yevhen, pero dahil sobrang private ng hinayupak ay wala tuloy akong nakita. “Maria.” Mabilis at awtomatiko akong napatayo nang marinig ko ang boses na iyon pagkat

