HINDI pa rin niya ako pinatatahimik at patuloy pa rin siya sa pagpapasaring sa akin nitong mga sumunod na araw. Putragis! Naguguluhan na tuloy ako kung totoo bang may babae na siyang nakuha o nagsisinungaling lang siya sa akin. “S-Sir, ito na po 'yong final jewelry design ng Product and Design Department, tapos ito naman po 'yong listahan suggestions ng mga executive staff tungkol sa gagawing foundation party sa December,” kabado at mahaba kong salaysay bago ko isa-isang inilapag ang mga folder sa kaniyang mesa. Tumigil naman siya sa kaniyang ginagawa. Nakangiti siyang humarap sa akin bago siya sumandal sa likod ng kaniyang upuan. “May gagawin ka ba mamayang gabi?” pag-uusisa niyang kaagad ko nang pinagdudahan. “Wala pa naman si Kuya, hindi ba? Why don't you drop by my house then mak

