“LET'S go, Maria,” pamimilit sa akin ni Yevhen matapos niya akong puntahan sa kinauupuan kong metal chair sa harap ng bartender. Antok na antok ko naman siyang inirapan bago ko ipinagpatuloy ang paglaklak at pagpapakalunod sa pangalawang bote ng alak na hawak ko. Putragis! Tapos na ba siyang mambabae?! Malakas ang tumutugtog na musika at marami ring tao sa aming paligid, ngunit sa akin lang nakatuon ang kaniyang atensiyon. “You’re drunk. May pasok pa tayo bukas,” paalala niya bago niya sinubukang kuhanin sa akin ang bote na mabilis ko namang inilayo sa kaniya. “B-bakit hindi mo na lang i-ipagpatuloy 'yong pakikipag-usap mo sa b-babae mo para. . . p-para hindi mo ako ginugulo rito!” naiinis kong pahayag na nagboses na lasing pagkatapos ay nanghingi pa ako sa bartender ng isa pang bot

