TULIRO akong umuwi sa condominium. Hindi ko na naman naabutan si Mark, siguro ay napagod na at bumalik na lang ng Laquiero. “Ang tanga ko!” Paulit-ulit kong sinigawan at pinagalitan ang aking sarili. Ibinigay ko kasi ng ganoon-ganoon lang ang permiso ko kay Yevhen. Hindi ko kayang huminahon. Sa halip na kumalma ang aking pakiramdam dahil wala sa siya sa aking tabi ay lalo pang bumilis ang pagtibok ng aking puso. Sumasakit din ang ulo ko. Upang makaiwas ay nag-message na lang ako sa kaniya at sinabing hindi na ako makakapasok ngayong araw. Pumayag naman siya at nag-iwan pa ng isang mensahe na nagdulot ng kakaibang kiliti sa bawat himaymay ng aking pagkatao. From: Sir Bakulaw Take a rest. We will talk about it tomorrow. Nagpagulong-gulong ako sa aking kama habang sinasabunutan ko ang

