Chapter 1

1650 Words
Hindi pamilyar na lugar sa akin ang nagisnan ko, mabilis ako napa-upo sa pagkakahiga ko na pinagsisihan ko rin, sumakit kasi ang ulo ko, dahil doon ay nahilo ako. Napahawak ako sa ulo ko at naramdaman ko na may benda iyon. 'Nasaan ako? Ano nangyari sa akin?' Tanong ko sa sarili ko. Pilit kong inaalala ang nangyari sa akin pero wala akong maalala. Sumasakit lang ang ulo ko kapag pinipilit ko pa ang sarili ko. Tumingin ako sa paligid ko, gawa sa kahoy at kawayan ang silid kung nasaan ako, naka-upo ako sa isang papag na walang kama at tanging banig lamang ang nakalagay roon. Maliit lang ang kwarto na iyon. May naririnig ako na paghampas ng mga alon. Malapit yata ako sa dagat, pero ano ang ginagawa ko rito? Bakit ako nandito? "Gising ka na pala," sabi ng boses ng kapapasok lang sa loob nang kuwarto kung nasaan ako. Kurtina ang tanging pintuan nang kuwarto na iyon kaya hindi ko narinig ang pagpasok niya. Napalingon ako sa kaniya at halos mapanganga ako sa kaniya. Nakasando na kulang itim lamang siya at nakasuot ng isang luma at kupas na ripped jeans, kayumanggi ang kulay niya na bumagay naman sa kaniya. Ang may kahabaan niyang buhok ay nakatali, matangos ang ilong niya, mapula-pula ang labi, at ang kulay brown nitong mata ay kitang-kita ko. Maganda rin ang katawan niya at halatang sanay ito sa mga mabibigat na trabaho. "Who are you? Where am I?" I asked him. Napangisi naman siya sa akin. "Ako dapat ang magtanong niyan sa iyo," tinitigan niya ako. "Sino ka? At, ano ang ginagawa mo sa yateng sumabog kagabi?" "Yatch? What are you talking about? I don't even know what happened to me!" Tinitigan naman ako ng lalaki na parang pinag-aaralan niya ako. Nangliliit din ang mga mata niya sa akin. "Anong pangalan mo?" Tanong niya sa akin. "I'm...I don't know," mahina kong sagot nang wala akong ma-isagot sa kaniya. Hindi ko talaga alam ang pangalan ko, wala akong maalala. Hindi ko alam kung nasaan ako, hindi ko rin alam ang nangyari sa akin. Hindi ko alam kung sino rin ako. "Huwag ka nang umiyak," mahinahong sabi niya sa akin. Napahawak naman ako sa pisngi ko may mga luha roon. Hindi ko na malayan na umiiyak na pala ako. "Malayo tayo sa bayan, hindi ko ma-i-report ang nangyari sa iyo kagabi, dalawang oras ang lalakbayin papunta sa bayan." Dagdag niya pa. "Thank you," tanging na isagot ko sa kaniya. Naglakad naman siya papunta sa akin at tumigil sa harap ko. Napatingala naman ako sa kaniya dahil nakaupo lang ako. "Magpagaling ka, kapag maayos ka na, ibabalik na kita kung saan ka nakatira," sabi niya sa akin. "Thank you again," mahinang sagot ko sa kaniya. "May doctor na bibisita rito sa isla namin ngayon, kailangan mo siguro na magpatingin doon," sabi niya sa akin. Tumango naman ako sa kaniya. "Kung nagugutom ka may pagkain sa kusina, kumain ka muna, tapos sasamahan kita papunta sa doctor," dagdag niya pa. Nakatitig naman akong na tumango sa kaniya. Nakatingin lang ako sa adams apple niyang gumagalaw. Hindi ko alam kapag tinititigan ko siya parang ang ganda ng paligid ko. Iyong klase rin ng titig niya ay nakakadala, pero isa lang napansin ko sa kaniya. Iyong mga mata niya, may nakikita akong lungkot sa mga mata niya. Gusto ko matanggal ang lungkot na iyon. "Okay ka lang ba?" Kunot noong tanong niya nang mapansin niya yata akong nakatitig lang sa kaniya. "Oh, yes!" Nakangiti kong sagot sa kaniya. "Kaya mo bang tumayo?" Tanong niya sa akin sa kalmadong boses niya. Binaba ko naman ang paa ko mula sa papag kung nasaan ako at pinakiramdaman ko. "Yeah," nakangiti kong sagot sa kaniya pero nagulat ako ng hawakan niya ako sa braso at tulungan ako makatayo. Inalalayan niya rin ako palabas ng kuwarto at naglakad kami papunta sa kusina. Maganda pero maliit ang bahay niya, malinis din ito. Simple lang ang desinyo ng bahay niya. "Wala ka bang kasama rito?" Tanong ko sa kaniya. "Wala, ako lang mag-isa," sagot niya sa akin matapos kong makaupo sa gawa na kahoy na upuan. Binuksan niya ang may takip na pagkain sa lamesa. Nakita ko roon na may pritong isda at fried rice. "Kumain ka na, fresh iyang isda na iyan," sabi niya lang sa akin matapos ako abutan ng plato pati na rin ng kutsara at tinidor. "Wala ka bang maalala talaga?" Seryosong tanong niya. Umiling naman ako sa kaniya bago ako sumandok ng pagkain. Wala kasi talaga akong naalala, pati nga pangalan ko hindi ko alam. Wala akong ideya sa katauhan ko. "Paano pala kita maibabalik kung saan ka nakatira kung wala kang naaalala?" Tanong niya sa akin matapos niya ako abutan ng isang basong tubig. "I don't know either," I answered him. "Sige, kumain ka muna, pagkatapos mo malinis ka ng katawan, hihiraman muna kita ng masusuot mo kila Andeng," turan niya. Tumango naman ako sa kaniya. Umalis siya sa kusina at naglakad palabas ng bahay niya, ako naman tahimik na kumakain lang hanggang sa matapos ako. Natapos na ako kumain pero hindi pa rin siya bumabalik kaya naman ginawa ko at nag-ikot ako sa bahay niya. Wala siyang mga pictures na naka-display, sobrang plain at boring ng bahay niya. Ni-wala ngang nakasabit sa pader na kahit ano. May maliit siyang living room, may set doon ng mga gawa sa kawayan na upuan. Ang flooring niya naman ay kulay red ito. Maganda ang bahay niya at masasabi ko na malaki ito para sa nag-iisa na katulad niya. Ang kusina niya naman may malinis din, may maliit na dinning table din siya roon. Magkasama lang ang kitchen at dinning area niya. Sa pagitan nang kusina at living room niya ay nandoon ang kuwarto niya na walang pinto na tanging kurtina lang ang takip. Napatingin ako sa may pintuan nang bumukas ito, akala ko ay siya na iyon pero pumasok doon ang isang babae naka-crop top na off shoulder na kulay dilaw at nakasuot ng short shorts na kulay itim, I think iyon iyong tinatawag na p*kpek shorts. Maputi ito pero mas maputi ako sa kaniya, hanggang sa may balikat niya ang kinulot na buhok niya, pulang-pula rin ang labi nito. Nakangiti itong pumasok habang may hawak na isang bowl pero nawala ang ngiti nito nang makita niya ako. "Sino ka?" Nakataas na isang kilay na tanong niya sa akin. "I don't know," taas noo na sagot ko sa kaniya. Totoo naman kasi hindi ko alam kung sino naman talaga ako. "Anong I don't know, I don't know ka riyan?" Mataray na tanong niya sa akin. "Siguro magnanakaw ka!" Bintang pa niya sa akin. Napahawak ang kanang kamay ko sa baywang ko. "Excuse me, sa ating dalawa ikaw ang mas mukhang magnanakaw," mataray na sagot ko sa kaniya na parang normal lang sa akin ang magtaray. "Ang kapal ng mukha mo! Magnanakaw ka ano? May magnanakaw! May magnanakaw!" Maarte niyang sigaw "St*pid!" "Ano?" Galit na tanong niya sa akin. "Nothing," sagot ko sa kaniya. Nakita ko naman na namula ang mukha niya sa galit sa akin. Akmang susugod siya sa akin ng biglang bumukas ang pinto at pumasok siya roon. I don't know his name pa kaya I don't know din kung ano itatawag ko sa kaniya. "Anong nangyayari rito?" Tanong niya habang nakatingin sa akin. Nang makita niya iyong babaing maarte ay napabuntong hininga siya. "Andro, may magnanakaw na nakapasok sa bahay mo," maarteng sagot nito. "Sarili mo yata tinutukoy mo, oh, there's no need 'yata', because it's really you, duh!" Mataray na sagot ko sa kaniya. "Tingnan mo Andro!" Maarte nitong sagot at pinikit-pikit pa nito ang mga mata kiya habang nakatingin kay Andro. Well, iyon ang tawag niya rito, e. "Hindi siya magnanakaw," sagot ni Andro bago siya lumapit sa akin at inabot ang dala niyang may karamihang damit na nakatupi. "Hindi ko alam kung kasya iyan sa iyo lahat pero sana pagtiyagaan mo na lang muna," sabi niya sa akin. Napatitig naman ako sa kaniya at biglang napangiti. "Thank you," nakangiti kong sagot. Tipid na nginitian niya rin naman ako. "Sige na magbihis ka na muna, pagkatapos mo ay sasamaham kita papunta kay doctora," sabi niya sa akin. Tumango naman ako sa kaniya. Saglit naman siyang umalis at pumasok sa loob ng kuwarto. Napatingin naman ako roon sa babae, masama ang tingin niya sa akin at padabog na dumaan sa harapan ko, sinadya pa nitong banggain ang balikat ko bago ito dumeretso sa kusina at ilapag nito sa mesa ang dala niyang bowl. Ilang saglit lang ay lumabas na si Andro may dala siyang nakatupi na kulay green na towel. Inabot niya sa akin iyon, tinanggap ko naman iyon. "Maglinis ka muna ng katawan mo," sabi niya sa akin bago niya ituro ang banyo sa akin. Pumasok muna ako sa kuwarto niya at nilapag doon ang ilang damit na dala niya, kumuha lang ako roon ng masusuot ko. Isang kulay white na t-shirt at shorts ang kinuha ko. Pagkalabas ko nang kuwarto ay unang nakita ko iyong babae at si Andro na nag-uusap sa may kusina. Napataas ang kilay ko nang makita ko iyong babae na malandi nitong hinahawakan sa braso si Andro. Hindi ko na lang sila pinansin at pumasok na lang ako sa banyo, roon ay hinubad ko ang kulay green na damit na suot ko, mukhang damit iyon ni Andro, hinubad ko rin ang pajama na suot ko. Nang matapos kong maglinis ng katawan ay lumabas na ako ng banyo, pagkalabas ko ay wala na roon iyong babae. "Girlfriend mo?" Tanong ko sa kaniya. "Hindi, kapitbahay ko lang," simpleng sagot niya sa akin. Napatango naman ako sa kaniya. "Akala ko girlfriend mo, e, mabuti na lang," sagot ko sa kaniya. Nakita ko naman na napangiti siya. "Tara na, mamaya mahaba na ang pila roon," sabi niya sa akin. Tumango naman ako sa kaniya bago kami umalis sa bahay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD