Prologue

1238 Words
"Sigurado ba kayong walang ibang nakasunod sa inyo?" Narinig kong boses kaya naman napadilat ako ng mga mata ko. "Where am I?" I asked. Agad naman napatingin sa akin ang dalawang lalaki nasa loob ng silid kung nasaan ako. Nakahiga ako sa kulay puting kama at nararamdaman ko na gumagalaw buong kuwarto, para kaming nasa dagat dahil sa paggalaw nito.go siya sumunod sa kasamahan nito. Ilang saglit lang ay may pumasok sa loob at may dala itong tray na may laman na pagkain. "Kumain na po kayo, Ma'am," marahan na turan nito sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya. Hindi naman siya makatitig sa akin. "Nasaan ako?" Tanong ko sa kaniya. "Pasensya na po talaga kasi po hindi ko po masasabi," sagot niya sa akin. "I wanna go home," umiiyak na sabi ko sa kaniya. "Sorry po talaga," ang tanging na sabi niya sa akin, bago ako abutan ng panyo. "Can you please help me?" "Titingnan ko po ang magagawa ko," sagot niya sa akin. "Thank you," I said. Ngumiti lang siya sa akin at tinuro ang pagkain na dala niya. "Kumain na po kayo para mamaya may lakas kayo kapag itatakas po kita," malumanay na sabi niya sa akin. Tumango naman ako sa kaniya bago magsimula kumain. Binantayan niya lang ako hanggang sa matapos akong kumain at nang matapos na ako dinala na ulit ang tray palabas ng kwarto. Napatingin ako sa paligid ng k’warto, walang bintana doon, may kaliitan lang ang k’warto at wala masyadong gamit. Medyo umuuga rin ito, mukhang nasa dagat nga kami at nasa yate ako ngayon. Kanina lang habang pauwi ako galing sa photoshoot ko ay may biglang kulay itim na van ang humarang sa sinasakyan ko. May mga armadong lalaki ang lumapit sa kotse ko at may pinaamoy sa akin kaya ako nawalan ng malay. Dapat ay papunta ako sa first birthday nang pamangkin ko na si Grape pero hindi na ako nakapunta roon. Malamang ay nag-aalala na ang Mommy at Daddy ko sa akin, pati na rin ang mga Kuya ko. Gusto ko nang umuwi, wala naman akong alam na may galit sa akin or what, pero, bakit ako na-kidnap? Akala ko kay Crisler lang may galit sila kasi si Crisler ang pinaka-t*rantado sa aming magkakapatid. Ako ang pinakamabait kaya wala akong alam na kaaway talaga. Naiyak na lang ulit ako sa nangyari sa akin. Niyakap ko ang isang unan sa tabi ko at doon ako umiyak. Naka-idlip ako dahil sa pag-iyak ko, nagising na lang ako nang may kumakalabit sa paa ko, mabilis naman akong napabangon at umayos ng upo. Nakita ko iyong lalaki kanina na nag-serve nang pagkain ko. "Ma'am, mamaya po itatakas kita, may hinanda po akong speed boat sa baba, iyon po ang gamitin ninyo," agad na sabi niya sa akin. "Thank you very much!" "Pasensya po talaga, Ma'am, at nailagay po kayo sa sitwasyon na ito, hindi ko rin naman po ito ginusto na pilitan lang po ako," seryosong sagot niya sa akin. "It's okay, I understand, just help me and I'll help you too," I answered. He just nod at me. "Babalikan na lang po kita mamaya-maya," bilin niya. Tumango naman ako sa kaniya. Lumabas na siya ng kuwarto kung nasaan ako, ako naman ay inayos ko ang sarili ko. Mga lagpas thirty minutes yata ay bumukas ang pinto ng kuwarto ko at pumasok doon ang isang taong pamilyar sa akin. Siya iyong business partner ni Daddy sa negosyo namin. Si Mr. Ko. "My beautiful Corrine Hazel Canaleja, how's your sleep my love?" Nakangising sabi niya sa akin bago niya ako lapitan at akmang hahawakan niya ang mukha ko nang iiwas ko iyon. "Bakit mo ako dinakip?" Tanong ko sa kaniya habang kinakabahan ako. "Because you're mine, at dahil hindi pumayag ang tatay mo sa gusto ko ay ikaw na lang ang kapalit," puno ng galit na sabi niya. "No! Makikita ako ng Daddy ko!" "Kung makikita ka pa," sabi niya bago niya titigan ang mukha ko. "Napakagandang mo talaga, ma-swerte ako at akin ka na." Kinilabutan ako sa paraan ng pagngisi niya sa akin. Sinenyasan niya ang mga tauhan niya na lumabas ito. Nang makalabas na ang mga tauhan niya sa silid kung nasaan ako ay kinilabutan ako sa titig niya sa akin. "H-huwag kang lalapit," kinakabahang sabi ko sa kaniya. Mas lalo naman siyang ngumisi sa akin at parang asong ul*l na lumapit pa. Umatras ako nang umatras hanggang sa ma-corner na niya ako. Tinago ko ang mukha ko sa mga braso ko pero p’wersahan niyang hinarap ang mukha ko sa kaniya, pilit ko namang iniiwas sa kaniya ang mukha ko nang mainis siya sa akin at sinampal niya ako. Napahikbi ako at napahawak sa sinampal niyang mukha ko. Hinila niya ako papunta sa kama at doon ay pwersahan niya akong kinubabawan at pilit akong hinahalikan. Tinutulak ko naman siya palayo sa akin. Sumisigaw ako ng tulong pero walang tumutulong sa akin kaya mas lalo akong napaiyak. Sa ganoong sitwasyon ay bumukas ang pinto ng kuwarto ko at pumasok doon ang lalaking tutulong sa akin, may hawak siyang vase at pinokpok niya iyon sa ulo ng taong nasa ibabaw ko. Nakatulog ito sa ibabaw ko kaya naman tinulak ko ito, tinulungan naman ako ng lalaki na ma-ilayo sa akin iyon. "Bilisan ninyo po, Ma'am, baka dumating ang mga tauhan niya or magising na po siya," mabilis niyang sabi sa akin, mabilis akong kumilos at tumayo. Agad naman akong inalalayan ng lalaki at maingat kaming lumabas ng kuwarto. Hindi pa kami nakakalayo sa k’warto ay may mga tatlong lalaki kaming nakasalubong, mga armado sila. Bigla nila kaming tinutukan ng baril, agad naman kumilos ang kasama kong lalaki. Tumulong na rin ako dahil may ka-unti rin akong alam sa martial arts. Nang nakatumba naman ang tatlong lalaki ay tumakbo kami dahil may apat pang lalaking papunta sa amin. Umakyat kami sa top deck at doon ay napalibutan kami, mayamaya ay umakyat din ang si Mr. Ko kung nasaan kami. Umaatras lang kami hanggang sa may railing at nang wala na kaming naatrasan ay nilabas ng kasama kong lalaki ang granada na nasa bulsa niya. "Huwag kayong lalapit, lahat tayo mamamatay rito," sabi niya habang hawak-hawak ang lock ng granada. "Ma'am, kapag sinabi ko pong talon, tumalon po kayo," bulong niya sa akin. Tumango naman ako. Napatingin ako sa tubig na babagsakan ko, madilim iyon dahil gabi na rin ngayon, hindi ko alam kung gaano kalalim din iyon. Marunong naman ako lumangoy pero hindi ko kaya ang may alon. "Huwag na ninyo tangkain pa na tumakas dahil hindi na kayo makakatakas pa," sabi ni Mr. Ko sa amin habang masamang nakatitig sa lalaking tumulong sa akin. "Huwag kayong lalapit!" Sigaw ng lalaking katabi ko pero patuloy pa rin na lumapit ang mga tauhan ni Mr. Ko Tinanggal nang lalaking tumulong sa akin ang lock ng granada, nanglaki naman ang mga mata nang mga lalaking lumapit sa amin. "Ma'am, talon po!" Sigaw nito sa akin bago ibato ang granada, mabilis naman akong tumalon sa tubig pero dahil sa malakas na pagsabog ay may kung ano ang tumama sa ulo na sanhi ng pagkahilo ko. Nang bumagsak ako sa tubig ay unti-unti nang pumipikit ang mga mata ko. Ito na yata ang katapusan ko, hindi ko na makikita sila Mommy, Daddy at ang mga Kuya ko. Unti-unti ko nang pinikit ang mga mata ko para tanggapin ang katapusan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD