Chapter 28

2131 Words

Nang magising ako ay wala pang araw. Bumangon ako sa kama ko at lumabas nang kuwarto. Bigla akong napaisip sa nangyari kagabi, nakatulog ako habang yakap si Andro kagabi, siguro siya iyong naglagay sa akin sa kama. Napangiti naman ako dahil doon. Paglabas ko nang kuwarto ay wala roon si Andro. Pumunta ako sa kusina pero wala rin siya roon. Napakunot noo naman ako. "Nasaan naman siya?" Tanong ko sa sarili ko. Kunot noo naman akong lumabas. At doon ay nakita ko siyang nasa may bangka niya, inaayos niya iyong lambat niya. Napatitig naman ako sa kaniya. Ang guwapo niya talaga lalo ngayon dahil clean cut na siya, siguro noong nag-aaral siya famous siya sa mga babae. At siguro noong pulis pa siya maraming willing magpahuli sa kaniya. "Hey, good morning!" Masayang bati ko sa kaniya nang m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD