Chapter 3

1591 Words
"Ate Petchay! Ate Petchay!" Lumingon ako sa tumawag sa at nang makita ko na si Lily iyon ay ngumiti ako sa kaniya. Kasalukuyan na nasa likod kami ng bahay nila ngayon, pinakita kasi nila sa akin ang pinagmamalaki nilang mga tanim nilang gulay. Marami nga iyon at iba't ibang mga gulay ang tanim nila. Kanina ay maaga pa lang ay pumunta na sila sa bahay ni Andro kung nasaan ako para isama nila ako sa bahay nila, ipapakita raw kasi nila ang mga tanim nila sa akin. Tatlong araw na rin ang nakalipas simula noong nakilala ko sila at sa loob ng tatlong araw ay sila lagi ang kasama ko dahil si Andro ay abala sa pangingisda nito. Madalas ay madaling araw na itong nakakauwi, gaya na lamang kanina. Masaya naman kasama silang tatlong magkapatid, mga madaldal kasi sila lalo na si Lily kaya natutuwa talaga ako sa kaniya. "Why?" Nakangiting kong tanong sa kaniya. "Ate Petchay, sabi ko naman sa iyo, huwag ka mag-english," sabi niya sa akin habang napapakamot siya sa ulo niya. Ngumiti naman ako sa kaniya. "Oh, sorry, I mean, pasensya ka na," sagot ko sa kaniya. Ngumuso lang siya saglit bago siya ngumiti ulit sa akin. "Ate, tingnan mo iyong tanim ko na kamatis ang lalaki na!" Excited na balita nito sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta roon sa tanim niya. "Wow! Oo nga," nakangiti kong sabi nang makita ko ang mga kamatis na tinutukoy niya sa akin. "Ate Petchay! Tingnan mo itong petchay ko, malalaki at malulusog na!" Sigaw naman ni Rose. Napatingin naman ako sa kaniya, napangiti naman ako nang makita ko ang tinuturo niyang tanim niya. May hawak na pandilig si Rose habang ang isang kamay naman niya ay nakaturo sa mga dinidiligan niyang petchay. "Wow! Ang gagaling naman ninyo, ang he-healthy nang mga tanim ninyo!" Pagpuri ko sa kaniya, ngumiti naman sila sa akin. "Araw-araw po naming dinidiligan iyan, kapag pwede na silang kunin nagbibigay kami kay Kuya Andro," sabi naman ni Daisy sa akin. "Ang babait naman ninyo," nakangiti kong puri sa kanila. Ngumiti lang ulit sila bago bumalik sa kaniya-kaniyang ginagawa nila. Ako naman ay tahimik na nanonood sa kanila, nakakatuwa sila dahil halatang gustong-gusto nila ang ginagawa nila. Mabuti na lang at hindi na ganoon ka-init ang araw ngayon dahil hapon na rin. Nang matapos na kami sa pagdidilig at pag-aalis ng mga tuyong dahon ay umalis na kami at pumasok sa munti nilang bahay, gawa naman sa semento ang bahay nila, maganda rin iyon at tama lang para sa kanilang apat. Silang tatlo lang din ang tao sa bahay nila dahil nasa trabaho ang kuya nila. Pagkatapos namin maghugas ng kamay ay nagpahinga lang kami saglit bago kami umalis ng bahay nila. Hawak ko sa kamay si Lily habang ang dalawang kapatid naman niya ay nag-uunahang tumakbo papunta sa bahay ni Andro. Malamang ay tulog pa rin si Andro ngayon dahil puyat na puyat iyon. Hapon na rin gusto ko sana ipagluto siya para naman may ambag ako, lagi na lang kasi siya ang kumikilos sa bahay. Hindi naman ako naglalakas ng loob na gumawa dahil feeling ko ay hindi ko kaya at hindi ko alam ang mga gagawin ko. Maybe, ang buhay ko ay hindi sanay sa mga ganoong gawain dahil parang mas sanay ako na walang ginagawa at nakahilata lang. Gusto ko na talaga malaman kung sino ba talaga ako, sana bumalik agad ang mga aalala ko. "Huwag kayo maingay, tulog pa si Kuya Andro ninyo," babala ko sa mga bata ng malapit na kami sa bahay ni Andro. Tumango naman sila sa akin at tahimik na naglakad na. Doon kami dumaan sa kusina at maingat na pumasok sa loob ng bahay. Tumingin ako ng kanina sa kaldero kung mayroon pero wala na. Gusto ko sana ipagluto siya. I know I can't but I want to try for him. "Marunong ba kayo mag-cook?" Tanong ko sa tatlong bata na naka-upo sa may dining chairs. Sabay-sabay naman silang napakunot noo sa akin. "Ate, naman kasi, e," reklamo ni Lily. "Oh, sorry," paumanhin ko. "Cook, luto iyon, narinig ko sa school iyon, gising ako noon," bulong ni Daisy kay Rose na katabi niya. Pigil naman ako mapatawa sa kaniya. "Marunong kami, Ate," sagot naman ni Rose. "Can you help me?" I asked. "Ano raw?" Tanong ni Rose habang kumakamot sa ulo niya. "I'm sorry again, sabi ko baka pwede ninyo ako tulungan," nakangiti kong sabi sa kanila. "Sige, Ate!" Masayang sigaw nilang tatlo. "Shh!" Mabilis na suway ko bago ngumiti. Ginaya naman nila ako bago sila mahinang humagikgik. "So, what... I mean, ano ang uunahin natin?" Tanong ko sa kanila. "Ate, magpa-apoy ka muna roon," turo sa akin ni Rose. Kumurap-kurap naman ako habang nakatingin sa labas kung nasaan ang lutuan nila. Mayroong dalawang lutuan doon, kulay gray sila, tapos sa ilalim noon ay may mga kahoy na maliliit. "Wala bang gas stove?" Tanong ko. "Walang ganoon noon, ganiyan uso rito," sagot naman ni Daisy sa akin. "Oh, paano gimitin iyan?" Tanong ko sa kanila. "Halika, Ate, tuturuan kita," masayang sabi ni Lily nang makababa siya sa kinauupuan niya. Hinila niya ako palabas at tumigil kami sa tapat noon lutuan na kulay gray. Dalawa iyon at parang gas stove siya stove lang walang gas. "Ito, Ate, paapuyan mo," sabi sa akin ni Lily nang makakuha siya ng isang maliit na tuyong parang balat ng coconut. "How?" Naguguluhang tanong ko. Pumasok sa loob ng bahay si Lily na parang may kukunin at nang makuha niya iyong pospuro ay bumalik siya sa akin. "Ito, Ate, paapuyan mo iyan," sabi nito sa akin habang inaabot ang pospuro. Naguguluhang kinuha ko naman iyon. "Ha?" Tanong ko. "Iyong bunot, Ate," sagot niya sa akin. "What's bunot?" Tanong ko. Tinuro niya naman iyong tuyong parang balat ng coconut. "Iyan, Ate, ano ba iyan ang laki-laki mo na pero hindi mo pa rin alam!" Napapakamot sa ulo si Lily habang tinuturo niya ang hawak kung bunot daw. "Oh, I'm sorry," sagot ko. Iniisip ko pa rin kung paano ko papaapuyan ang bunot na ito, posible ba iyon? "Ate, ilagay mo sa loob iyang bunot tapos sindihan mo tapos ihipan mo tapos lagay mo itong mga kahoy, ihihapan mo lang nang ihipan hanggang sa umapoy," turo sa akin ni Lily. Kahit na naguguluhan ako ay sinunod ko ang sinasabi niya. Noong una ay natatakot pa ako sa pagsindi ng pospuro natatakot kasi ako sa apoy dahil baka mapaso ako. Halos maubos ko na nga ang laman ng porpuro bago ko mapapausok iyong bunot daw. Turo ni Lily ay lagyan ko raw ng mga kahoy iyon kaya naman ginawa ko iyon. Tapos sabi niya ihipan ko raw iyon. Halos kapusin naman ako ng hininga kaka-ihip. Puro usok na rin doon pero hindi pa rin umaapoy. Umuubo-ubo na ako dahil sa dami ng usok, ang ibang usok ay pumasok na sa loob ng bahay. "Ate, wala pa rin ba?" Tanong sa akin ni Lily na inuubo-ubo na rin dahil sa dami ng usok. "Wala pa," inuubo-ubo kong sabi habang patuloy na umiihip. Nang naramdaman ko ang pawis ko noo ko ay pinunasan ko iyon. Narinig ko naman na humagikgik si Lily kahit inuubo-ubo na rin siya. "Lily, roon ka sa hindi ma-usok," sabi ko sa kaniya. Bumungisngis muna siya bago siya sumunod sa akin. Kumati naman ang ilong ko kaya kinamot ko iyon. Mayamaya ay lumabas mula sa loob ng bahay si Daisy at Rose na inuubo-ubo rin. Mukha nasa loob na rin ng bahay ang usok. "May sunog ba?" Tanong ni Rose. Nang makita niya ako ay tumawa siya ganoon din naman si Daisy. Napakunot noo naman ako. Bakit sila tumatawa? "Mga bata roon kayo sa hindi mausok," sabi ko sa kanila. Humahagikgik naman silang sumunod sa akin. Patuloy pa rin ako sa pag-ubo at pag-ihip. Nang makita ko na parang aapoy na ay napangiti naman ako. "Hay, akala ko may sunog na!" Napatingin naman ako sa may pinto kung saan papasok sa loob ng kusina ni Andro. Nandoon si Andro na mukhang kagigising lang. Nang magtagpo ang mata namin ay ngumiti ako sa kaniya. "Hey, look, nakapagpa-apoy ako," nakangiti kong balita sa kaniya habang nakaturo sa napaapoy ko. Matagal niya akong tinitigan bago siya pigil na tumawa. "Why?" Tanong ko sa kaniya. "Wala," sagot niya sa akin habang pigil na ngumingiti. Napangiti naman ako dahil first time ko siyang makita na ganiyan. Siguro natuwa siya sa akin kasi nakapagpaapoy ako. Malaking achievement ito. "Akala ko may sunog, sa susunod huwag na kayo maglaro riyan," bilin niya pa habang pinipigilan pa rin ang ngiti or tawa niya. "Hey! Hindi kami naglalaro, I'm trying to cook something!" Sagot ko sa kaniya. Mukha ba kaming naglalaro lang? Ano kami bata, well, iyong tatlo bata pero ako hindi na. "Talaga ba? May apoy na iyan, magluto ka na, pero hugasan mo muna mukha mo," sabi niya sa akin. "Why? There's something wrong ba?" Tanong ko sa kaniya. "Tingnan mo sa salamin," sabi niya sa akin. Dali-dali naman akong pumasok sa loob at tumakbo papunta roon sa salamin na nasa loob ng bahay. Nang makita ko ang sarili ko ay nagulat ako dahil, puro kulay black ang mukha ko. "Ate, mukha kang taong grasa sa uling na nasa mukha mo!" Tumatawang sabi ni Lily sa akin na nakasunod na pala sa akin. Napakurap-kurap ako, kaya pala puro hagikgikan ang mga bata at nagpipigil ng tawa si Andro dahil puro uling ang mukha ko. Todo punas pa naman ako sa mukha ko kanina pa. Oh my gosh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD