Chapter 4

1802 Words
Ang dapat na ipagluluto ko si Andro ay hindi nangyari dahil baka raw hindi lang mapa-apoy ko ang kalan niya kung hindi baka buong bahay niya ang mapa-apoy ko. Kaya naman nakanguso lang ako habang nanonood sa kaniya na magluto. Gustong-gusto ko talaga siya lutuan pero mukhang wala akong talent sa pagluluto. Iyong mga bata naman na tumutulong din kay Andro sa pagluluto, sinubukan ko nga maghiwa ng garlic at onion pero nasugatan lang ako kaya naman nanonood lang ako. Talong-talo ako ni Rose sa paghiwa ng garlic at onion. Napapa-isip talaga ako kung bakit wala akong alam sa mga gawaing bahay, siguro hindi ko talaga ito gawain. Gusto ko na bumalik ang alaala ko. Minsan napapaisip ako na baka kaya wala akong alam ay dahil sa amnesia ko pero nakapa-imposible naman noon. "Ate Petchay, okay lang iyan, tingnan mo may sugat ka, baka kasi prinsesa ka kaya wala kang alam sa pagluluto," sabi sa akin ni Lily habang nakatitig sa akin. "I wa... I mean, gusto ko lang sana tumulong," malungkot kong sagot sa kaniya. "Okay lang iyan, Ate Petchay, hayaan mo tuturuan ka namin magluto para malutuan mo na si Kuya Andro tapos, magugustuhan ka na niya," mahinang bulong sa akin ni Lily. Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Totoo ba iyan?" Tanong ko sa kaniya. "Opo, si Kuya, noong lagi siyang dinadalhan ng pagkain ni Betty, hinahayaan niya na ito pumunta sa bahay niya," bulong sa akin ni Lily. Napanguso naman ako. Mahilig siguro sa marunong magluto si Andro. Hindi bali na lang mag-aaral ako para sa kaniya. Hindi ko talaga gusto iyong Betty na iyon. Naiinis ako sa kaniya at sa pagmumukha niya. "Andro, ako nagluluto ka pala, ako na riyan," sabi ng bagong dating lang at derederetso sa kusina. Wala sa loob na napa-irap na naman ang mata ko, nandito kasi iyong si Betty Girl. "Hindi na, kaya ko na ito," mahinahong sabi ni Andro. Napangisi naman ako dahil hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Andro. Buti nga sa iyo! Nang magsalubong ang tingin namin ni Betty Girl ay inirapan niya ako, tinaasan ko naman siya ng kilay. Nakanguso naman siyang pumwesto sa tabi ni Andro. Mabilis naman akong tumayo at lumapit sa kaniya. Sinadya ko pa talaga na sa gitna nila ako. "Andro, ako naman ang nagluluto, please," nakangiti kong sabi sa kaniya. Mabilis naman niya akong tinapunan ng tingin bago siya ngumisi sa akin. "Huwag na, umupo ka na lang doon at pagalingin mo iyang sugat sa kamay mo," sabi niya sa akin. Napanguso naman ako. Hindi naman malala iyong mga cuts ko sa kamay ko, although medyo mahapdi siya. "Hindi ka marunong magluto?" Biglang tanong ni Betty Girl na nasa gilid ko. Nang tumingin ako sa kaniya ay nakita ko na nakataas ang isang kilay niya sa akin habang nakangisi. "So?" Mataray kong tanong sa kaniya. "Wala ka na ngang ambag sa bahay na ito tapos si Andro pa rin pinagluluto mo, ano ka prinsesa?" Mataray niyang tanong sa akin. Natahimik naman ako sa sinabi niya sa akin. Gusto ko siya sabunutan sa mga pinagsasabi niya sa akin. "Wala namang problema sa akin iyon, Betty, bisita ko si..." Napatigil siya bago tumingin sa akin. "Petchay! Si Ate Petchay, Kuya!" Sabay-sabay na sigaw ng mga bata. Nakita ko naman na pigil na tumawa si Andro. "Ehem, si Petchay, bisita ko siya kaya walang problema sa akin iyon," sagot ni Andro habang nagpipigil ng ngiti. "Petchay? Really?" Mataray na tanong ni Betty Girl. "So? What's your problem with my name?" Mataray ko rin tanong. "Ano raw?" Narinig kong tanong ni Lily sa mga kapatid niya. "Hindi ko alam, ikaw Daisy, alam mo ba?" Tanong ni Rose. "Tulog ako niyan sa school, hindi ko alam iyan, bakit ba ako tinatanong ninyo?" Na-iinis na sagot naman ni Daisy. "Ang pangit ng pangalan mo," sagot ni Betty sa akin. "It's not kaya, it's not like you naman na ikaw ang ugly," sagot ko sa kaniya. Nakita ko naman na nanggigil siya sa akin. Akmang susugurin niya ako nang bigla akong hilahin ni Andro papunta sa kabilang side niya. "Tama na iyan, Betty, ano ba kailangan mo napadalaw ka?" Tanong ni Andro kay Betty Girl. "Binibisita lang kita, plano sana kitang ipagluto, pero naabutan kita na nagluluto ka na pala," malumanay na sagot ni Betty kay Andro, napa-irap naman ako sa kaniya. Bait-baitan pa siya. Plastic din siya. "We're cooking na, so you can alis na now," sabi ko sa kaniya. Pinangliitan niya naman ako ng mga mata. "Ituwid ko kaya iyang dila mo," naiinis na sabi sa akin ni Betty Girl. "Why you tuwid naman? Inggit lang you, duh," maarteng sabi ko sa kaniya. Nakita ko naman na napapailing sa akin si Andro. Kinunutan lang ako ng noo ni Betty Girl bago niya ako irapan at tinuon niya ang pansin niya kay Andro. Nangliit naman ang mga mata ko nang makita ko siyang pasimpleng hinahawakan sa braso si Andro. Lumapit ako sa kanila at nagsumiksik sa gitna nilang dalawa. "You know what, umuwi ka na lang, wala ka naman gagawin dito, e," sabi ko kay Betty Girl. Lalo naman sumama ang tingin niya sa akin. "Napipikon na ako sa iyong conyo ka!" Inis na sabi niya sa akin. "I don't care, it's not my problem," sagot ko sa kaniya. "P'wede ba manahimik na lang kayong dalawa?" Naasar na sabi ni Andro. "I'm sorry, behave naman ako, e," sabi ko pa. "Betty, may wala ka na bang gagawing iba?" Tanong ni Andro rito. "Wala na naman, kaya na ni Kuya roon sa resort, wala naman ako masyadong gawa roon," sagot ni Betty Girl kay Andro. "Mag-rest ka na lang kaya sa inyo para may beauty ka na," mahinang sabi ko pero mukhang narinig nila kaya tiningnan ako ng masama ni Betty. "Napipikon na ako sa iyo," naiinis na sabi niya sa akin. "I don't care nga!" "Tigil!" Sigaw si Andro, parehas naman kaming natigilan ni Betty Girl. "Para kayong mga bata, at sa harap pa talaga kayo ng mga bata nag-aaway," seryosong sabi ni Andro na mukhang napikon na sa aming dalawa ni Betty Girl. "Sorry," mahina kong sabi. Si Betty Girl naman ay nanahimik lang. Wala naman akong nagawa na bumalik sa p'westo ko, roon sa tabi ni Lily. "Ate, ang galing mo mag-english!" Mahinang bulong sa akin ni Lily pagkaupo ko sa tabi niya. Nginitian ko naman agad siya. Si Betty Girl naman ay hindi umalis sa tabi ni Andro, tinulangan niya si Andro sa pagluluto. Nakanguso lang ako habang masama ang tingin ko kay Betty Girl. Nakakainis talaga siya! Bida-bida! "Ate Petchay, hayaan mo na siya, mas maganda ka naman sa kaniya," bulong pa sa akin ni Lily. Ngumiti naman ako sa kaniya. "I know right," confident na sagot ko. "Minsan talaga, Ate, ayoko kita kausap, e, hindi kita maintindihan." Kumakamot sa ulo na sabi ni Lily sa akin. Nangigil na pinisil ko naman ang pisngi niya. "Basta alam nating lahat mas maganda ako kay Betty Girl," sabi ko sa kaniya. "Oo naman, Ate," sagot niya sa akin. Sabay naman kaming dalawa humagikgik kaya naman napatingin sa amin si Betty Girl at tinaasan kami ng kilay, tinaasan ko rin naman siya ng kilay. Duh, mas maganda kilay ko sa kaniya perfect ito at natural pa, hindi gaya sa kaniya na dino-drawing-an niya pa. "What?" Mataray na tanong ko sa kaniya. Inirapan niya lang ako bago niya tulungan ulit si Andro. "Ate, dapat lagi mo siyang ni-e-english para hindi makasagot lagi," bulong naman ni Daisy sa akin. Natawa naman ako ng mahina sa sinabi niya sa akin. Naging abala si Betty Girl at Andro sa kusina habang kami naman ng mga bata ay nagkwentuhan, more on sa pag-ba-bash namin kay Betty Girl. Nang matapos na silang magluto ay kami na ng mga bata ang naghanda ng lamesa. "Ows, kulang na ng plate," sabi ko habang tipid na nakangiti kay Betty Girl. "I think, umuwi ka na lang sa inyo, doon ka na lang kumain." "Sa iyo na lang ang plato ko, Betty," sabi ni Andro. "But, paano ka?" Tanong ko kay Andro. "Mamaya na lang ako kakain, aayusin ko na lang muna ang lambat ko," sagot ni Andro bago kami talikuran. Gabi na rin ngayon at mukha mangingisda na naman si Andro ngayon. "Children, eat na muna kayo together with Betty Girl," sabi ko sa mga bata bago ko sundan si Andro sa labas. Nang makita ko siya ay marahan akong naglakad papunta sa kaniya. Kasalukuyan niyang inaayos iyong lambat niya habang nakatalikod sa akin. "Aalis ka ulit?" Tanong ko sa kaniya nang makalapit ako. Saglit naman siyang napatigil sa pag-aayos ng lambat niya at humarap sa akin. "Oo, bakit hindi ka na kumain doon?" Tanong niya sa akin. "Sasabayan na lang kita, mas happy if may kasabay ka," sabi ko sa kaniya. Saglit naman siyang natigilan ulit. "Why? May problem ba?" Tanong ko sa kaniya. Umiling naman siya sa akin bago magpatuloy ulit sa ginagawa niya. "Kumain ka na roon, hayaan mo na ako, baka mamaya pa ako matapos dito," sabi niya sa akin. "It's okay lang, I'll wait you na lang, hindi pa naman ako hungry, and ayoko kasabay si Betty Girl," nakanguso kong sabi sa kaniya. Nakita ko naman na napangisi siya sa sinabi ko. "Halata naman na ayaw niya sa isa't isa," sagot niya sa akin. "I'm so naiinis sa kaniya," sagot ko. "Bakit? Okay naman siya, a," sagot niya sa akin. "Sa iyo okay siya kasi like ka niya, sa akin ang taray niya porket mas pretty ako sa kaniya!" Nagulat naman ako ng biglang tumawa si Andro sa sinabi ko. Natigilan ako at napakurap-kurap habang nakatitig sa kaniya na tumatawa. "Wow! You're more handsome kapag tumatawa ka," sabi ko sa kaniya. Natigilan naman siya sa pagtawa. Napanguso naman ulit ako. "Ehem! Sige na pumasok ka na sa loob," seryosong sabi niya sa akin. "I'll wait you nga, ayoko roon baka mag-away lang kami ni Betty Girl," sagot ko. Napailing naman siya sa akin. Tahimik na pinagmamasdan ko naman siya sa ginagawa niya habang ako puro kamot naman ako sa braso at paa ko, kinakagat kasi ako ng mga mosquito. "Pumasok ka na sa loob, pinapapak ka na ng lamot," sabi niya sa akin. "I'll wait you nga sabi, you're so matigas ang ulo, like your muscles," sabi ko. Natigilan naman ulit siya sa ginagawa niyang pag-aayos ng boat niya. "O, sige na nga, tara na," sabi niya sa akin bago niya itigil ang ginagawa niya. Napangiti naman ako. "Oh, thanks naman, I think mauubusan na ako ng blood sa mga mosquito," sabi ko. Napailing na lang siya sa akin bago ako lapitan. Natigilan siya bago niya ako titigan ng seryoso. Mayamaya ay bigla siyang ngumiti sa akin at ginulo ang buhok ko. "Tara na," sabi niya sa akin. "Let's go!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD