Chapter 5

2031 Words
Pagkagising ko kinabukasan ay nakita ko si Andro na mahimbing na natutulog sa sofa. Simula nang tumuloy ako sa bahay niya ay ako na ang natutulog sa kama niya tapos siya ay sa sofa lang. Lumapit ako sa gilid ni Andro at umupo sa sahig habang nakatitig sa mukha niya. Ang gwapo niya talaga, bagay sa kaniya ang medyo mahabang buhok tapos ang red pa ng lips niya, tapos ang kapal ng kilay niya. Iyong ilong niya ang tangos din. Ang mouth niya ay naka-open ng kaunti habang nakaharang ang kanang kamay niya sa kalahati ng mata niya. Napangiti na lang ako ng tinitigan ko siya, ang handsome niya talaga. Mabuti na lang wala siyang girlfriend or whatever. Kasi kung mayroon man, malamang hindi babagay sa kaniya ang babaing iyon. Ang dapat na bagay sa kaniya ay gaya ko na perfect din. Well, bagay kaming dalawa hindi na rin siya lugi sa akin. Kaysa naman doon siya kay Betty Girl, walang sinabi sa akin iyon. Tapos fake pa iyong kilay niya, drawing lang. "Hey," mahinang tawag ko sa kaniya, pero tulog pa rin siya kaya naman hinawakan ko iyong kamay niya na nasa mukha niya, nagulat na lang ako nang mabilis niyang nahawakan ang kamay ko tapos mahigpit na hawak na niya. Tapos mabilis siyang umupo mula sa pagkakahiga niya. Nang laki ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. Siya rin naman ay mukhang nagulat din sa ginawa niya. "Wow, ang fast mo!" sabi ko habang nakatitig sa kaniya. "Akala ko kung sino, buti hindi kita nasaktan," sabi niya sa akin. "Ows, actually it's masakit kaya," sabi ko habang nakanguso sa kamay ko na hawak niya. Agad niya naman na binitawan iyon. "Sorry," sabi niya. "I don't want your sorry," nakanguso kong sabi. Nangunot naman ang noo niya sa akin. "Kiss mo ako," nakangiti kong sabi sa kaniya. Lalo naman nangunot ang noo niya. "Ano?" "Joke lang iyon!" Mabilis kong bawi, halos magsabay pa kaming dalawa sa pagsalita. "But, if ayaw mo ng joke okay lang," nakangiti kong sabi sa kaniya. Ngumisi naman siya sa akin bago napailing. "Gutom lang iyan," sagot niya sa akin. "Hey! I'm not pa kaya," sagot ko naman. Napailing lang siya sa akin. "Sige na, nagluluto na ako," sabi niya sa akin. "Ops!" Pigil ko sa kaniya nang akmang tatayo na siya. "Ako na mag-cook, mag-sleep ka na lang sa room, I know na your puyat," sabi ko sa kaniya.a "Hindi ka marunong magluto, baka bahay ko ang maluto kapag ikaw ang nagluto," seryosong sabi niya. Napanguso naman ako sa kaniya. "You're so bad! Give me a chance kasi to cook," sagot ko sa kaniya. "Okay pero promise mo huwag bahay ko ang lulutuin mo, tawagin mo ako kapag kailangan mo ng tulong," sabi niya sa akin. Napangiti naman ako sa kaniya tapos sunod-sunod na tumango. "Promise!" Sagot ko na parang nanunumpa pa ako dahil nakataas ang kanang kamay ko. "Okay," sagot niya sa akin. "Sige na, sleep ka na sa room para mas comfortable ka," sabi ko sa kaniya. Tumango naman siya sa akin bago siya maglakad papunta sa kwarto niya. Masaya naman ako naglakad papunta sa kusina. Ginawa ko iyong pagpapaapoy sa kalan ni Andro. It's mahirap pero nagawa ko naman, although mausok lang talaga. "Ate Petchay!" "Ate, wala ka nang uling sa mukha!" Masayang sabi sa akin ni Daisy. "Well," mayabang kong sabi habang nakangiti sa kanila. "Ano raw? Well? Anong well? Iyong host ba sa tv iyon?" Tanong ni Lily sa mga kapatid niya. "Aba, malay ko natutulog nga lang ako sa school, wala akong alam diyan," sagot naman ni Daisy. "Ate Rose, ikaw? Alam mo ba iyon?" Tanong ni Lily. "Hindi nga!" Kumamot sa ulo na sagot naman ni Rose. "Ate Petchay, tagalog nga kasi, nakakainis ka naman, e," reklamo sa akin ni Lily. Natawa naman ako sa kaniya. "Ang aga ninyo ngayon," sabi ko sa kanila. "Maaga po umalis si Kuya," sagot naman ni Rose. Napatango naman ako. "Tulungan na lang ninyo ako mag-cook," sabi ko sa kaniya. Tumango naman sila sa akin. Sabay kaming apat na pumunta sa kusina at inayos ang gagawin naming fried rice, tinutulungan ako ni Rose, nakakatuwa nga si Rose dahil kahit bata pa siya ay marunong na siya sa mga gawaing bahay. "Oh my gosh!" Sigaw ko nang ilagay ko na ang garlic sa oil na nasa pan. "Ate, hindi ka naman aanuhin ng mantika, e," sabi sa akin ni Rose. Sobrang layo ko kasi sa pan, natakot kasi ako sa oil baka mapaso ako. "Okay," mahina kong sabi habang naglalakad ako papalapit sa may pan. "Haluin mo, Ate," utos sa akin ni Rose, ginawa ko naman iyon pero iyong katawan ko ay malayo sa may kalan. "Ate, okay na iyan lagay mo na iyong kanin," sabi sa akin ni Rose kaya naman sinunod ko siya, takot na takot pa ako na ilagay ko iyong kanin kasi baka matapon ko sayang naman iyon. Nang mailagay ko na ay hinalo ko iyon, utos sa akin ni Rose. Lahat ng sinasabi ni Rose ay ginagawa ko, medyo nakakahiya lang sa part ko kasi ako iyong mas matanda pero ako iyong tinuturuan niya. After namin maluto iyong fried rice ay mag-fry naman kami ng fish na huli ni Andro. "Oh sh*t!" Sigaw ko nang unang beses kong ilagay iyong fish sa pan. Bigla kasing nagtilamsik iyong oil. Napaso ako. "Ate Petchay, bad ka nagmumura ka," sabi sa akin ni Lily habang nakataas ang index finger niya. "Sorry, Natakot kasi ako sa oil," sabi ko sa kaniya. "Ate, okay lang iyan, hayaan mo masasanay ka rin diyan, dapat galingan mo para mas magaling ka na lalo kay Betty," pangpalakas loob na sabi sa akin ni Daisy. Bigla naman akong nabuhayan. It's true naman, pagluluto lang ang lamang sa akin ni Betty, and the rest, duh! Ako yata ang mas maganda at pinakamaganda. Nang natapos na akong magluto ay nakangiti akong naghain sa table. "Wow, Ate, sunog na sunog!" Sigaw ni Lily habang nakatingin sa fish. "Ha? Hindi ba ganiyan ang color niya?" Tanong ko habang nakatingin sa fish na nasa plato na at nakalagay sa gitnang parte ng table. "Hindi, Ate," sagot naman ni Daisy. "Akala ko ganiyan kulay niyan?" Tanong ko. "Hindi nga, Ate, okay lang iyan kaunting practice na lang," sabi naman ni Rose. Napanguso naman ako. "Tatawagin ko na si Kuya Andro," sabi ni Lily bago ito tumakbo papasok sa kwarto kung nasaan si Andro. Mayamaya ay magkasabay na lumabas sa kwarto si Andro at Lily, sabay din silang lumapit sa table. "Wow, sunog, a," sabi ni Andro pagkakita niya, napanguso naman ako sa kaniya. "Akala ko kasi ganiyan color niya," sagot ko. Napailing lang sa akin si Andro. Umupo siya sa harap ko na upuan bago nagsandok ng fried rice at kumuha ng fish. Umupo na rin naman ako sa upuan ko at kumuha ng fried rice. Ang mga bata naman ay tinulungan ko rin maglagay ng fried rice sa plate nila. Mayamaya ay biglang tumawa si Andro kaya naman napatingin kami sa kaniya. Nakita namin na nakatingin siya sa isda habang tumatawa. "Why?" Tanong ko sa kaniya. "Wala lang, iyong isda lang, sunog ang labas hilaw pa ang loob," sagot niya habang natatawa pa. Napanguso naman ako. "Ang bad mo!" Napailing naman siya sa akin. "Sa susunod tuturuan na lang kita, hindi na kita hahayaan sa kusina," sabi niya sa akin. "Sabi mo ha, tuturuan mo ako," sabi ko naman sa kaniya. Tumango naman siya sa akin bago magsimula kumain. Napatingin naman ako sa kaniya kasi kinakain niya iyong fish na sunog ang labas tapos hilaw ang loob. "Bakit mo kinakain iyan?" Tanong ko sa kaniya. "Sayang naman kasi, tsaka effort mo rin ito, hayaan mo na okay lang naman ito," sagot niya sa akin. Napangiti naman ako sa kaniya. Matapos namin kumain ay nagpahinga lang saglit si Andro bago ito maligo, aalis yata siya pupunta raw siyang bayan. Kami naman noong mga bata ay nagkwentuhan lang sa may living area ng bahay ni Andro. "Sama ka?" Biglang tanong sa akin ni Andro. "Where?" "Sa bayan, para nakapasyal ka rin at iyong mga bata na rin," sabi ni Andro. "If pwede, why not!" Excited na sagot ko. "Sige, magbihis na kayo, aalis tayo," sabi sa amin ni Andro. Tuwang-tuwa naman iyong mga bata at nagmadali silang umuwi para magbihis ng damit nila. Ako naman ay mabilis na tumakbo sa banyo para mabilis na maligo. Sakto na natapos ako maligo ay nandoon na ang mga bata bihis na sila at mga excited na sila kaya naman mabilis akong nagsuklay ng buhok. Sa banyo na rin kasi ako nagbihis ng damit para deretso na agad. Ilang saglit lang ay nakasakay na kami sa tricycle papuntang bayan. Iyong tatlong bata ay nasa loob habang kami ni Andro ay nasa may sidecar. Nasa gitna si Andro at nasa dulo ako, mahigpit akong nakahawak sa braso at damit niya dahil natatakot ako na mahulog ako, lalo na at feeling ko ay makabitaw lang ako kay Andro ay tatalsik na ako. Hindi pwede iyon, dapat mas maganda at lamang pa rin ako kay Betty Girl, kahit na anong mangyari. "Andro, hold mo ako, baka mahulog ako," natatakot kong sabi kay Andro. Natawa naman siya sa akin. "Hindi ka mahuhulog diyan," sabi niya sa akin. "But nakakatakot kaya!" "Hayaan mo malapit na tayo," sabi niya sa akin. Mas lalo ko naman hinigpitan ang hawak ko sa kaniya. Nang maramdaman ko ang kamay niya na nakahawak sa may balikat ko ay napangiti ako. Gentleman talaga! Nang makarating na kami sa bayan ay bumaba kami roon sa may palengke raw. Maingay tapos medyo maputik doon. "Oh my gosh! Iyong fish, tumatalon!" Sigaw ko nang mapadaan kami roon sa fish na gumagalaw pa. "Si Ate Petchay takot sa tilapia," sabi ni Lily sa akin. "Shh!" Mahinang bulong ko kay Lily, bumungisngis siya bago humawak sa kamay ko. "Ate, ang lambot ng kamay mo, wala ka ginagawa, ano?" Tanong niya sa akin. Napatingin naman ako sa isang kamay ko na hindi hawak ni Lily. "I don't know," sagot ko. "Ayoko talaga kita kausap minsan, Ate Petchay," nakangusong sabi ni Lily. Natawa naman ako sa kaniya. Nasa harapan namin si Andro at ang dalawang bata, hawak ni Andro sa nagkabila niyang kamay ang dalawang bata habang nasa likod naman kami ni Lily. "Para tayong pamilya, Ate Petchay, si Kuya Andro iyong Papa tapos ikaw iyong Mama!" Masayang sabi ni Lily. Napangiti naman ako sa kaniya. "Oo nga, ano," sagot ko naman. "Ang saya-saya! Unang beses ko ito, Ate," masayang sabi ni Lily. Napatingin naman ako sa kaniya. Kitang-kita ko ang saya sa inosente niyang mukha. Bigla akong nakaramdam ng awa sa kaniya dahil hindi niya naranasan ang buong pamilya. Napatigil lang ang pagtitig ko kay Lily nang kalabitin niya ako. "Ate, bakit? Naiwan na nila tayo!" "Ows! Sorry!" Lumingon ako sa pwesto nila Andro at nakita ko na nakatawid na sila sa kabilang side ng kalsada, hindi ko namalayan na tatawid na pala kami. Hindi ko naman alam kung paano tumawid kasi maraming vehicles ang dumaraan doon. "Ate, Tara na!" Sigaw ni Lily. Wala sa loob na sumunod naman ako. Nang patawid na kami ay may sasakyan na papalapit sa amin. Sa gulat ko ay natulak ko agad si Lily pabalik sa kabilang side. Bigla lang akong natulala sa pick-up na papalapit sa akin. May isang blurred na alaala ang bigla kong nakita. Bigla akong napaupo at napahawak sa ulo ko. Mayamaya ay naramdaman na lang ako na humawak sa dalawa kong balikat. "Hey, are you okay?" Tanong nito sa akin. Bigla naman kumirot ang ulo ko. "Ang sakit! Ang sakit!" Sigaw ko habang hawak ko ang ulo ko. "Ate Petchay!" Narinig ko na iyak na sabi ni Lily habang nakayakap sa may gilid ko. "Okay ka lang?" Tanong ni Andro sa akin. "Ang sakit! It's hurt!" Umiiyak na sabi ko. May bigla na namang nag-flash ba memory sa utak ko. May nakita akong dugo sa lupa. Bigla akong natakot at napaatras. "Okay ka lang?" "Dalhin na natin siya sa hospital!" Ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko na maalala dahil nawalan ako ng malay dahil sa takot at sakit na nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD