Chapter 6

2103 Words
Nagising ako na ang unang bumungad sa akin ang hindi pamilyar na mukha. "Hello, okay ka na ba? May masakit ba sa iyo?" Tanong sa akin ng lalaking nasa may gilid ko. "Who are you?" Tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at lumabas ang dimple niya sa kanang pisngi niya. Gwapo rin siya, chinito tapos maputi, makinis iyong face niya tapos makapal din iyong kilay niya, ma-red din ng lips niya tapos iyong ilang hibla ng hair niya ay halos matakpan ang mga singkit niyang mata. Tapos iyong ilong niya ang tangos din. Pero syempre mas gwapo sa kaniya si Andro. Speaking of Andro, where na kaya siya? And, why ako nandito... sa hospital? "Ako si Benedict Salvador," pagpapakilala niya sa akin. "Nasaan si Andro? And, bakit ako nandito? Something happened ba?" Tanong ko sa kaniya. "Bigla kang nawalan ng malay kanina, muntik na kasi kitang masagasaan mabuti na lang ay nakapagpreno ako," sabi niya sa akin habang nakangiti siya at kitang-kita ko ang maputi niyang ngipin. "Where's Andro nga?" Tanong ko sa kaniya. "Hinatid muna niya pauwi iyong mga bata, sa akin ka muna niya iniwan." Nakangiti niya pa ring sabi sa akin habang titig na titig sa mukha ko. Bigla ko naman inisip ang nangyari kanina, naalala ko na may biglang nag-flash na memory sa akin, may nakita akong girl, tapos may dugo sa road. Bigla akong napahawak sa ulo ko. Bigla iyong kumirot at sumakit. "Hey, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Benedict. "My head!" Mahinang sabi ko habang nakahawak sa ulo ko. "Tatawag ako ng doctor," sabi niya sa akin. Umiling naman ako. "It's okay," sagot ko sa kaniya. "Bago lang dito, ano?" Tanong niya sa akin. "Yes," maikling sagot ko. Natawa naman siya sa akin. "Ang sungit mo naman, hindi man lang nabanggit ni Andro na may napakaganda pala siya kamag-anak," sabi niya sa akin. "Excuse me?" Ako? Kamag-anak ni Andro? No way! Maging girlfriend or wife pa pwede pa, but relatives? It's a big no! "Bakit hindi ba?" Tanong niya sa akin. "No," sagot ko sa kaniya. "Ha? Bakit sabi niya kamag-anak ka raw niya?" Tanong siya sa akin. Why naman sinabi ni Andro na magkamag-anak kami? Nakakainis naman siya, e. "Can you call Andro na lang?" Tanong ko sa kaniya. Natawa naman siya sa akin. "Mamaya nandito na siya," sagot niya sa akin. "Okay," maikling sagot ko sa kaniya. "So? Matagal ka na ba kila Andro?" Tanong niya sa akin. "Not really," I answered. "Ikaw pala iyong lagi kong naririnig kay Betty," sabi niya sa akin. Napataas naman ang kilay ko sa kaniya nang banggitin niya si Betty Girl. "Do you know her?" I asked him. "She's my younger sister," he answered. Napataas na ang dalawang kilay ko sa kaniya. Tapos tinitigan ko siya, may hawig nga sila ng kaunti ni Betty Girl. "Oh, so I guess, sinisiraan niya ako sa story niya," pairap na sabi ko sa kaniya. Natawa naman siya sa akin. "Actually, oo," natatawang sagot niya sa akin. "Really?" "Yeah, sabi niya pangit mo raw pero hindi naman totoo, maitim ka raw pero sa nakikita ko hindi naman, dry raw ang buhok mo but ang ganda naman ng buhok mo, maybe insecure lang siya sa iyo," natatawa niyang k'wento sa akin. "Yeah, you're right, as you see naman mas maganda talaga ako sa kaniya," confident na sabi ko sa kaniya. Lalo naman siyang natawa sa akin. "Hindi ako kokontra roon, ikaw yata ang pinakamagandang nakita ko," biglang seryoso niyang sabi. "Then, hindi ka blind not like your insecure younger sister," sagot ko sa kaniya. "Pero you know what, medyo parang pamilyar ka sa akin, nagkita na ba tayo?" Tanong niya pa sa akin. Napaisip naman ako. Pero tinigil ko rin, kasi wala pa rin naman akong naalala, may nag-flash ng memory sa akin wala pa rin akong naalala kung sino ba ako talaga ako. "I don't know," sagot ko sa kaniya. "Gising ka na pala." Sabay kaming napatingin ni Benedict sa may pinto na bumukas. Si Andro iyon na mukhang kararating lang. Agad naman akong napangiti nang makita ko siya. "Hey, bakit ang tagal mo?" Tanong ko sa kaniya. "Hinintay ko pa makatulog si Lily, iyak nang iyak iyong bata kanina, akala may masamang nangyari sa iyo," sagot niya sa akin. "Kamusta na siya?" Tanong ko. "Tulog na naman, mamaya pwede na rin naman daw tayong umuwi kung kaya mo na," sagot niya sa akin. "Mauuna na rin ako, Andro, huwag mo na alalahanin ang bills dito ako na bahala," sabi ni Benedict. "Salamat, Pare," sagot naman ni Andro bago kamayan si Benedict. "Aalis na ako," paalam niya sa akin. "Thanks," sabi ko sa kaniya. Tumango at ngumiti lang siya sa akin bago lumabas ng hospital. Okay naman siya e, actually mas okay siya kaysa kay Betty Girl. Maybe si Betty Girl ang black ship sa pamilya nila. "Hindi na sana sa private room ka ilalagay pero nagpumilit si Benedict na rito na raw dahil puno na sa ward," sabi sa akin ni Andro. "It's nakakahiya naman sa kaniya," sabi ko. "Mabait lang talaga siya, tsaka sa kanila kasi itong hospital na ito," sagot niya sa akin. "Wow, rich pala sila," sagot ko naman. "Sila ang pinakamayaman sa isla na ito, iyong resort nila ang pinakapatok din sa isla na ito," sabi niya sa akin. "Then, bakit parang mukhang poor si Betty Girl?" Tanong ko. Napailing naman sa akin si Andro. "Okay ka na ba?" Tanong niya sa akin. Tumango naman ako sa kaniya. "Yeah, pero wala pa rin akong naalala," nakanguso kong sabi. Sasagot na sana siya nang biglang bumukas ang pinto ng room ko at pumasok ang isang doctor. Lumapit siya sa akin at kinausap ako nito, nagtanong sa akin sa nangyari sa akin then nagk'wento naman ako about sa nag-flash na memory sa akin. Sabi nito ay huwag ko raw muna pilitin ang sarili ko na makaalala, hayaan ko raw muna. At baka iyon na rin daw ang sign ng unti-unting pagbabalik ng alaala ko. Huwag ko raw biglain ang sarili ko. Huwag ko rin daw pilitin kasi iyon daw ang cause ng pagsakit ng head ko. Nang matapos na ako kausapin ay sinabihan ako na anytime pwede na raw kaming umuwi. After noon ay umalis na ang doctor. "Uwi na tayo," sabi ko kay Andro. Tumango naman siya sa akin. Ilang saglit lang ay umuwi na rin kami, may kinuhang tricycle si Andro papunta sa bahay niya. Nang makarating na kami sa house niya ay nandoon ang nga bata na nakaabang sa amin. Nang makita nila kami ay mabilis silang nagtakbuhan. "Ate Petchay!" Sigaw nila bago sila lumapit sa akin at nag-unahan yumakap sa paa at baywang ko. "Ate, akala ko iiwan mo na rin kami kanina," umiiyak na sabi ni Lily na mahigpit na nakayakap sa hita ko. Ngumiti naman ako sa kaniya bago ako umupo at pinantayan siya. "Hindi ka iiwan ni Ate Petchay, huwag na mag-cry, sige ka magiging kamukha mo si Betty Girl," sabi ko sa kaniya. Himihikbi-hikbi naman siyang nagpunas ng luha niya. "A-ayaw ko siya maging kamukha, g-gusto ikaw kamukha ko," humihikbi niyang sabi. Pinunasan ko naman ang luha niya bago ko siya ngitian. "Kaya huwag ka na nga umiyak," malumanay na sabi ko sa kaniya. Tumango naman siya. Humarap naman ako kila Rose at Daisy na nasa tabi ng kapatid nila. "Ate, magaling ka na?" Tanong ni Rose sa akin. "Yes, so don't worry na, okay?" "Hala, sabi na ayoko siya tanungin, e, nag-english na naman siya," narinig kong bulong ni Rose. "Ate, magaling ka na nga, hindi ka na namin maintindihan na naman, e," sabi naman ni Daisy. Napangiti naman ako sa kanila bago pisilin ang mga pisngi nila. Ang cu-cute talaga nila! "Pasok na muna tayo sa loob, gumagabi na rin," sabi ni Andro. Medyo madilim na rin kasi kaya naman pumasok na kami sa loob. Pumunta naman agad ako sa kitchen para kuhaan ng tubig si Lily. At nang makuhaan ko na siya ay ininom niya iyon, mayamaya ay okay na rin siya. Naglalaro na silang tatlo sa may sala ni Andro. Si Andro naman ay mukhang hindi mangingisda ngayon pero nasa labas siya inaayos niya ang bangka at lambat niya. "Girl!" Napatingin kami sa taong pumasok sa pinto ni Andro. Si Robi iyon na mukhang galing pa sa work niya dahil suot pa niya iyong uniform niya. "Hi," nakangiting bati ko sa kaniya. "Balita ko na-hospital ka raw? Ano nangyari?" Tanong niya sa akin. "Nothing naman, okay na naman ako, may nag-flash lang sa memory ko," sabi ko sa kaniya. "May naalala ka na?" Tanong niya sa akin. Umiling naman ako sa kaniya. "Okay lang iyan, babalik din naman iyan," sabi niya ulit. "Yeah, sabi nga ng doctor," sagot ko. "By the way, balita ko rin na si Sir Benedict ang muntik nang makasagasa sa iyo," sabi niya sa akin. "Do you know him?" "Duh, Girl, boss ko iyon tsaka sinong hindi makakakilala sa kanila sa islang ito," sagot niya sa akin. "Oh, right," sagot ko. "So? Mukhang bet ka ni Sir Benedict, tinanong ka sa akin kanina bago ako umuwi," sagot niya sa akin. "Really? Okay naman siya but not my type," sagot ko agad. Natawa naman siya sa akin. "Girl! Ang pogi kaya noon, tsaka mapili sa babae iyon, ikaw na nga ang swerte na natipuhan noon, e, pero mukhang iba ang type mo," natatawang sabi niya sa akin. Napanguso naman ako sa kaniya. "By the way, Girl, kung gusto mo mag-work sa resort? Apply-an ngayon doon," sabi niya sa akin. "Oh, pwede kaya ako roon?" Tanong ko. "Oo naman, pwede ka ngang gawing model ng resort, e," sagot niya sa akin. "E 'di lalong uminit ang blood ni Betty Girl sa akin," sagot ko naman. Lalo naman siyang natawa sa akin. "Malamang," natatawang sagot niya sa akin. "Tomorrow, pwede ako sumama sa iyo? Para naman may work na ako at makatulong dito sa house, feel ko pabigat ako, e," sabi ko. "Sige, Girl, dadaanan kita bukas ng umaga," sagot niya sa akin. "Si Kuya Andro, umalis na?" "Nope, hindi yata siya mangingisda, wala ba siya sa labas?" Tanong ko sa kaniya. Umiling naman siya sa akin. Lumabas naman ako ng bahay para silipin siya at wala nga siya roon. Madilim na sa labas at wala masyadong ilaw, malakas na hangin at tunog ng alon lang ang naririnig ko. "Where na kaya siya?" Tanong ko. "Baka naglalakad na naman iyon diyan lang sa tabing dagat," mahinang sabi ni Robi. "Lagi niya bang ginagawa iyon?" Tanong ko sa kaniya. "Hindi naman, minsan lang kapag naalala niya iyong wife niyang namatay," sagot niya. Nagulat naman ako sa sinabi niya. May asawa na pala si Andro, pero bakit wala itong picture sa bahay niya? "May wife na pala siya," tanong ko. "Oo, pero ayon nga dead na, ang alam ko na aksidente raw iyon," sagot niya sa akin. Bigla naman akong nalungkot sa narinig ko, kaya siguro nakikita ko iyong sadness at pain sa mata ni Andro, sobrang sakit siguro talaga ng nararamdaman niya. "Ay, Girl, uuwi na kami ng nga bagets, gabi na rin kasi, magluluto pa ako, sige na, bukas na lang ulit," paalam ni Robi sa akin. "Okay, take care," sabi ko naman. Nang makaalis na sila ay nakasilip pa rin ako sa labas at inaabangan ko si Andro, pero wala pa rin siya kaya naman ginawa ko ay naglakad-lakad din ako sa tabing dagat, bitbit ko ang slippers ko habang nababasa ng alon ang mga paa ko. Habang naglalakad din ako ay nakita ko si Andro na nasa may medyo kalayuan ang kaunti sa akin. Nakaupo siya sa buhangin habang nakatingin sa dagat, agad naman akong lumapit sa kaniya. "Hey," bati ko sa kaniya. Tumingin naman siya sa akin. "Bakit ka umalis ng bahay? Gabi na, paano kung may nangyari sa iyo riyan?" Kunot noong tanong niya sa akin. "Nag-worry kasi ako sa iyo," sagot ko. "Sa susunod huwag ka nang aalis sa bahay ng madilim na," bilin niya sa akin. Tumango naman ako sa kaniya bago ko siya titigan. Nalungkot ako habang nakatitig sa eyes niya, ang lungkot ng eyes niya at parang puno ng pain iyon. Nang hindi na ako makatiis ay lumapit ako sa kaniya at niyakap ko siya. Mukha naman na nagulat siya sa ginawa ko. "It's okay," sabi ko lang sa kaniya. Mayamaya ay naramdaman ko ang kamay niya tinatapik ang balikat ko. "Uwi na tayo," sabi niya lang sa akin matapos ko siyang bitawan. Nauna siyang maglakad sa akin kaya naman sumunod ako sa kaniya. I try my best para hindi ka na ma-sad, Andro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD