Chapter 7

2099 Words
"Sure ka ba na magtatrabaho ka?" Tanong sa akin ni Andro nang sabihin ko sa kaniya pagkauwi namin sa bahay niya na gusto kong mag-apply ng work sa resort kung saan nagwo-work si Robi. "Yeah, para naman makatulong na rin ako rito sa house ko, nakakahiya na rin kasi," sabi ko sa kaniya. "Wala namang problema sa akin ang pagtira mo rito," sagot niya sa akin. "But, I really want talaga, sige na payagan mo na ako," sabi ko. "Wala namang problema sa akin kung gusto mo, ikaw lang din iniisip ko, pero kung gusto mo talaga, ikaw na bahala," sagot niya sa akin. "Want ko talaga, at sabi ni Robi dadaanan niya raw ako tomorrow," sagot ko. "Okay, kapag may problema ka roon patawagan mo lang ako kay Robi," sabi niya sa akin. Sunod-sunod naman akong tumango sa kaniya. "Sige na matulog ka na, at mukhang maaga yata kayo ni Robi bukas," dagdag na sabi niya pa sa akin. Tumango naman ulit ako sa kaniya. "Goodnight," sabi ko. "Goodnight!" Tumalikod na ako sa kaniya at naglakad na ako papunta sa kwarto niya, roon kasi siya matutulog sa sofa, iyon na ang tulugan niya simula ng tumira na ako sa bahay niya. Nang makapasok na ako sa kwarto ay inayos ko na ang kama ko bago ako humiga roon at ipinikit ang mga mata ko. "T-tulong!" Tumingin ako sa kanang bahagi kung saan nanggaling ang boses na narinig ko. "T-tulungan mo a-ako!" Napaawang ang labi ko, may babae akong nakita na nakahiga sa kalsada habang may dugo ang ulo nito. Napatakip naman ako sa bibig ko at napaatras. "T-tulungan mo a-ako," sabi pa nito habang nakatingin sa akin. Tinataas pa nito ang kanang kamay niya sa akin. Sa kaka-atras ko ay may natapakan akong bato at napaupo ako sa kalsada. Nagulat na lang ako na pagtingin ko sa kalsada ay may dugo na rin sa pwesto ko, tapos tiningnan ko iyong hands ko, puno na rin nang dugo iyon. Bigla akong nanginig sa takot sa nakita ko, pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga. "Petchay!" Oh my gosh! Bakit may dugo? Bakit may babaing duguan sa may kalsada? "Petchay!" "Tulungan mo ako, maawa ka!" Pagmamakaawa sa akin noong babaeng na halos maligo na sa dugo. "Petchay!" Napabangon ako bigla nang maramdaman ko na may pumisil sa kanang kamay ko. Hinihingal ako at para akong kakapusin ng hininga. Napahawak na rin ako sa dibdib. "Okay lang iyan, shh," sabi sa akin ni Andro habang pinupunasan niya ang mga luha ko sa mata ko. Hindi ko na rin namalayan na umiiyak na pala ako. "There's a girl," sabi ko kay Andro habang nakatingin sa kaniya ramdam ko rin ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak, kung bakit sobrang apektado ako sa panaginip ko kahit hindi ko naman kilala iyong babae sa panaginip ko. Siguro may konektado siya sa akin, kaya nakita ko siya. Sabi rin sa akin nang doctor ay magkakaroon na raw talaga ako ng mga flash ng memory ko pero iyong nasa panaginip ko hindi ko alam kung panaginip lang ba iyon or totoo, pero mukhang totoo siya. Parang pinipiga ang puso ko sa tuwing naaalala ko iyong babae na halos maligo sa sarili niyang dugo. "Panaginip lang iyon, teka lang kukuhaan kita ng tubig," sabi sa akin ni Andro bago siya mabilis na lumabas ng kwarto para kumuha ng tubig. Mayamaya ay bumalik na siya at inabutan ako ng isang basong tubig. Agad ko naman nakinuha iyon at ininom ko. Medyo kumalma naman ako nang makainom ako ng tubig. "Akala ko kung anong nangyari sa iyo kanina, naririnig kitang umiiyak kaya pumasok agad ako rito, nanaginip ka pala," sabi niya sa akin habang nakatitig sa akin. "I don't know if dream ba iyon or memory ko, para siyang totoong nangyari," sabi ko sa kaniya. Napabuntong hininga naman siya. "Huwag ko na masyadong isipin iyon," mahinang sabi niya. Tumango naman ako sa kaniya. "Anong oras na ba?" Tanong ko sa kaniya. "May alas quatro na rin ng madaling araw," sabi niya sa akin. "What's alas quatro?" Tanong ko. Napangisi naman siya bago umiling. "Mag-four A.M na," sagot niya sa akin. "Oh," sagot ko naman sa kaniya. "Gusto mo ba magkape?" Tanong niya sa akin. "Yeah, para makapag-ready na rin ako baka maaga dumaan si Robi rito," sagot ko. Tumango naman siya sa akin bago siya naunang lumabas nang kwarto ko. Ako naman ay inisip ko ang napanaginipan ko, inaalala ko ang mukha noong babae pero bigla ko iyong nakalimutan. Sumakit lang ang ulo ko sa kakaisip kaya naman tinigil ko na ang pagpipilit kong maalala. Ilang saglit lang din ang lumabas na ako nang kwarto, paglabas ko ay naabutan ko si Andro na nagtitimpla ng kami, dalawang tasa iyon, tig-isa kami. Napangiti naman ako sa kaniya. Ang sweet niya rin. Nang lumapit ako sa kaniya ay inabot niya sa akin iyong isang cup ng coffee. "Okay ka na?" Tanong niya sa akin. "Yeah," nakangiti kong sagot sa kaniya. "Kung hindi mo kaya na umalis ngayon ay sasabihan ko na lang si Robi," sabi niya pa sa akin. Umiling naman ako sa kaniya bago ako humigop ng kape. "Kaya po," sagot ko sa kaniya after ko makainom ng kape. Tumango naman siya sa akin, pero nakakunot noo pa rin siya para mukhang nangdududa pa rin siya sa sagot ko sa kaniya pero wala siyang magawa. Ilang saglit pa ay nag-ayos na rin para naman kapag dumating si Robi ay hindi na niya ako hihintayin at aalis na kami baka ma-late rin siya dahil sa akin. Nang makatapos na akong maligo ay sinuot ko lang ang simpleng pants and shirt na suot ko. Mukhang bago pa naman iyon kaya ayos na. Tsaka kahit sobrang simple noon ay bagay pa rin sa akin. Siniguro ko rin na maayos ang itsura ko dahil baka magkita kami ni Betty Girl doon, dapat ay mas maganda ako sa kaniya sa kahit na anong paraan. Nang dumaan sa bahay si Robi ay ayos na ayos na ako kaya naman nang makita niya ako ay todo ngiti siya. "Sana all maganda kahit simple lang ang suot, kahit walang make-up, kaya inis na inis sa iyo si Ma'am Betty, e," sabi sa akin ni Robi. Napangisi naman ako sa sinabi niya sa akin. "Insecure kasi siya sa akin," sagot ko naman. Tumawa lang si Robi sa akin. "Robi, tawagan mo ako kung may mangyari man, ha," sabi ni Andro na nasa likod ko. "Oo naman, Kuya," sagot ni Robi rito. "Let's go na ba?" Tanong ko kay Robi. "Tara na, Girl," sabi niya naman sa akin. Humarap naman ako kay Andro at ngumiti sa kaniya. "Aalis na kami," paalam ko sa kaniya. Tumango naman siya sa akin. "Kuya, alis na kami!" Paalam ni Robi rin. Tumango lang si Andro habang nakatingin sa amin. Lumapit naman sa akin si Robi at hinawakan niya ng braso ko bago kami sabay ba maglakad. Nang may dumaan na tricycle sa harap namin ay sumakay kami roon papunta sa resort kung saan nag-wo-work si Robi. Mga ilang saglit lang ay nandoon na kami ni Robi. Halos mapanganga naman ako sa ganda ng resort na iyon. Malaki iyon tapos ang ganda ng view. "Sino kasama mo Robi? Bagong endorser ba iyan?" Tanong noong guard nang madaanan namin. "Hindi po, mag-a-apply lang ito, pero pasok sa banga ito," sagot naman ni Robi. "Mas bagay ba endorser iyang kasama mo, artistahin, e, parang may kahawig na artista," sagot noong guard. Tumingin naman sa akin si Robi. "Hala, oo nga, Girl, may kahawig kang artista pero hindi ko maalala ko," sabi ni Robi. "Really?" Tanong ko. "Oo, Girl, iisipin ko kung sino kahawig mo," sabi niya sa akin bago kami magsimula ulit maglakad papasok sa loob ng resort. "Sino kasama ko, Robi?" Tanong noong lalaking nakasalubong namin mukhang empleyado rin ito dahil parehas sila ng uniform ni Robi. "Friend kong artista," pabirong sagot ni Robi. "Artista iyan o model?" Tanong noong lalaki. "Pwede both," sagot naman ni Robi. "Anong ginagawa mo rito?" Mataray na tanong ni Betty Girl nang makita kami nito. "Mag-apply po siya ng work, Ma'am," sagot naman ni Robi. Umikot naman ang dalawang eyeball ni Betty Girl. "Nasaan resume mo?" Mataray na tanong niya sa akin. Natigilan naman ako dahil wala akong dala noon. "Wala akong dala," sagot ko. "Mag-apply ka tapos wala kang dala, ang lakas naman ng loob mo," kunot noong sabi nito sa akin. "Hey!" Napatingin naman ako sa taong nagsalita, si Benedict iyon papalapit sa amin nakangiti ito sa amin, nakasuot ito ng color blue na long sleeve. Maayos ang buhok niya at mukha siyang fresh. "Hi," bati ko sa kaniya. "Magkakilala kayo?" Mataray na tanong ni Betty Girl. "Not really pa," sagot ko sa kaniya. "Ano pala ang sadya mo rito?" Tanong ni Benedict sa akin. "Sir, mag-apply po pala si Petchay ng work," sagot naman ni Robi. "Petchay?" Naguguluhang tanong ni Benedict. "Petchay name niya Kuya, ang weird 'di ba, tsaka mag-apply siya rito nang walang dalang resume," naiinis na sabi ni Betty Girl. Todo pigil naman ako sa sarili ko na mapairap ako sa harapan niya. Gusto ko magka-work kaya naman pipilitin kong maging mabait sa kaniya. "Mag-apply ka?" Tanong sa akin ni Benedict. "Yeah, pero mukhang hindi ako matatanggap, wala akong dalang resume," sagot ko naman. Agad naman na umiling si Benedict. "Okay lang iyon, huwag mo na isipin, kailangan talaga namin ng mga tao rito ngayon kaya tanggap ka na, bukas pwede ka na mag-start," sagot sa akin ni Benedict. Napangiti naman ako sa sinabi niya sa akin. "Really?" Tanong ko sa kaniya. "Kuya, bakit mo tinanggap agad iyan? Mamaya masamang tao iyan, e!" Inis na sabi ni Betty Girl. "Excuse me," sabi ko sa kaniya. Inirapan naman ako ni Betty Girl. "Hindi naman siya mukhang masamang tao, tsaka kailangan talaga natin ng mga dagdag na tao sa resort," sagot naman ni Benedict. Ngumuso naman si Betty Girl bago humarap sa akin at irapan ako tapos nagpapadyak na umalis. "Welcome sa Salvador Resort," bati sa akin ni Benedict. "Thank you!" "Robi, ako na bahala kay Petchay, pumunta ka na sa work mo," sabi ni Benedict kay Robi. "Okay po, Sir," sagot naman ni Robi. Nag-ba-bye naman sa akin si Robi bago umalis. "I-to-tour muna kita sa resort para bukas ay alam mo na ang pasikot-sikot dito," sabi ni Benedict sa akin. Tumango ako sa kaniya. Inikot nga ako sa resort ni Benedict, tinuro niya sa akin ang mga daan at mga facilities sa resort. Nang matapos na namin ikutin iyon ay pinayagan na niya ako umuwi, may inabot na rin siyang uniform sa akin para masuot ko na raw iyon bukas. "Ihatid na kita," sabi sa akin ni Benedict. "No thanks, okay na ako," sagot ko sa kaniya. "I insist," pagpupumilit niya. Napabuntong hininga naman ako bago ngumiti at tumango. Hindi ko rin kasi alam din kung paano umuwi, hindi ko pa alam ang pasikot-sikot dito baka maligaw pa ako or mawala ako. Hindi ko pa naman alam kung paano kontakin si Andro. Iniwan lang ako saglit ni Benedict dahil kukunin niya raw iyong konte niya. Nag-wait naman ako sa kaniya nang dumating na siya ay sumakay na ako. "I hope na mag-enjoy ka sa resort," sabi niya sa akin habang nagda-drive siya. "Thank you, sana nga," sagot ko sa kaniya. Natahimik na ulit kaming dalawa after noon. Hanggang sa makarating kami sa bahay ni Andro ay tahimik na kaming dalawa. "So, see you tomorrow," nakangiti niyang sabi sa akin. "See you tomorrow," sagot ko naman sa kaniya. Ngumiti lang siya sa akin. Ngumiti lang din ako bago bumaba bg kotse niya. "Thank you sa paghatid," sabi ko sa kaniya. "No worries, bye!" "Ingat!" Nang makaalis na siya ay nagsimula na akong maglakad papunta sa bahay ni Andro. "Ate Petchay!" Narinig kong tawag nang mga bata nang makita nila ako. "Hello!" Nakangiti kong bati rin. Mayamaya ay lumabas na rin sa bahay si Andro. "Ate, may trabaho ka na?" Tanong sa akin ni Lily. "Yeah, natanggap ako!" Masayang balita ko. Natatalon naman sa saya ang mga bata. "Kamusta?" Tanong ni Andro sa akin nang makalapit siya. "May work na ako!" Masayang balita ko sa kaniya. Nginitian niya naman ako. "Congrats!" "Thank you!" Sagot ko sa kaniya habang nakangiti. "Ate, ligo tayo sa dagat!" Pagyaya ni Daisy sa akin. "Oh! Let's go!" "Ha?" Sabay na tanong ng mga bata. "Sabi ko tara," nakangiti kong sabi. "A, kasi naman, Ate, nakakainis ka hindi ka nga namin maintindihan kapag nag-english, e!" Reklamo ni Lily sa akin. Natawa naman ako sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD