Chapter 8

1591 Words
Dapat ay kami lang talaga nila Andro at mga bata ang mag-su-swimming dahil napilit namin si Andro na sumali sa amin. Pero itong mapapel at epal na si Betty Girl, bigla na lang dumating sa house ni Andro tapos gusto na rin makisali sa amin. Kaya ayon iyong si Betty Girl makikisali sa amin, halos tumirik na ang mata ko kakairap nang marinig ko na sasama raw siya sa amin. Tapos iyong bruha may dala pa lang two piece, nasa kotse na dala niya raw. Mukhang ready na ready ang bruha. "Where's Betty Girl?" Tanong ko sa mga bata nang makalabas ako ng pinto ng bahay nila Andro. Nandoon silang tatlo sa labas at hinihintay nila ako, nauna kasi si Andro sa amin tapos si Betty Girl kumuha naman ng swimsuit niya raw. Baka kasi dumikit na iyon kay Andro. "Ano raw?" Rinig kong tanong ni Lily. "Betty Girl daw, e, baka sinasabi niya pangit si Betty Girl," nakangiting sagot naman ni Daisy. "Tama! Ang galing mo naman Daisy! Masayang sabi naman ni Rose. "Syempre kahit natutulog ako minsan naman nakikinig ako ng kaunti lang," sagot ni Daisy rito. "Oh, I'm sorry, what I me-- I mean, nasaan si Betty Girl?" Tanong ko sa kanila. "Ay mali ang pagkakaintindi ko," malungkot na sagot naman ni Daisy. "Ayan kasi puro ka tulog sa school, e," sabi naman ni Lily. "Hey, it's okay, nasaan si Betty Girl?" Tanong ko sa kanila. "Kukuha pa raw ng susuotin niya, hindi pa nga po bumabalik, e, baka dumeretso na iyon doon kay Kuya Andro," sagot naman sa akin ni Rose. Bigla naman akong naasar at nag-panic. "Where's Andro ba?" Tanong ko. Napakamot naman sa pisngi ang tatlong bata bago kunot noo akong tiningnan. "I mean, nasaan si Andro?" Tanong ko. "Ate An-dro, hindi kasi Andrew, ano ba iyan Ate Petchay, siguro may deperensya ka talaga sa dila," sabi sa akin ni Lily. Napangiti naman ako sa kaniya. "Sorry na naman po," sagot ko sa kaniya. "Ay, Ate kasi huwag ka na mag-english, hindi ka naman naiintindihan, e," naiinis na sabi sa akin ni Lily. Nangigil na pinisil ko naman ang pisngi niya. "I'll try me best!" "Hala," sagot agad ni Lily. Lalo naman akong natawa sa kaniya. "Tara na roon kay Andro baka mamaya nandoon na si Betty Girl," sabi ko sa kaniya. Nagtakbuhan naman si Rose at Daisy si Lily naman ay hindi nakisali sa mga kapatid niya sa halip ay sumabay ito sa akin. "Bakit hindi ka sumama kila Rose?" Tanong ko sa kaniya. "E 'di, ikaw naman walang kasama, malungkot kaya iyon, Ate," sabi niya sa akin. Napangiti naman ako sa kaniya. Na-touch ako sa sinabi niya sa akin. Kaya sa kanilang tatlo kay Lily talaga ako pinakamalapit kasi siya lagi ang kasama ko at hindi niya ako laging iniiwan mag-isa. "Thank you, Lily," nakangiti kong sabi sa kaniya habang naglalakad kami. Tumingala naman siya sa akin at tiningnan ako. "Bakit ka nag-thank you?" Inosenteng tanong niya sa akin. Nginitian ko lang ulit siya bago ko abutin ang kamay niya at hawak kamay kaming sumunod sa mga kapatid niya. Nang makalapit na kami roon kung nasaan si Andro na kasalukuyang nasa tabing dagat ay biglang uminit ang ulo ko nang makita ko si Betty Girl na halos lumingkis na sa braso ni Andro. Naka-two piece lang ang bruha at revealing iyong suot niya. Napatingin naman ako sa suot ko. Naka-shirt at shorts lang ako. Wala akong laban sa kaniya dahil wala akong two-piece. Pero syempre hindi ako papatalo sa babaing iyon. Tumigil ako sa paglalakad at binitawan ko ang kamay ni Lily. Nangtataka naman siyang tumingin sa akin. Tinanggal ko ang t-shirt kong suot kaya naman naka-bra na lang ako. Inayos ko ang sarili ko bago ko hubarin ang suot kong short kaya naman parang naka-two piece na rin ako. Mabuti na lang at maganda ang underwear ko at hindi mukhang luma iyon. "Hala! Ang ganda mo lalo, Ate, ang seksi mo!" Sigaw ni Lily habang nakangiting nakatingin sa akin. "Let's go, Lily," sabi ko sa kaniya bago ako naglakad papunta sa pwesto nila Andro. Nang makita ako ni Andro na papalapit sa kanila ay biglang nangunot ang noo nito. Naglakad siya pasalubong sa akin habang nakatulala niyang iniwan si Betty Girl. Nang ilang agwat na lang kami sa isa't isa ay tumigil na kaming dalawa. "Bakit wala kang suot na damit?" Tanong niya sa akin habang nakatitig ng masama. "Pang-swimming ko," sagot ko sa kaniya. "Hindi mo kailangan na ganiyan ang suot para mag-swimming lang," sagot niya sa akin. "But, gusto ko ito!" "Magdamit ka," walang buhay na utos niya sa akin. "Pero..." "Walang pero, magbihis ka na," kunot noong utos niya sa akin. "Ayoko nga!" Naiinis na sabi ko, naglakad na ako papunta sa dagat. Nakakaasar naman siya pinapangunahan niya ang gusto kong suotin, e, gusto ko talaga itong suotin. Tsaka ayoko magpatalo sa Betty Girl na iyon. Maganda ang body ko kaya wala dapat akong ikahiya. Para ngang pang model ang katawan ko, e. Nakailang hakbang pa lang ako ay may humila sa kamay ko pabalik. Kasunod noon at biglang pagsuot ng damit sa ulo ko. Nang maipasok sa ulo ko iyon ay sisinghalan ko na sana si Andro na siyang humila sa akin pero napanganga ako nang makita ko siya na naka-topless lang. Napatingin ako sa mukha niya pababa sa tiyan niya. Wow! Anim iyong pandesal niya. Ang ganda ng body niya, pantay pa iyong color niya. May maliliit na peklat si Andro pero mas nakakadagdag ng pagkahot niya iyon. Oh my gosh! Indeed! Siya lang ang bagay sa akin. We're perfect! "Hindi ka mag-su-swimming na ganiyan ang suot mo, mag-swimming ka na suot iyang t-shirts ko, at kapag tinanggal ko iyan sa katawan mo, hindi na kita aampunin," sabi niya sa akin bago siya naunang maglakad sa akin papunta roon sa mga batang nasa dagat na. Napakurap-kurap naman ako sa sinabi niya. Ano raw? Ampunin? Ano ako dog or cat? Ampunin talaga, hindi ba pwedeng girlfriend or asawa? "Hey! Hindi ako cat or dog, ha!" Sigaw ko sa kaniya. Hindi naman niya ako pinansin at tuloy-tuloy siyang naglakad papunta sa tabi ni Lily bago niya ito buhatin at ilagay sa leeg niya. Nakakainis naman, e! Nagpapadyak ako dahil parang dog or cat lang ang turing niya sa akin doon sa part na sinabi niyang hindi na niya ako aampunin. Nang makita ko si Betty Girl na lumapit kay Andro ay mabilis din naman akong lumapit papunta roon. Gusto ko man tanggalin ang damit na suot ko na lagpas hanggang sa gitna ng hita ko ay hindi ko magawa. Mas lalong hindi ko tanggap na hindi na ako aampunin ni Andro kaysa matalo ako ni Betty Girl sa pag-display niya ng body niya. Alam ko naman sa sarili ko na mas maganda ang body ko kaysa sa kaniya. Walang-wala siya sa akin. "Ate, bakit suot mo iyang damit ni Kuya Andro?" Tanong naman ni Daisy sa akin. "Sinuot niya sa akin," sagot ko naman. "Bakit Ate? Baby ka ba ni Kuya Andro?" Tanong sa akin ni Daisy. Napalingon naman ako sa kaniya at pinigilan ko ang ngiti ko. "Maybe yes," kagat labi kong sabi dahil sa pagpipigil ko sa ngiti ko. "Ang laki mo naman na baby, Ate," sabi ni Daisy sa akin. "Okay lang iyon," sagot ko sa kaniya. "Baby ka nga niya? Sino Mama mo?" Tanong niya sa akin. Napangiwi naman ako sa kaniya. "My mom? I don't know," sagot ko. "Hindi ba, pangalan mo iyong I don't know?" Tanong ulit niya sa akin. "Ha?" "Iyon kasi sabi mo sa amin noon, e." "I mean, hindi ko alam kung nasaan ang Mama ko," sagot ko sa kaniya. "E 'di, hindi ka baby ni Kuya Andro kasi wala kang Mama," sabi niya sa akin. "Pwede naman na baby ako kahit wala akong Mama, a." "Paano iyon?" "Maligo ka na lang, hindi ko na alam isasagot ko sa iyo, huwag ka na lang matulog sa school mo para alam mo, ha?" sabi ko sa kaniya. Napanguso naman siya. "Ate, masarap kasi matulog doon sa pwesto ko tapos ang hangin pa, tapos iyong boses ng teacher ko sobrang hina para niya akong pinapatulog kapag nagsasalita siya," sagot niya sa akin. "Swimming ka na," sabi ko sa kaniya. Tumango naman siya sa akin bago siya magsimula mag-swimming at makipaglaro kay Rose. "Ang pangit ng outfit mo!" Napatingin ako sa gilid ko nang may nagsalita roon nang makita ko na si Betty Girl iyon ay ngumiti ako sa kaniya at hinawakan ko ang laylayan ng suot kong damit habang nakatingin sa kaniya. "It's okay lang kung pangit ang outfit ko, at least galing kay Andro," sabi ko sa kaniya. Bigla naman nangunot ang noo niya. "Kaya niya iyang binigay sa iyo kasi nga ang sakit sa mata ng suot mo kanina," nakangisi niyang sabi sa akin. "Kahit anong suotin ko maganda ako, ikaw maganda ka ba?" Nakangisi kong tanong sa kaniya. Bigla naman namula ang mukha niya habang nakatingin ng masama sa akin. "You know what, hindi ka magtatagal sa trabaho mo!" Inis na sabi niya sa akin. "Well see," sagot ko naman sa kaniya. "Isusumbong kita sa Mommy ko na itanggal ka!" "So, kailangan mo pa pala magsumbong, kawawa ka naman pala," nakangisi kong sagot sa kaniya. Lalo naman siyang nainis sa akin. "Hindi magiging madali ang buhay mo sa resort!" "Then, well see!" "Pahihirapan kita!" "Try me!" "Ah!" Inis niya sabi bago ako talikuran. Natawa naman ako sa kaniya. Masyado siyang pikon at madaling magalit. Walang-wala talaga siya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD