Chapter 9

1851 Words
Kinaumagahan ay maaga akong nagising at kumilos dahil papasok na ako sa work ko. Dadaanan daw ako ni Robi para raw sabay kaming dalawa na pumasok sa work. Si Andro naman noong nagising ako ay halos kararating niya lang galing sa pangingisda niya. Halatang pagod din siya kaya nagpahinga lang siya ng kaunti bago siya natulog doon sa kwarto. Roon ko na siya pinahiga kasi naaawa siya roon sa sofa. Pero bago siya matulog ay sinabihan niya ako na mag-ingat ako sa work ko at tumawag daw ako sa kaniya kung may problem ako. Nang maliwanag ang ang paligid ay nakaayos na rin ako, suot ko na rin iyong uniform na color blue tapos iyong tokong na lagpas sa tuhod ko. May suot din akong rubber shoes na hiniram ko lang kasi wala akong susuotin pa, kapag nagkasahod ako bibili na agad ako. "Hello, Ganda, tara na?" Bati at pagyaya sa akin ni Robi nang nakita niya ako sa labas ng bahay ni Andro. "Let's go!" Nakangiti kong sagot sa kaniya. "Alam mo, hindi ka mukhang empleyado, para kang endorser ng resort, ang ganda-ganda mo tapos ang puti mo pa, ang kinis mo rin, tapos iyang mukha mo parang hiyang-hiya ang mga pimples!" Puri niya sa akin habang naglalakad kaming dalawa papunta roon sa sakayan ng tricycle. "I know right, mas maganda ako roon kay Betty Girl kaya," sagot ko sa kaniya. Natawa lang siya sa akin. "Oo na nga ikaw na nga ang pinakamaganda sa isla na ito!" "Well, ako lang ito!" "Alam mo girl kapag tinititigan kita may hawig ka kay Crisler Canaleja," sabi niya sa akin. Bigla naman akong napatigil at biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Bago may mabilis na nag-flash ng memory ko. Blurred pa iyon. May lalaki akong inaaway habang siya ay inaasar ako. "Hoy, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Robi. "Medyo sumakit lang ang ulo ko," sagot ko habang nakahawak sa ulo ko. Medyo kumirot nga talaga iyon. "Hala, bakit?" "I don't know," sagot ko sa kaniya. "May naalala ka?" Tanong niya sa akin. "May nag-flash lang ng memory ko pero hindi ko pa rin makita ang mukha," sagot ko naman. "Ay, ganoon, okay lang iyan, huwag mo na lang pilitin muna, babalik naman daw iyan, 'di ba?" "Yeah, medyo sumakit lang ang dibdib ko pati ulo ko noong nabanggit mo si Crisler C-Canaleja," sagot ko. Ang weird nang naramdaman ko kasi parang may kakaiba akong nararamdaman kapag binibigkas ko ang Canaleja. "True naman kasi, kapag tinitigan ka kasi lalo na sa malapitan, may hawig talaga kayo, crush na crush ko pa naman iyon, kaso may asawa na," malungkot na sabi ni Robi. "Really? Kamukha ko siya, feel ko hindi ko siya kamukha, I think kahit hindi ko pa siya na meet mas maganda ako sa kaniya," sagot ko sa kaniya. "Pero seryoso nga kasi, baka kamag-anak mo siya?" Tanong sa akin ni Robi. "I don't think so, malabo naman yata iyon mangyari," sagot ko. "Sabagay, pero kung kamag-anak mo siya, tapos nagkaalaala ka na pakilala mo ako sa kaniya, ha, gusto ko magpa-picture sa kaniya tapos mayakap ko siya, gustong-gusto rin siya noong mga bata!" Excited na sabi sa akin ni Robi. "If magkamag-anak nga kami, why not," sagot ko sa kaniya. Pumalakpak naman siya. "Kaya saya mo maging friend, e, wish ko talaga kamag-anak ka niya, balita ko may kapatid na babae iyon, iyong bunso raw nila, model naman daw iyon. Nakita ko na iyon sa magazine, day, sobrang ganda rin, napakadiyosa, kahawig mo nga rin, e, lagyan ng make-up at bihisan ka lang din ng magandang damit," kwento niya sa akin. Bigla naman akong nakaramdam ng kakaiba habang nag-kwento siya. "Tapos alam mo ba, iyong kuya nila! Naku, pak na pak talaga, sobrang gwapo rin! Balita ko wala pang asawa iyon kaya may chance ako!" "You think papatulan ka noon?" Deretsong tanong ko sa kaniya. Agad naman nabura ang ngiti niya at tiningnan ako ng masama. "Girl, alam ko maganda ka at malayo ang agwat nating dalawa pero huwag mo naman ipamukha lalo sa akin na hindi ako papatulan ng isang Canaleja Boys, I mean, boy na lang isa na lang single, e," sabi niya sa akin. Natawa naman ako sa kaniya at napailing ako. Mukhang fan na fan siya ni Crisler Canaleja kasi marami siyang alam at kwento tungkol doon. Hanggang sa makasakay nga kami sa tricycle at makarating sa resort ay si Crisler Canaleja ang bukang bibig niya, ako naman ay halos mapairap na dahil sa kwento at pagpuri niya sa lalaking iyon. I don't know ba pero naaasar ako sa kaniya kahit na hindi ko naman siya kilala. Para bang normal sa akin iyong inis na naramdaman ko kapag naririnig ko ang name niya lalo ka kapag pinupuri siya. Nang makapasok na kami sa loob ng resort ay doon lang natigil sa pagdaldal si Robi tungkol kay Crisler Canaleja. "Girl, samahan muna kita sa office ni Sir Benedict," sabi sa akin ni Robi habang nasa locker room kami at iniiwan namin ang mga gamit naming dalawa sa locker namin. "Okay," sagot ko sa kaniya. After namin mailagay ang gamit namin ay umalis na kaming dalawa ni Robi. "Bagong empleyado ba iyan, Robi?" Tanong noong nakasalubong naming babae na mukhang may edad na, siguro mga fifties. "Opo, Ate Lina, si Petchy po bagong empleyado, Petchy si Ate Lina, housekeeping dito," pagpapakilala ni Robi. Ngumiti naman ako kay Ate Lina. "Hello po!" "Ganda namang bata nito ni Petchy, mukhang model, e," sabi nito. Ngumiti lang naman ako sa kaniya. "Thank you," sagot naman. "Sige na po, Ate Lina, pupunta pa po kami sa office ni Sir Benedict," paalam naman ni Robi. "A, sige!" "Mababait ang mga tao rito, lalo na mga kasamahan natin, may ilang mga pangit, kasi pangit ang ugali pero karamihan naman ay mababait sila," sabi sa akin ni Robi habang naglalakad kami papunta sa office ni Sir Benedict. Iyong office niya ay malayo sa locker room namin, nasa first floor ang locker room namin tapos nasa fifth floor naman ang office ni Sir Benedict. Malaki itong resort nila at sobrang ganda talaga ng view kaya naman dinadayo talaga ito ng mga turista. "Malamang isa sa mga pangit si Betty Girl," sabi ko naman. Tumawa naman si Robi sa akin. "Naku, Girl, ingat ka, may mga ilang sipsip din dito mamaya mapag-initan ka pa," paalala sa akin ni Robi. "I don't care, tsaka nagsasabi lang naman ako ng totoo, a," sagot ko naman sa kaniya. Tinawanan lang ako ni Robi, natigil lang ang pagtawa niya noong nasa tapat na kami ng office ni Benedict. Kumatok doon si Robi at nang pagbuksan kami ng pinto ay una kong nakita agad si Betty Girl na masama ang tingin sa akin. Nginitian ko lang naman siya ng peke. Pasalamat siya at anak siya ng may-ari ng resort. Well, maganda pa rin naman ako sa kaniya kahit anak pa siya ng may-ari ng resort. "Good morning, Sir," bati namin ni Robi habang nakatingin kay Sir Benedict. "Good morning," nakangiting sagot naman nito sa amin bago nito ibaling ang tingin sa kapatid niya. "Sige na, umalis ka na, mamaya na lang ulit tayo mag-usap," sabi ni Benedict kay Betty Girl. Ngumuso naman si Betty Girl bago ako irapan at umalis sa office ng Kuya niya. Pigil naman akong mapangisi sa kaniya. "Welcome, Petchy," sabi sa akin ni Sir Benedict. "Thank you," sagot ko naman. "Doon ka muna sa front desk, samahan mo roon si Robi, siya ang magtuturo sa iyo ng mga gagawain mo rito," sabi pa ni Sir Benedict. "Okay po," sagot ko naman. "Kapag may problema ka magsabi ka lang, huwag kang mahihiya," bilin niya pa. Tumango naman ako sa kaniya. "Sige na, makakaalis na muna kayo, and Petchy, enjoy ka lang, goodluck!" "Thank you, Sir," sagot ko naman. Ngumiti lang naman siya sa akin. Naramdaman ko naman na parang kinikilig si Robi na nasa tabi ko kaya naman pasimple ko siyang siniko. "Robi, samahan mo na si Petchy," utos ni Sir Benedict kay Robi pero mukhang nag-day dream pa siya kaya naman malakas ko siyang siniko. Bigla naman siyang natauhan at napahawak sa siniko ko na malapit sa dibdib niya. "A-ano po, Sir?" Tanong ni Robi habang hawak nito ang siniko ko. "Samahan mo na si Petchy, at ituro mo na iyong mga dapat niyang gawin," sagot naman ni Sir Benedict. "Okay po," nakangiting sagot ni Robi. "Let's go?" "Lalabas na po kami," paalam ni Robi, tumango naman si Sir Benedict. "Grabe ka girl ang sakit noong siniko mo," sabi sa akin ni Robi pagkalabas namin ng office ni Sir Benedict. "You kasi para kang nag-day dreaming!" "Ang pogi kasi ni Sir, tapos kanina noong ngumiti kitang kita iyong dimple niya," sagot ni Robi habang kinikilig pa ito. "Akala ko ba si Crisler Canaleja ang crush mo?" "Bawal na ba magka-crush sa iba?" Tanong niya sa akin. "I don't know," sagot ko naman. "Tara na nga marami pa akong ituturo sa iyo," sagot niya sa akin. Naglakad na kami papunta sa front desk, tinuruan niya ako ng gagawin ko roon lalo na kung may mga costumers kami. Tinuruan niya rin ako sa pag-ayos ng mga tuwalya at bathrobe na needs ng mga costumers. Tapos pinakita niya rin sa akin iyong sa pag-serve naman ng mga drinks. Bali parang all around daw kasi kami rito lalo na ngayon daw na kulang pa sa tao. Noong nag-try ako sa mga gawain ay puro palpak ako, hindi ko kasi alam gawin talaga, parang sa kanila ay ang dali-dali pero pagdating na sa akin ay hirap na hirap na ako. Iyong sa pag-serve nga lang ng drinks ay nakadalawang basag na ako. Natapos ang araw ko na wala akong nagawang maayos pero naging mabait naman sa akin si Robi at Sir Benedict. Sinabi nila na baka nag-adjust pa ako at sa huli ay masasanay rin daw ako. Bagsak ang balikat ko habang naglalakad kami ni Robi papunta sa gate ng resort. Napagod kasi ako tsaka medyo nakahiya rin iyong mga kapalpakan ko. "Si Kuya Andro ba iyon?" Narinig kong sabi ni Robi. Bigla naman ako napaayos ng tayo at nabuhayan ng dugo. At nang makita ko na si Andro nga iyon ay napangiti naman agad ako at parang nawala lahat ng pagod ko. Lalapit na sana ako pero napatigil ako at nawala ang ngiti ko nang makita ko si Betty Girl na mabilis na lumapit sa kaniya at yumakap. Napanguso naman ako at bumagsak ulit ang balikat ko. Akala ko ako ang pinuntahan niya rito pero parang iba naman, e. "Bilisan na natin umuwi, na-miss ko na sila Lily," sabi ko kay Robi naman. "Hindi ka na lalapit ka Kuya? Baka ikaw sadya niyan," sagot naman ni Robi. "Hindi na, tsaka magkikita naman kami sa bahay," sabi ko sa kaniya habang nakanguso ako. "Okay," sagot sa akin ni Robi. Nang makasakay na kami ng tricycle ay tumingin akong muli sa pwesto ni Andro. Nakangiti na siyang nakikipag-usap kay Betty Girl. Lalo naman akong napanguso. Akala ko pa naman ako ang pinuntahan niya pero mukhang iba yata talaga ang sadya niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD