Chapter 10

1669 Words
Pasensya na po sa error at typos po nito, hindi pa po na-edit. Hindi ko na po keri. Antok na antok na po ako, at katatapos ko lang ito i-type, enjoy reading po. xxxxx "Maaga ka bang umuwi kanina?" Kunot noong tanong sa akin ni Andro nang makauwi na siya sa bahay. "Ha? O-oo," sagot ko sa kaniya na hindi makatingin ng tuwid sa mga mata niya. Nauna lang ako sa kaniya siguro ng ilang minuto bago siya dumating. "Hindi mo ba ako nakita kanina?" Tanong niya sa akin habang nakakunot noo pa rin siya. "Ha? Hindi, if nakita kita lalapitan naman kita, right?" "Oo, pero sure ka?" Duda pa rin siya sa sagot ko sa kaniya. Mukha ba akong liar, yeah, I know nagsinungaling ako pero na halata niya ba? "Oo nga, why ba?" Tanong ko sa kaniya. Bumuntong hininga lang siya sa akin bago ako lagpasan at dumeretso siya sa kusina. So, what now? May tama rin yata sa utak itong si Andro, e. "Ate Petchay!" Napalingon agad ako sa pintuan nang pumasok doon ang mga bata. Ngayon lang sila nakapunta kanina ay busy raw sila sa pagdidilig sa mga halaman nila. Ngumiti naman agad ako sa kanila nang makita ko sila. "Ate, kamusta iyong trabaho mo?" Tanong sa akin ni Rose. "Okay naman," sagot ko sa kaniya habang nakangiti. "Sabay ba kayo umuwi ni Kuya Andro?" Tanong naman sa akin ni Daisy. Napakunot noo naman ako sa kaniya. "Hindi, e, wh-- I mean, bakit?" Tanong ko naman. "Kasi umalis siya kanina, susunduin ka raw niya sa trabaho mo," sagot naman sa akin ni Lily. Napatanga naman ako sa kanila. Bago tumingin kay Andro na busy sa pagluluto sa kusina. Parang wala yata ulit siyang balak mangisda ngayon. "Really? Bakit hindi niya sinabi sa akin? Akala ko si Betty Girl pinuntahan niya," sagot ko naman. "Hindi naman, gusto iyon ni Kuya, e, ikaw kaya ang pinuntahan niya roon, e," sagot naman ni Lily. "Sabi pa nga niya, susunduin ka raw kasi raw baka maligaw ka raw o kaya may mangyaring masama raw sa iyo," dagdag naman ni Daisy. "But, I asked him," mahinang sagot ko. "Ano raw?" "Ate, nakakainis ka talaga," sagot naman sa akin ni Lily. "Oh, sorry!" "Ate, dapat lagi ka na magtagalog, ha," sabi naman sa akin ni Rose. "Okay, I tr-- I mean susubukan ko," sagot ko naman. "Ate, sana bukas mas maaga ka makauwi, kasi ngayon pagabi na, e, mamaya tatawagin na kami ni Kuya," sabi sa akin ni Lily. "Susubukan ko bukas na agahan ko makauwi," sagot ko naman. "Hintayin ka namin, Ate, ha," sabi naman ni Daisy. Tumango naman ako sa kanila bago ako ngumiti. Nakipag-kwentuhan pa sila sa akin hanggang sa tawagin ba sila ng Kuya nila. Sakto na rin na tinawag na rin ako ni Andro para mag-dinner na kaming dalawa. "Hmm, pinuntahan mo pala ako sa resort?" Tanong ko sa kaniya. Sinulyapan niya naman ako saglit bago niya ibalik ulit ang atensyon sa kinakain niya. "Napadaan lang ako," maikling sagot niya. Tumango naman lang ako sa kaniya kasi parang wala siya sa mood, e. May sumpong yata siya ngayon at nagsusungit siya. "Kamusta unang araw mo?" Tanong niya sa akin. "Okay naman, puro palpak nga lang ako," sagot ko. Napakunot noo naman siya sa akin. "Bakit naman?" Tanong niya sa akin. "May mga gawain kasi talaga akong hindi ko knows, e, well halos lahat hindi ko talaga alam, may problem na yata sa akin," sabi ko sa kaniya habang nakanguso. "Kaya mo pa ba magtrabaho?" Tanong niya sa akin habang seryoso ang mukha niya. "Kaya ko pa, and I believe na makakaya ko na rin iyon, soon!" "Kapag hindi mo na kaya, okay lang naman na mag-resign ka na," sabi niya sa akin. Mabilis naman akong napailing sa kaniya. "No! I want this job!" "Okay, pero kapag hindi mo nga kaya, mag-resign ka na, ayos lang naman iyon." "But, nakakahiya sa iyo, wala akong ambag," sagot ko sa kaniya. "Hindi naman importante iyon, e," sabi niya sa akin. "Kahit na nakakahiya pa rin kaya," sagot ko naman sa kaniya habang nakanguso ako. Napabuntong hininga naman siya sa akin bago siya magsimula uling kumain. Pagkatapos namin kumain ay nag-insist na ako na ako ang maghugas ng plate, ayaw niya pa sana pero sa huli ay pumayag na rin siya. Marahan kong hinuhugasan ang mga pinagkainan namin habang si Andro naman ay lumabas ng bahay niya. Mga ilang minuto rin bago ako matapos sa paghuhugas pero wala namang nabagsag kahit na isa, muntik lang pero wala pa rin. Hindi gaya noong una na halos lahat ng hawakan ko ay nababasag ko. Nang matapos na akong maghugas ay tumingin ako sa bawat sulok ng bahay ni Andro, pero wala siya roon kaya naman. Ginawa ko ay lumabas ako ng bahay. Mula sa liwanag na galing sa bahay ni Andro ay nakita ko siyang nakaupo sa bangka niya habang nakatingin sa nga bituin sa langit. Malungkot na naman ang mata niya habang nakatingin doon. Bigla rin akong nakaramdam ng lungkot dahil sa nakikita ko sa kaniya. Napabuntong hininga naman ako, naalala niya siguro ang wife niya. Ang swerte naman ng wife niya kasi kahit wala na siya ay halatang mahal pa rin siya ni Andro. Nang hindi na ako makatiis ay marahan akong lumapit sa kaniya. Mukhang hindi niya ako napansin dahil nakatitig pa rin siya sa mga bituin sa langit. "Gabi na at malamig na, bakit lumabas ka pa?" Biglang tanong niya. Nagulat naman ako dahil nakatalikod siya sa akin at paano niya nalaman na nasa likod niya ako. Baka may iba pa siyang kausap, or kausap niya iyong wife niya? "Pumasok ka na sa loob, Petchay," sabi niya. Kaya naman napakurap-kurap ako. "Hala, paano mo nalaman na nandito ako?" Tanong ko sa kaniya. "Naramdaman kita," simpleng sagot niya sa akin bago siya lumingon. "FBI ka ba?" Tanong ko sa kaniya. Nakita ko naman ang pagngisi niya. Bago siya magkibit balikat. "Hala, hindi nga? Or criminal ka?" Tanong ko sa kaniya. Paano kung criminal siya tapos mudos lang niya na patirahin ako sa bahay niya tapos habang natutulog ako bigla siyang may masamang gawin sa akin. "Hindi ako masamang tao," sagot niya sa akin. "Sure ka?" "Oo," nakangisi niyang sagot. Lumapit naman ako sa kaniya at tumabi sa pwesto niya. "Bakit nga alam mo na nandoon ako? Hindi naman maingay iyon walk ko," curious na tanong ko sa kaniya. "Naramdaman ko nga presenya mo," simpleng sagot niya sa akin. "Ang galing mo naman," bilib na sagot ko. Ngumisi lang siya sa akin. "Pumasok ka na sa loob malamig na rito," sabi niya sa akin. Umiling naman ako. "Sasamahan muna kita," sagot ko sa kaniya. Natahimik naman siya kaya naman napalingon ako sa kaniya, nakita ko na nakapikit ang mga mata niya. Napangiti naman ako habang nakatitig sa kaniya. Ang hot kasi niya! "Bakit ka pala nandito?" Tanong ko sa kaniya. "Nagpapahangin lang," sagot niya sa akin. "Or may naalala ka lang?" Bigla naman siyang napadilat ng mata at sinalubong ang tingin ko, napaiwas naman agad ako sa tingin niya sa akin. "Ano?" Tanong niya sa akin. Mabilis ko naman tinuon ang tingin ko sa madilim na dagat. "Ang ganda pala ng dagat kapag gabi, madilim," bigla kong na sabi. Mabilis ko naman siyang sinulyapan. Nakita ko na napataas ang dalawa niyang kilay sa akin. "Tapos ang sarap ng hangin, nakakaantok at presko pa," sabi ko pa. "Pumasok ka na sa loob, baka ginawin ka pa, tsaka maaga pa ang pasok mo bukas," sabi niya sa akin. "Samahan nga kita, bahala ka riyan," sagot ko naman. Napailing naman siya sa akin. Bago siya tumayo at tumingin sa akin. "Tara na," sagot niya sa akin ngumiti naman ako sa kaniya. Sabay kaming dalawang pumasok sa loob ng bahay niya. "Matulog ka na, maaga ka pa bukas," utos niya sa akin. "Ikaw ba?" Tanong ko sa kaniya. "Mamaya-maya ako, sige na magpahinga ka na muna," sabi niya pa. "Okay, good night!" "Good night," sagot niya sa akin. Nginitian ko naman siya. Pumasok na ako sa kwarto ko at humiga na sa kama ko. Ipinikit ko na rin ang mga mata ko dahil sa pagod na rin ako sa araw na ito ay mabilis akong nakatulog. "Daddy, gusto kong pumunta roon, birthday ni Kyra iyon!" "Anak, hindi nga pwede, delikado ngayon!" "Daddy malaki na ako!" "Cor--" Bigla akong napabangon naman sa pagkakasubsob ko, napahawak ako sa noo ko at may nahawakan ako roong malagkit ba likido. Nang makita ko iyon ay nakita ko na kulay red iyon. May dugo sa noo ko. Nanglalabo ang mata ko na lumabas ako ng kotse kung saan ako nakasakay kanina. Pagkababa ko ay napahawak agad ako sa kotse dahil sa hilo na naramdaman ko. "T-tulungan mo ako!" Narinig ko na boses ng babae, para itong nanghihina na. At nang makita ko itong nakahiga sa kalsada at halos maligo sa sariling dugo ay bigla na naman akong napaatras. Tinaas nito ang kanang kamay niya na parang inaabot sa akin. "T-tulongan mo ako," nanghihinang sabi nito sa akin. "Oh my gosh!" Bulalas ko. "Tulong!" Pagmamakaawa nito sa akin. Nang titigan ko ang mukha ng babae ay siya rin iyong nakita ko noon sa panaginip ko. "Oh my gosh, nanaginip na naman ako, wake up! Wake up!" sabi ko sa sarili ko. Habang nasa gitna ako ng kalsada ay may bigla na lang sasakyan ang dumaan at mabilis ang patakbo nito. Bigla akong napabangon sa pagkakahiga ko dahil sa panaginip ko, hiningal ako at pawisang-pawisan ako. "Panaginip lang iyon!" Pagkombense ko sa sarili ko. "Hindi iyon totoo!" Napatingin ako sa paligid ko maliwanag na rin kaya naman bumangon na agad ako sa kama para maghanda sa pagpasok ko sa work ko. Habang naghahanda ako ay bigla kong na-isip iyong babae sa panaginip ko, lagi ko siyang nakikita. Sino siya? At bakit ganoon na lang ang nararamdaman ko sa tuwing naalala ko siya. Parang kung may ano sa dibdib ko na sumasakit sa tuwing naalala ko siya. Panaginip ba iyon o totoo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD