Chapter 11

1483 Words
Mahigit isang linggo na rin simula noong nag-work ako sa resort nila Betty. Medyo maayos naman at nakaka-adjust na ako ng kaunti pero iyong si Betty Girl, siya yata talaga ang witch sa resort na iyon kasi siya ang pahirap sa buhay ko. Gustong-gusto yata talaga noon na mawala ako sa resort nila. Kung anu-ano na nga pinapagawa sa akin, minsan nga gusto ko na lang lunurin sa dagat. Nakakainis siya pati iyong pagmumukha niya. Si Andro naman ay lagi naman niya akong nasusundo tuwing uwian namin. Natutuwa nga ako sa kaniya kasi feeling ko may gusto na siya sa akin. Okay lang naman sasaluhin ko naman siya. Kaya lalo rin mainit ang ulo sa akin ni Betty Girl kasi hindi na talaga siya pinapansin ni Andro. "Girl, mamaya pa ako uuwi, overtime ako, may gagawin pa kasi ako," sabi sa akin ni Robi nang pumasok siya sa locker room namin. "It's okay, may masasakyan naman, e," sagot ko sa kaniya. "Keri mo na ba, girl?" Nag-aalalang tanong niya sa akin. Nakangiting tumango naman ako sa kaniya. "Sabagay baka nga sunduin ka na naman ni Kuya, kaya keri mo na iyon!" Nakangiti niyang sabi sa akin. Nginitian ko rin naman siya. "Baka nga hindi niya ako masundo," sagot ko sa kaniya. "Ay, bakit girl?" Tanong naman sa akin ni Robi. "Feel ko lang, kasi malay mo busy rin siya," sagot ko naman. "Kung hindi ka masusundo, sumakay ka na lang agad ng tricycle. Bilisan mo na lang kasi baka mamaya wala ka nang masakyan," sabi sa akin. "Okay, mauna na ako sa iyo!" Paalam ko sa kaniya nang maayos ko na ang gamit ko. "Sige, ingat ka girl," sagot naman niya sa akin. Tumango naman ako sa kaniya bago ako maglakad palabas ng locker room namin. Nang nasa gate na ako ay may nakita agad akong tricycle. Lumingon-lingon muna ako sa paligid baka kasi nandoon si Andro, pero wala roon ang anino ni Andro kaya naman sumakay na ako sa tricycle. Busy nga yata siya ngayon. May butas kasi iyong boat niya, kanina niya pa inaayos iyon noong alis ko baka hindi niya pa rin natatapos ayusin. Habang nakasakay ako sa tricycle ay biglang umulan pero hindi naman ganoon kalakas. Napabuntong hininga lang ako nakasakay sa tricycle. Okay lang na mabasa ako mamaya kasi pauwi na naman ako. Habang umaandar iyong tricycle ay bigla na lang may kotse na mabilis na nagpatakbo hanggang sa harapan namin, kaya naman napapreno si Kuya Driver. "What happened, Kuya?" Tanong ko naman sa driver ng tricycle. "Itong kotse kasi Madam bigla na lang tumigil, lasing yata ito, e," sagot sa akin noong driver. Mayamaya ay may bumaba na lalaki sa loob ng kotse. Mga naka-black suit sila tapos ang lalaki pa ng body nila. May apat na lalaki roon na bumama at lumapit sa amin. "Nakita ka rin naman, Miss Corrine," sabi noong isang lalaki na nasa tapat na ng pinto noong tricycle, nababasa sila ng ulan pero wala silang pakialam kung nababasa sila. "Who are you?" Tanong ko sa kaniya. "Matagal ka nang hinahanap ni Boss," s**o nito sa akin. "Who's your boss?" "Sumama na lang po kayo," sabi nito nang akmang hahawakan nito ang wrist ko ay pumalag ako. "No! I don't!" Sigaw ko pero mabilis nitong hinuli ng wrist ko. Akmang tutulungan ako ng driver ng bigla na lang lumapit ang isang lalaki sa kaniya at tinutukan siya ng baril kaya naman na patigil ito, pati ako ay nagulat. Pwersahan naman akong nilabas sa tricycle. "Hey! Let me go!" Sigaw ko sa kanila. Basang-basa na rin ako ng ulan. "Sumama ka na lang po para hindi ka na masaktan pa," sagot nito sa akin habang hinihila ako. Pumapalag naman ako pero mas malakas sa akin ang humihila sa akin papunta roon sa kotse. Nang malapit na akong maisakay sa kotse ay may bigla na lang may kumuha sa kamay na nasa wrist ko tapos malakas nitong sinipa ang lalaking may hawak sa akin. Agad naman ako napatingin dito. Nakatalikod siya sa akin pero sa build ng katawan niya ay alam ko na si Andro iyon. Naka-black shirt siya. At basang-basa na rin ito. "Pare, huwag ka na makialam dito," sabi noong isang lalaki na gusto kumuha sa akin. "Sino kayo? Mga dayo kayo rito," seryosong sagot ni Andro sa kanila. "Wala ka nang pakialam! Huwag ka nang sumali pa rito kung ayaw mong masaktan," sagot naman noong isang lalaki na kinuha na nito ang baril niya sa suit niya. Narinig ko naman ang pagngisi ni Andro. "Kayo ang binabalaan ko, umalis na kayo rito at huwag nang babalik pa," sabi naman ni Andro. Nakita ko naman na nagngisian ang mga lalaking nasa harapan namin. Nang laki ang mata ko ng tinutok noong isang lalaki ang baril niya kay Andro. Napatakip ako sa mata ko nakita ko na kakalabitin na nito ang gatilyo. Naghintay ako ng may tumunog na putok ng baril pero wala akong narinig kaya naman tinanggal ko ang pagkakatakip ng kamay sa mata ko. Halos mapanganga ako sa makita ko. Hawak ni Andro iyong baril at wala na iyong load. Iyong mga bala ay nahulog na sa kalsada tapos hawak na ni Andro ang baril noong lalaki. "Wow!" Mahina kong sabi habang manghang nakatingin kay Andro. Nagulat na lang ako ng sumugod sa kaniya ang isang lalaki pero mabilis si Andro at naiwasan niya iyon. Sa halip ay napatumba pa niya iyong lalaki na sumugod sa kaniya. Sunod na sumugod naman ay iyong dalawang lalaki, sabay itong sumugod kay Andro. Akala ko ay matatamaan nila si Andro pero nagkamali ako dahil mas mabilis kumilos si Andro, walang hirap niya rin itong napatumba. Mga walang malay ang mga ito sa kalsada. Galit naman na sumugod ang isang lalaki na humila sa akin. Kinuha na nito ang baril niya at binaril si Andro pero naiwasan niya iyon, napahawak naman ako sa tainga ko dahil sa putok ng baril. Ilang beses pinaputukan si Andro pero hindi siya natamaan, hanggang sa maubos na iyong bala ng baril ay hindi man lang natamaan si Andro. Nang si Andro na ang sumugod ay mabilis niyang sinuntok ang lalaki, tinamaan ito sa mukha at sa huling suntok ni Andro ay napatulog nito ang lalaki. Nang tumalikod na si Andro rito ay lumapit siya sa akin habang ako ay halos mapanganga sa kaniya. "Wow! Paano mo na gawa iyon?" Tanong ko sa kaniya. "Tara na umuwi na tayo," sagot niya sa akin bago niya ako hilahin papunta roon sa tricycle na sinakyan ko kanina. Nagsabi naman agad siya sa Driver na ihatid kami sa bahay niya, agad naman na umalis kami at iniwan iyong mga lalaking walang malay. Nang makauwi kami ay pumasok agad kami sa bahay, pinag-shower niya naman ako agad. After ko mag-shower ay siya naman iyong naligo. Naghihintay lang ako sa kaniya sa may sala niya nakaupo lang ako roon at iniisip ko ang nangyari kanina. Corrine. Tinawag akong Corrine kanina, pangalan ko ba iyon? Ako ba iyon? Kilala ba talaga ako noong mga lalaking iyon? Pero bakit sila may baril? Bakit pwersahan nila akong sinasama sa kanila. "Ayos ka lang?" Napatingin ako kay Andro na nasa harapan ko na, basa pa ang buhok niya at may tuwalya pa siya roon tapos naka-suot siya ng kulay brown na t-shirt. Tapos naka-jersey short na lang siya. "Yeah, iniisip ko lang iyong kanina," sagot ko. "Simula ngayon huwag kang aalis mag-isa sa trabaho mo, hinatayin mo ako, mukha hindi mapagkakatiwalaan iyong mga lalaking iyon kanina, iba ang kutob ko sa kanila," sagot niya sa akin. "Paano kung kilala nila ako?" "Paano kung hindi? Paano kung kapahaman ang dala sa iyo noon?" Sagot niya naman sa akin. "Tinawag nila akong Corrine," mahina kong sagot habang nakayuko. "Ano?" "Wala, by the way, paano mo pala nagawa iyong kanina? Para kang expert!" "Napag-aralan ko lang," simpleng sagot niya habang kinukuskos ng buhok niya gamit ang tuwalya. "Nag-aral ka ng self-defense?" Tanong ko. "Parang ganoon na nga," sagot niya naman sa akin. "Wow, pero parang isa kang pro kanina," puri ko sa kaniya. Nagkibit balikat lang naman siya sa akin. "Ngayon mag-iingat ka na, huwag kang basta aalis, makiramdam ka rin sa paligid," bilin niya sa akin. "Okay," sagot ko naman sa kaniya. "Magpahinga ka na muna ngayon, huwag mo na rin isipin iyong nangyari kanina," dagdag niya pang sabi sa akin. "Okay, rest ka na rin ngayon," sabi ko naman sa kaniya. Tumango naman siya sa akin. Ngumiti ako sa kaniya bago ako mag-goodnight at pumasok sa kwarto ko. Nang makahiga na ako sa kama ko ay hindi mawala talaga sa isip ko iyong tinawag sa akin na pangalan kanina. Ako ba si Corrine? Pangalan ko ba talaga iyon? Sino ba talaga ako? Gustong-gusto ko na malaman kung sino talaga ako. Sana ay mabigyan na rin ng kasagutan ang mga tanong ko tungkol sa pagkatao ko dahil gustong-gusto ko nang malaman talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD