Chapter 12

2040 Words
"Girl, may gusto raw kumuha sa iyo kahapon?" Tanong sa akin ni Robi habang naglalakad kaming dalawa at may hawak kaming tuwalya. "Yeah," maikling sagot ko. "Kamusta ka? Hindi ka naman na saktan?" Tanong sa akin ni Robi. Umiling naman ako sa kaniya. "Buti dumating si Andro, na-save niya ako sa mga bad guys," sagot ko naman sa kaniya habang nakangiti. Naalala ko kahapon ang itsura niya habang nakikipagsuntukan siya sa mga gustong kumuha sa akin. Ang hot niya roon. "Mabuti na lang at natulungan ka ni Kuya," sagot naman ni Robi. "By the way, bakit ang galing ni Andro makipaglaban?" Tanong ko sa kaniya baka sakali na alam niya. Curious kasi talaga ako, ang galing niya kasi talaga. Iyong mga galawan niya ay pang-pro talaga. "Dating pulis iyan si Kuya, umalis lang sa trabaho simula noong namatay asawa niya sa aksidente, nagulat na lang din kami noon isang araw may gwapo na sa isla namin," pagkwento sa akin ni Robi. "Ano ba nangyari sa asawa niya?" Tanong ko naman. "Ewan ko rin hindi ko masyadong alam, pero sa pagkakaalam ko lang ay naaksidente daw iyon, nasagasaan tapos hindi na bigyan ng hustisya, iyong nakabangga raw kasi minor pa lang," sagot nito sa akin. "Oh, how tanga naman noong nakasagasa, bakit hindi niya pinaglaban?" "Kasi nga raw, mahirap daw kalaban iyong pamilya nasa politika raw kasi, kaya nga nag-resign na lang siya sa pagkapulis kasi nga raw iyong kalakaran sa bansa natin ganito, kapag nasa baba ka wala kang laban kahit napakabigat ng kasalanan mo," sabi niya sa akin. "Yeah," sagot ko naman. Kawawa naman pala ang sinapit ng wife ni Andro, tapos hindi pa nabigyan ng hustisya. Kaya pala ganoon na lang ang lungkot na nakikita ko sa mga mata ni Andro, e. Feeling ko sobrang bigat ng dinadala ni Andro sa loob-loob niya. Hindi niya pa rin siguro nakakalimutan asawa niya. Hindi bale, gagawi ko ang lahat para maging masaya na ulit siya. Malay niya ako lang magpapasaya ulit sa akin. "Hey! Alipin, pahingi ako ng towel!" Napatigil ako sa paglalakad at humarap sa pinanggalingan ng boses na narinig ko. Pagharap ko ay peke akong ngumiti kay Betty Girl na naka one piece swimsuit lang. Basa ang katawan niya at halatang galing siya sa swimming pool. "Here po, Ma'am," pekeng ngiti kong sabi sa kaniya. Kinuha niya naman ang towel sa akin bago ipunas niya sa katawan niya. Nang matapos na siyang magpunas ng katawan ay akmang ibabalik niya ito sa akin pero sinadya niya iyong bitawan. "Oh, my bad!" Nakangisi niya sabi sa akin. Mas nilakihan ko naman ang ngiti ko sa kaniya. "Aabot mo na nga lang, tat*nga-t*nga ka pa po, Ma'am," nakangiti kong sagot sa kaniya. Iyong ngisi niya ay biglang nawala at biglang sumama ang timpla ng mukha niya. Pigil naman akong mapatawa sa kaniya kasi mukha siyang constipated sa itsura niya. Naramdaman ko naman na siniko ako ni Robi tapos mabilis niyang kinuha iyong towel at hinila ako papalayo kay Betty Girl. "Bakit ko ginawa iyon, Girl? Ano ka ba, lalo ka noong pag-iinitan," sabi sa akin ni Robi habang hatak-hatak ako. "Why? Totoo naman kaya sinabi ko, she's t*nga-t*nga talaga, duh," pairap kong sagot sa kaniya. "Alam mo Girl, minsan iyang ugali mo ikakapahamak mo!" "I don't care, kung b*tch siya then don't fight me, I'm more than b*tch than her, pangit niya!" Natawa naman sa akin si Robi. "Alam ko ang lakas ng loob mo at saksakan ka ng confident!" "Nagsasabi lang ako ng true, ano," sagot ko naman sa kaniya. "Girl, anak at kapatid ng boss pa rin natin iyon," paalala sa akin ni Robi. "So? I don't care, kahit anak pa siya ng presidente," mataray kong sagot. Napailing na lang sa akin si Robi. "Anak ng Governor lang siya," sagot sa akin ni Robi. "Then, wala akong pakialam kahit anak pa nga siya ng presidente, she's pangit pa rin," nakangisi kong sagot. "Hay, naku, Girl, buti na lang friend tayo baka kasi i-bash mo rin ako, e," sagot niya sa akin. Natawa naman ako sa kaniya. Bumalik na lang ulit kami sa work namin. After namin sa pagdadala ng mga towels ay roon naman ako tumigil sa may reception pansamantala nagbanyo kasi iyong nandoon na naka-assign ngayon. "Nagpabook na ako last week pa, tapos bigla mong sasabihin sa akin na kulang ang kwarto na pina-book ko!" Sumisigaw na reklamo sa akin noong turista. "Ma'am, wala po talagang nakalagay sa record namin, ang nakalagay lang po rito ay dalawang kwarto lang po," mahinahong sagot ko sa kaniya. "Tatlo ng pina-book ko!" Pagpupumilit nito. Kanina pa sa akin ito nagrereklamo pero iyong nasa record namin ay dalawa lang talaga. "Ma'am, double check ninyo rin po iyong pina-book ninyo," magalang na sagot ko kahit na gusto ko na rin siyang sigawan. Nagulat na lang ako nang bigla niyang paluin iyong mesa at galit na tumingin sa akin. "So, sinasabi mo pa na mali ako?" Galit na sagot niya. "No, Ma'am, customer is always right nga po 'di ba?" "Then, bakit sinasabi mo sa akin iyan!" Sigaw niya sa akin. "E, kasi nga po! Iyon lang nasa record namin, ano magagawa ko? Kasalanan ko ba kung t*nga rin po kayo at hindi ninyo na double check! Kanina pa po kasi sigaw nang sigaw, naiinis na ako! Kung sana kanina pa ninyo cheneck, e 'di hindi na lumalala ang problema! P'wede naman kayo kumuha ng ibang room na malapit lang sa room ninyo!" Hindi ko makatiis na sigaw. Naiinis na kasi talaga ako. Mukha naman nagulat iyong kausap ko at napakurap-kurap sa akin. Ang ilang tao naman ay napatitig sa akin. Nang mahagip ng mata ko si Sir Benedict ay bigla akong nahiya. My ghad! Ano ba itong attitude ko hindi ko makontrol. Nang lingunin ko ulit si Sir Benedict ay papalapit na siya sa amin. Napayuko naman ako at napakagat ng labi. Ano ba iyan, bago pa lang ako sa work ko pero parang matatanggal na agad ako. "Ma'am, pasensya na po, pagod lang po si Petchy, ano po ba ang problema ninyo?" Magalang na tanong ni Sir Benedict nang makalapit siya sa amin. Mabilis naman ako napatingin sa kaniya sakto naman na nakatingin din siya sa akin, mabilis niya akong nginitian at kindatan bago ibalik ang tingin sa kausap niya. Iyong turista naman ay napatulala kay Sir Benedict. Guwapo naman kasi talaga siya, maayos ang pananamit at napakalinis niyang tingnan, mabango rin siya tapos ang ganda pa ng singkit na mata niya. Iyong dimple niya rin nagsusumigaw. Pero malas lang niya hindi ko siya type. Lahat yata ng babaing empleyado sa resort na ito ay may crush sa kaniya, well except lang sa akin kasi iba iyong crush ko. Mas lamang nga nga limang ligo kaysa kay Sir Benedict. Hindi ko nga alam kung bakit kapatid ni Sir Benedict si Betty Girl. Kung ano kinagwapo ni Benedict iyon naman ang kabaliktaran ni Betty Girl. Maganda rin naman si Betty Girl pero syempre nga mas at higit ako sa kaniya. Walang tatalo sa ganda ko, ano. Ako lang ito si Petchay. Mga ilang saglit lang ay natapos na makausap ni Sir Benedict iyong client. Naging maayos ang usapan nila at hindi sila nagsisigawan, paano ba naman iyong babaing sinisigawan ako kanina nakatulala lang kay Sir Benedict tapos tango lang nang tango. Halatang gusto si Sir Benedict. "Sir, sorry po, hindi ko po napigilan ang sarili ko," sabi ko sa kay Sir Benedict habang nilalaro ko ang kamay ko. Narinig ko na natawa naman siya mayamaya ay naramdaman ko ang kamay niya na nakapatong sa ulo ko. "Okay lang iyon, huwag mo lang gawin lagi baka mawalan tayonng costumers, sige ka," mahinahing sabi niya sa akin habang nakangiti siya sa akin. Halos mapatanga naman ako sa kaniya kasi ang bait niya pa rin tapos iyong teeth niya kitang kita ang pagkaputi noon. Iyong dimple niya rin nagsusumigaw. Ito yata talaga ang dahilan kung bakit crush siya ng nga empleyado rito sa resort. Gwapo na, mabango pa, tapos mabait pa. Ibang-iba kay Betty Girl na walang alam kung hindi magpaganda lang hindi naman maganda. "Nabalitaan ko pala nangyari kahapon, dapat hindi ka na lang pumasok ngayon, okay ka na ba?" Tanong niya sa akin. Marahan naman akong tumango sa kaniya. "Opo," sagot ko. "Drop the po at opo, mukhang hindi naman nalalayo ang edad natin," nakangiti niyang sagot sa akin. "Okay," nakangiti ko ring sagot. "Ihahatid na lang kita kapag gagabihin ka ng uwi, baka mamaya balikan ka noong mga tao na gustong kumidnap sa iyo," sabi niya sa akin. Mabilis naman akong napailing sa kaniya. "Huwag na, Sir, kaya ko na po," sagot ko naman sa kaniya. "No, I insist, tsaka iyong way naman ng bahay ninyo ay papunta rin sa amin, tsaka mas mapapanatag loob ko kung sa akin kasasabay," sagot niya sa akin. "But, nakakahiya," mahinang sagot ko. "Sa akin nahihiya ka pero roon sa inaway mo na costumer hindi?" Natatawa niyang sabi. "Nakakainis naman kasi talaga iyon, e," sagot ko. "Basta mamaya sasabay ka sa akin, ha, hihintayin kita sa labas," bilin nito sa akin bago magpaalam na babalik na sa office. Napabuntong hininga naman ako. Paano kung dumating si Andro mamaya, kasi susunduin niya ako? Nakakahiya naman. Tsaka baka kasabay ni Sir Benedict si Betty Girl. Ayoko makasama sa iisang lugar ang bruha na iyon. Bumalik na ako sa trabaho at nagsimula na rin ang mga medyo mabibigat na trabaho. Natapos ang maghapon ko na pagod na pagod ako, gusto ko na lang umuwi at mahiga sa kama ko. Ako lang mag-isa ang uuwi kasi ma-la-late raw ulit si Robi sa pag-uwi kasi binilin niya rin iyong mga bata sa akin. Wala naman problema sa akin iyong mga bata. Masaya sila kasama at nami-miss ko na rin sila. Nang makalabas na ako ng gate ay pasilip-silip ako roon baka kasi nandoon si Andro pero wala akong nakitang Andro. Malamang nangisda na iyon. Napabuntong hininga naman ako. "Hey!" Napalingon ako sa likod ko nang marinig ko ang busina sabay ang pagsabi ng 'hey'. Nakita ko na si Sir Benedict iyon. Mukhang pauwi na rin nga siya. Sinilip ko ang sasakyan niya kung nandoon ba ang bruha niyang kapatid pero hindi ko nakita. "Hey!" Nakangiti kong bati sa akin. "Sakay ka na," sabi niya sa akin. Lumingon-lingon ulit ako sa paligid para tingnan kung nandoon ba talaga si Andro, pero wala talaga ang anino ni Andro kaya naman sumakay na ako sa kotse ni Sir Benedict. Habang nasa byahe kami ay nag-ku-kwento ng kung anu-ano si Sir Benedict, pero wala akong maintidihan sa sinasabi niya. Iniisip ko kasi si Andro, sabi niya kasi susunduin niya ako. Hay, sino nga ba naman ako? Tsaka baka busy talaga siya ngayon, pero ayon umasa talaga ako na masusundo niya ako. Nang makarating na kami sa bahay ay bumaba na ako ng kotse, nagpaalam na ako kay Sir Benedict bago ako maglakad papunta sa loob ng bahay ni Andro. Sakto pagbukas ko ng pinto ay napangiti ako kasi nandoon iyong mga bata. "Ate Petchay!" Sigaw nilang tatlo nang makita nila ako, nag-unahan naman silang tumakbo papunta sa akin. "Ate na-miss ka namin," sabi sa akin ni Lily. Nginitian ko naman siya. "Na-miss ko rin kayo!" Sagot ko bago ako umupo kapantay niya at pisilin ko ang pisngi niya. "Ate, nasaan na si Kuya Andro?" Tanong sa akin ni Daisy. "Wala ba rito?" Kunot noong tanong ko. Sabay-sabay na umiling naman silang tatlo. "Sabi susunduin ka raw kasi sabi sa amin huwag daw kami aalis ng bahay niya, iniwan mo siya roon, Ate?" Tanong sa akin ni Rose. "Ha?" Naguguluhang tanong ko. Hindi ko naman kasi siya nakita kanina, pasilip-silip pa nga ako kasi hinahanap ko siya. Baka naman noong alis ko ay dating niya. Hays, ano ba iyan. Akala ko hindi niya ako masusundo. Napalingon ako sa may pinto nang may pumasok doon. Nakita ko na si Andro iyon. Tumayo agad ako sa pagkakaupo at humarap sa kaniya. "Pumunta ka sa resort?" Tanong ko sa kaniya. Umiling naman siya sa akin. "Hindi ako natuloy, may nadaanan kasi akong aksidente kanina," sagot niya bago sila maglakad papunta sa kusina. Napanguso naman ako. Akala ko pa naman sinundo niya. Akala ko talaga nandoon siya. Nakakainis din siya minsan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD