Chapter 13

1989 Words
"Girl, nililigawan ka ba si Sir Benedict?" Tanong sa akin ni Robi habang nasa harapan ko siya at nakahalumbaba. Kasalukuyan lunch break namin ngayon, siya tapos na kumain ako naman ay hindi pa, nagrereklamo nga siya kasi ang bagal ko raw kumain tapos parang pangsosyal daw ako kumain. Hindi ko rin naman alam kung bakit ganito ako kumilos, para kasing normal lang ito sa akin at ganito na ako. "No," mabilis na sagot ko sa kaniya habang kumakain ako noong chicken adobo na niluto ni Andro para baon ko raw. Masarap iyong luto niya, actually kaya ine-enjoy ko talaga bawat subo ko. "Weh? Bakit parang balita rito? Lalong iinit ulo sa iyo ni Ma'am Betty," sabi niya sa akin. "I don't care sa kaniya, ano, and isa pa wala namang namamagitan sa aming dalawa ng Kuya niya, she's so nakakainis lang talaga kasi lahat sa kaniya may issue," sagot ko matapos ko lunukin iyong nginunguya ko. "Mukha type ka kasi ni Sir Benedict talaga, mabait si Sir pero iba iyong trato niya sa iyo," sagot niya sa akin. "Hindi ko naman siya type," sagot ko habang tinatakpan na iyong lunch box ko. Natapos na rin kasi ako kumain. Kumuha ako ng tissue na nasa table at marahan kong pinunas sa bibig ko iyon. "Grabe ka naman kay Sir, hindi ka na lugi sa kaniya, ano," sabi ni Robi. "Well, kahit na, hindi ko pa rin talaga siya type," mariin kong sagot sa kaniya. "Okay, gets ko na si Kuya Andro ang type mo," nakataas na dalawang kamay niyang sabi sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya at pabirong umirap. "How did you know?" Tanong ko. "Girl, halata naman ikaw tsaka hindi mo nga siya tinatawag na Kuya, e," sagot niya sa akin. "So, should I call him now, Babe? Baby?" Nakangisi kong tanong sa kaniya. Natawa naman siya sa akin. "Ay Girl, iba ka talaga!" "I know right," I answered. "Oo nga pala, mamaya birthday ni Sandra, invited tayo, dayoff naman bukas, e, punta tayo sabihan na lang natin si Kuya Andro, papaalam kita," sabi niya sa akin. Si Sandra ay halos parang ka-edaran ko lang din na nag-work dito, mabait naman iyon at close din kami, birthday niya pala ngayong araw, kaya pala hindi ko siya nakita ngayon. "Okay, tawagan mo na lang siya," sagot ko sa kaniya. "Oo, ako bahala sa iyo, malapit lang naman bahay nila Sandra rito, after ng work natin punta tayo roon," excited na sabi niya sa akin. Tumango naman ako sa kaniya. After namin magpahinga ng kaunti ay bumalik na rin kami sa work namin. Medyo marami kaming work ngayon kasi maraming mga turista ang dumarating. After work namin ay nag-ayos na kami ng gamit ni Robi, sabi niya sa akin ay natawagan na raw niya si Andro at okay na raw na lumabas kami. "Hey!" Tawag ni Sir Benedict nang papalabas na kami ng gat ng resort. Sabay naman kaming humarap ni Robi, mukhang tumakbo si Sir Benedict kasi halata sa itsura niya. Agad naman akong siniko ni Robi habang nang aasar na nakatingin sa akin. "Yes, Sir?" Tanong ko sa kaniya. "Uuwi na ba kayo? Wait mo na lang ako, kukunin ko lang kotse ko," sabi niya sa amin. "No need na po, may pupuntahan po kasi kami ngayon," sagot ni Robi habang nakangiti kay Sir Benedict. "Yeah, don't worry na lang, safe naman kaming makakauwi mamaya, thank you na lang," sabi ko sa kaniya. "Kila Sandra ba kayo pupunta?" Tanong ni Benedict sa amin. Nagkatinginan naman kami ni Robi bago tumingin ulit sa kaniya. "Yeah," maikling sagot ko. "O, sakto pupunta rin ako roon," sagot niya. "Talaga, Sir?" Excited na tanong ni Robi. Nakangiting tumango naman si Benedict. "Sabay na kayo sa akin," sabi niya sa amin. "If you insist, Sir," mabilis na sagot naman ni Robi kaya naman ako naman ang sumiko sa kaniya. Pinangdilatan naman ako ng mata ni Robi. "Okay, hinatayin ninyo ako rito," sabi niya bago siya mabilis na tumakbo papunta sa parking lot. "Girl! Confirm! Type ka ni Sir Benedict talaga!" Nagtitiling sabi ni Robi sa akin. "Hindi ko nga siya type!" Sagot ko sa kaniya. Nalukot naman ang mukha niya sa akin. "Ano ba iyan, ayan na palay na lumalapit sa iyo!" "Ayaw ko ng palay gusto ko rice," sagot ko sa kaniya. Inirapan naman niya ako. Natawa na lang ako sa kaniya. Nang dumating na ang kotse ni Benedict ay mabilis na sumakay si Robi sa backseat kaya naman ako na ang umupo sa front seat. Nakakahiya naman kung sa backseat din ako uupo. "Kamusta ang araw ninyo?" Tanong ni Benedict sa amin. "Okay naman po, Sir!" Mabilis na sagot ni Robi. Sinilip naman ako ni Sir Benedict. "Ikaw, Petchy?" Tanong niya sa akin. "Okay lang naman po, iyong kapatid ninyo lang mo talaga problema ko," sagot ko sa kaniya. Natawa naman siya sa akin. "Lagi ka ba niyang ginugulo?" Tanong niya sa akin. "Yeah, but kaya ko naman siya, pikon naman iyong kapatid mo, e," sagot ko habang nakatingin na ako sa may bintana ng kotse. Naramdaman ko naman na kinakalabit ako ni Robi nang lingunin ko siya ay pinangdilatan niya ako bago niya tinangnan si Benedict. Nagkibit balikat lang ako bago ko tingnan si Benedict. Hindi naman siya mukhang napikon, mukhang ngang natatawa pa siya dahil sa mata niya. "Sir Benedict, sure ka ba na kapatid ko si Betty Girl?" Tanong ko sa kaniya. Saglit naman akong nilingon ni Benedict. "Yeah, why?" "Wala lang sinisiguro ko lang, para kasing napulot ninyo lang siya," sagot ko sa kaniya. Narinig ko na natawa naman siya sa akin. "You know what, nakakatawa ka," sabi niya sa akin. Mukha ba akong nagbibiro? Seryoso kaya ako sa tanong ko sa kaniya. Nang makarating na kami sa bahay nila Sandra ay may mga ilang tao na roon, may videoke rin doon, videoke raw tawag doon sabi sa akin ni Robi, sabi nga niya mamaya ay kumanta raw kami. Sa labas ng bahay nila Sandra ay may trapal doon at may lamesa kung nasaan kami kumakain. Hinila ako ni Robi para kumuha kami ng pagkain, lahat ng kinukuha niya ay kinukuha ko rin hindi kasi ako pamilyar doon sa iba. Nang nagsimula na kaming kumain ay na-enjoy ko iyong foods kasi masasarap iyong luto. Sabi pa nga ni Robi papabalot daw siya para sa mga kapatid niya, kaya sabi ko sama niya na rin iyong kay Andro. After namin kumain ay niyaya naman ako ni Robi na kumanta raw kami, sumama lang naman ako sa kaniya. Nagulat na lang ako nang abutan niya ako ng microphone tapos pinapakanta niya iyong song na nilagay niya. Wala naman akong nagawa kung hindi kantahin iyon. Mukha naman nagulat sila sa boses ko. I know perfect na ako pero hindi ko rin inaakala na maganda rin ang boses ko. "Wow, may kapintas-pintas ba sa iyo, Petch?" Tanong sa akin Sandra. "I don't know?" Tanging na sagot ko lamang. "Sana lahat talaga," sabi naman ni Robi. "Wow, ang ganda ng boses mo, hindi ka ba singer?" Tanong sa akin ni Benedict. "Maybe?" Napangiti naman sa akin si Benedict. Mayamaya ay may mga nilabas na silang mga alak, tapos nag-inuman na kami. Ayoko sana uminom pero nakakahiya naman tumanggi kasi lahat sila umiinom pati si Benedict ay umiinom din. Nang tumagal na ang inuman namin ay bigla na akong nahilo tapos nagiging hyper ba rin ako, kung kanina ay nahihiya ako kumanta, ngayon naman ay nang-aagaw na ako ng microphone para kumanta. Lahat sila ay natatawa na sa akin kasi raw lasing na ako, hindi pa naman talaga ako lasing. "Girl, uwi na tayo," sabi sa akin ni Robi na mukhang hindi pa lasing. "Mamaya na, ang saya kaya rito," sagot ko sa kaniya pero bulol-bulol na ako. "Ihahatid ko na kayo," sabi naman ni Benedict. "Sir, may gusto ka ba sa akin?" Deretso kong tanong sa kaniya. Mukha naman siyang nagulat pati ang mga kasama ay parang mga nagulat din. "Naku, dapat hindi na natin pinainom ito," narinig kong sabi ni Robi. "Crush mo ba ako?" Tanong ko ulit kay Benedict. Umiling-iling lang siya sa akin bago ngumiti. "Sir, uuwi ko na po ito pasensya na po, Sandra, happy birthday!" Sigaw ni Robi bago ako tulungan makatayo pero nanghihina ang mga paa ko parang ang bigat ng katawan ko, muntik na akong masobsob kung hindi ko naramdaman na may humawak sa baywang ko. "Bubuhatin ko na siya," narinig ko na boses ni Benedict. Iyong mga mata ko naman ay hindi ko na maidilat. Nahihilo kasi ako. Bakit ba kasi ako pinatayo ni Robi? Naramdaman ko na lang parang karga-karga ako, sumiksik ako sa dibdib ng taong may karga sa akin, inamoy-amoy ko rin siya. Ang bango niya. "Ikaw ba si Benedict? Sorry hindi kita type," sabi ko sa kaniya nang maramdaman ko na nakaupo na ako sa loob ng kotse niya. "Sir, pagpasensyahan na po ninyo, lasing lang iyan, wala sa sarili," narinig kong sabi ni Robi. "Hindi ako lasing, uwi na ninyo ako sa bahay, na-miss ko na crush ko!" "Ay jusko po!" Narinig kong sabi ni Robi. Mayamaya ay naramdaman ko na gumagalaw na ang kotse, pinipilit ko talaga buksan iyong mga mata ko pero hindi ko talaga mabuksan, everytime na tina-try ko hilong-hilo ako. Nang maramdaman ko na tumigil na ang sasakyan at pinilit ko ulit idilat ang mga mata ko. "Ano nangyari kay Petchay?" Rinig ko na boses ni Andro napangiti naman ako. "Andro, baby!" Sigaw ko. "Wala na, nawalan na ng hiya talaga," narinig ko na sabi ni Robi. "Andro, baby! Uwi mo na ako, si Benedict crush ako hindi ko naman siya type, ikaw gusto ko! Karga mo na ako!" sabi ko pa. "Naku, talaga, Kuya, promise sa susunod hindi ko na isasama si Petch sa inuman," narinig ko na sabi ni Robi. Naramdaman ko naman na may kumakalas sa seatbelt ko kasunod noon ay naramdaman ko na may kumarga sa akin, dahil hindi ko madilat talaga iyong mga mata ko ay inamoy ko na lang ang kumarga sa akin. Mabango rin siya, sobrang bango niya, mas mabango siya kay Benedict, kaya naman inamoy ko siya nang inamoy hanggang sa makarating ako sa leeg niya. "Petchay!" Narinig ko na suway nito sa akin. "Baby! Ang bango mo, mas mabango ka kasi Benedict," sabi ko sa kaniya. "Kuya, pupusta ako bukas hindi na iyan magpapakita sa iyo!" "Hoy Robi! Mali ka, hindi ko kaya na hindi ko siya makita, 'di ba baby?" sabi ko bago ako magsumiksik sa leeg niya. Nang maramdaman ko na nakahiga na ako sa higaan ko ay hindi pa rin ako bumitaw sa leeg ni Andro. "Petchay!" Suway ulit nito sa akin. "Bakit ba? Ayaw mo ba sa akin? Pangit ba ako?" Tanong ko habang nakayakap ng mahigpit sa leeg niya. Naramdaman ko naman na napabuntong hininga siya. "Kuya, uuwi na ako, wala pang kasama mga bagets doon," narinig ko na paalam ni Robi. "Okay, ingat," sagot ni Andro. "Petchay, bitaw na," utos sa akin ni Andro, pinilit ko na idilat ang mga mata ko. Pagdilat ko ay napangiti ako kasi sobrang lapit niya sa akin halos magdikit na iyong ilong namin. "Ang gwapo ng baby ko!" "Petchay, hindi mo ako baby, lasing ka lang," mahinahong sagot niya. "Baby nga kita, kapag akin, akin lang!" "Okay, bumitaw ka na muna pupunasan muna kita," utos niya sa akin. Napailing naman ako sa sinabi niya. "Ayaw gusto ko ganito lang tayo," sabi ko bago ko siya hilahin palapit lalo sa akin. Dahil sa biglaang paghila ko ay bigla silang natumba sa ibaba ko at iyong labi niya ay tumama na rin sa mga labi ko. Napangiti naman ako kasabay noon ay ginalaw ko ang mga labi ko. Hindi naman siya makagalaw sa pwesto niya, mayamaya ay bigla na lang akong hinila ng antok ko at wala na akong maalala pa sa mga sumunod na nangyari. Napangiti na lang ako habang nakapikit ang mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD