Chapter 15

1813 Words
"May gusto ka ba sa Kuya ko?" Tanong sa akin ni Betty Girl nang makita niya ako sa may lobby habang naglalakad ako. Tiningnan ko naman siya at nginitian, lalo naman sumama ang itsura niya habang naka-cross arm siyang nakatingin sa akin. "Wala, maybe your brother ang may gusto sa akin," sagot ko sa kaniya habang nakangiti. "Layuan mo ang Kuya ko, hindi kayo bagay, ano," naiinis na sabi niya sa akin. "Excuse po," magalang kong paghingi ng paumanhin sa kaniya bago ko sana siya iwanan pero mabilis niya naman akong hinawakan sa braso. "Ito tandaan mo, huwag si Andro at ang Kuya ko!" Galit na pagbabanta niya sa akin. Napataas naman ang kilay ko sa kaniya. "Bakit? Ano ka ba nila?" Mataray na tanong ko sa kaniya. Sino ba siya para sabihin niya sa akin iyon. Umandar na naman ang pagiging insecure niyang bruha siya. "Layuan mo sila! Hindi sila bagay sa iyo!" Pagbabanta niya pa sa akin. "At sa iyo sila bagay? Lalo na si Andro? Bakit gusto ka ba niya?" Tanong ko sa kaniya. Naramdaman ko naman na humigpit ang hawak niya sa braso ko. Mabilis ko naman na tinggal ang pagkakahawak niya sa braso ko. Lalo naman sumama ang tingin niya sa akin. "Lilinawin ko sa iyo ang lahat, wala akong gusto kay Sir Benedict kung iyon ang concern mo, at iyong kay Andro naman, wala ka ng pakialam kung ano ang nararamdaman ko, hindi ka ka-anu-ano ni Andro para pagsabihan mo ako ng mga ganiyan," sagot ko sa kaniya. Lalo naman siyang nanggigil sa galit dahil sa sinabi ko. "Hindi ka bagay kay Andro!" "At, sinong bagay? Ikaw?" Tanong ko sa kaniya bago ko siya tingnan mula ulo hanggang paa. "Oo!" Mabilis na sagot niya sa akin. Nginisian ko naman siya. "Excuse me, Ma'am," sagot ko sa kaniya bago ko siya talikuran ulit. Narinig ko siya na tinatawag niya ako pero hindi ko siya pinansin. Baka sumakit lang ang ulo ko sa kaniya kapag pinatulan ko pa siya. Wala ako sa mood makipag-asaran sa kaniya ngayon. Nagpatuloy ulit ako sa trabaho ko, medyo maraming costumers ngayong araw kaya super busy namin, mabuti nga ngayong araw ay kaunti lang ang palpak kong trabaho, hindi pa rin kasi ako sanay sa work ko rito sa resort. I don't know ba, bakit hirap na hirap ako na gawin iyong work ko tapos sa iba para ang dali-dali lang. Sabi nga sa akin ni Robi ay baka anak mayaman daw talaga ako kasi kita daw sa kulay at kutis ko at sa way raw ng pananalita, it's yayamanin nga raw, tapos iyong kamay ko raw halatang alagang-alaga raw. Napaisip din ako about doon, but naisip ko sa rin if mayaman ang parents ko, bakit hindi nila ako hinahanap or pinapahanap like ipapa-announce nila na nawawala ako. So, maybe hindi rin mayaman ang parents ko. Or maybe, iyong parents ko hindi ako mahal kasi wala silang pakialam kung nawala ako. Iniling ko ang ulo ko para mawala iyon sa isipan ko. Nag-focus na lang ako magtupi ng towel na dadalhin ko sa isang kwarto, kanina pa ako nagtutupi rito, iyong mga kasama ko ay nakarami na ng tupi ako ilan pa lang, hindi ko talaga alam pero hirap na hirap talaga ako sa ginagawa ko. After ko sa ginagawa ko ay dinala ko na iyong mga towel na need ko ilagay sa mga rooms. Nang matapos na ako ay habang naglalakad ako ay nakita ko si Robi. "Tapos ka na, Girl?" Tanong niya sa akin, ngumiti naman ako sa kaniya bago tumango. "Yeah, how about you?" Tanong ko sa kaniya. "Tapos na rin ako, pero may iba pa akong gagawin, absent kasi si Ate Fhe, may need akong kunin sa stock room, sama ka?" Tanong niya bigla sa akin. "Sure, wala na rin akong gagawin, tsaka baka makita ko si Betty Girl na naman, I don't know why ang init ng ulo niya sa akin, well I can't blame her, mas maganda kasi talaga ako sa kaniya," sagot ko habang nakakunot noo ako. Bigla naman tumawa ng malakas si Robi sa akin. "Alam mo Girl, ang bitter ninyo sa isa't isa ni Ma'am Betty," sagot niya sa akin. Lumingon naman ako sa kaniya. "Pinapalayo niya ako kay Andro, like, hello, who ba siya?" Naiinis kong tanong kay Robi. "Matagal na kasing may gusto iyon kay Kuya Andro, tsaka para na nga siya nang liligaw kay Kuya, e, kaso ayaw naman sa kaniya ni Kuya, parang kapatid lang ang tingin ni Kuya, pero si Girl mapilit," sagot sa akin ni Robi habang naglalakad kami. "Mabuti na lang ayaw sa kaniya talaga ni Andro," nakanguso kong sagot. "Mukha naman kasi walang balak talaga si Kuya Andro, mag-love life ulit after nang nangyari sa asawa niya," sabi ni Robi. Bigla naman akong napalingon ulit sa kaniya. "Why? Ano ba nangyari sa wife niya?" Tanong ko kay Robi. Tumigil si Robi at kinuha ang susi sa bulsa ng shorts niyang kulay brown na suot niya. Nakarating na kasi kami sa stock room. "Masyadong masakit para kay Kuya," sagot ni Robi habang binubukasan ang kandado ng stock room nga. "Why nga?" Curious na tanong ko. "Kasi nga, na aksidente iyong asawa niya tapos wala pang nakuhang hustisya, kasi nga iyong may kasalanan is minor pa tapos you know anak mayaman, alam mo naman nagagawa ng pera," sabi niya matapos namin makapasok sa stock room, lumapit siya roon wa maraming box at kumuha siya room may inabot siya sa akin na dalawang box tinanggap ko naman iyon. Hindi naman iyon ganoon kabigat kaya okay lang din. "Oh, it's really painful talaga, bakit kasi ang unfair ng batas natin," malungkot na sagot ko. So, I know alam ko na iyong lungkot ni Andro, mahirap naman talaga iyon na walang nakuhang hustisya para sa wife niya. "Totoo, Girl, alam mo ba na dating police iyang si Kuya, pero ayon nga dahil sa nangyari pati siya nagalit na rin at nag-resign tapos nagpakalayo at dito nanirahan sa isla malayo sa syudad," sagot naman ni Robi matapos niyang mabuhat iyong dalawang box din. Naglakad na siya palabas kaya naman sumunod ako sa kaniya. Nang makalabas na kami ay binaba niya iyong dala niyang box tapos ni-lock niya iyong door. "Oh, kaya pala noong may muntik nang kumidnap sa akin ay magaling siya makipaglaban," hanga kong sagot. "Oo, alam ko na magaling na pulis din si Kuya," sagot sa akin ni Robi. "Tingin mo hindi pa rin talaga ba naka-move on si Andro?" Curious kong tanong kay Robi habang naglalakad kami. Nagkibit balikat naman si Robi sa akin. "Girl, huwag mo masyadong i-push si Kuya Andro, masasaktan ka lang talaga, paano kung ayaw talaga noon mag-move on, ikaw ang kawawa." Paalala sa akin ni Robi. Napanguso naman ako sa sinabi niya. "Feel mo hindi siya nahuhulog sa beauty ko?" Seryosong tanong ko sa kaniya. Tumawa naman ulit sa akin si Robi. "Ikaw ba kaya mo na siya harapin ngayon? After mo siyang halikan noong isang araw?" Tanong sa akin ni Robi, bigla naman akong natigilan. "Oh my gosh! Sabi pa naman niya susunduin niya ako, oh my gosh!" Biglang panic kong sabi. Bigla ko kasing naalala iyong ginawa ko noong nakaraang araw. My gosh! "Tingnan mo, alak pa, Girl!" Pang-aasar niya sa akin. Sumimangot naman ako sa kaniya. Nang makarating na kami sa kusina sa resort ay pinasok namin doon iyong stock tapos lumabas na rin kaming dalawa. Sa paglalakad namin ay nakita namin si Betty Girl, nang makita ako nito ay inirapan agad ako nito bago madali kaming nilagpasan. Napairap din naman ako sa kaniya kahit hindi niya nakikita. Kung mainit ang dugo niya sa akin ay ako rin, parang kasing kumukulong lava ang inis ko rin sa kaniya. Mag maganda siya sa akin kung mas maganda siya, e, mae pretty naman ako ng lot sa kaniya. Tumawa lang ulit si Robi. "Alam mo nakakatuwa ka, ikaw lang nakakatiis at nakakapikon ng sobra riyan kay Ma'am Betty, kasi dati lagi iyan ang nanalo sa pagmamaldita rito, pero ngayon sobrang pikon sa iyo," sabi ni Robi habang tumatawa. "Well, mas pretty kasi talaga ako sa kaniya," sagot ko naman. Lalo naman siyang tumawa sa akin. Lumipas pa ang ilang oras ay naging busy na rin ako, hanggang sa mag-uwian kami, sabay kami ni Robi na naglalakad palabas ng gate. Mula sa malayo ay nakita ko na si Andro na nag-wa-wait sa akin. Bigla naman akong napakapit sa braso ni Robi, si Robi naman ay napatingin sa akin bago tumingin sa tinitingnan ko. Bigla naman siyang natawa ulit. "Oy, natatakot na ka, Girl? Dati lakas ng loob mo nasaan na iyon?" Natatawang tanong ni Robi. Napasimangot naman ako tapos tinanggal ko ang kamay ko sa braso ni Robi bago ko siya marahan na pinalo. Inayos ko ang sarili ko nang papalapit na kami kay Andro, nakita ko na nakatitig din siya sa akin, seryoso ang mukha niya. At tipid na ngumiti lang sa akin nang magtagpo ang mata namin. "Kuya, kanina ka pa?" Tanong ni Robi. "Hindi naman, tara na," sagot niya habang nakatingin sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya. Nang may tricycle na dumaan ay sumakay kaming tatlo roon, magkatabi kami ni Robi, si Andro naman ay nakaupo sa may back ride. Kwento nang kwento si Robi habang nasa byahe kami ako naman na tumatango lang, iniisip ko kasi sasabihin ko kay Andro mamaya. Mag-sorry ba ako? I feel na need ko mag-sorry, hays. Bahala na mamaya. Nang makarating na kami ay si Andro na ang nagbayad sa tricycle, si Robi naman ay nagpaalam na dederetso na sa kanila. Tahimik naman kami na naglakad papasok sa bahay ni Andro. Nang mabuksan iyon ni Andro ay pinapauna niya ako na pumasok, pumasok naman ako sa loob. Nang makapasok na ako ay tumigil ako sa may sala, nilalaro ko ang daliri ko habang nakatingin sa sahig. "Andro," tawag ko sa kaniya. Natigilan naman siya bago tumingin sa akin, bigla akong napaiwas ng tingin at nilaro ang mga daliri ko. "Bakit?" Mahinahong sagot niya sa akin. "I think, I need to sorry. So, so-sorry!" Mabilis kong sagot bago ako napapikit nang ilang saglit at dinilat ko ang kanang mata ko at tiningnan ko siya, nakita ko na natigilan siya. Bago natawa. "Para saan?" Tanong niya sa akin. "Sa ginawa ko noong I was drunk, promise wala akong maaalala," mabilis kong sagot. Natawa naman siya sa akin. "Pero naalala mo ngayon," natatawa niyang sabi. Lalo naman akong nahiya feeling ko sobrang pula na nang mukha ko. "I'm sorry talaga!" sabi ko bago ako tumakbo pa kwarto, hindi ko talaga kaya tumagal pa na kaharap siya. Nang makapasok ako sa kwarto ay napahawak ako sa dibdib ko. Oh my gosh! Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. I promise na hindi na ako mag-iinom ulit. **** Sorry po natagalan ang update, thank you po sa pag-wa-wait.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD