LIAM MYLES POV
Isang linggo na naman ang nakakalipas pero hindi pa rin pumapasok si Jane nagtataka na rin ang kapatid ko kaya tanong ito ng tanong sa akin. Naging close rin kasi sila ni Jane kaya sinabi ko na lang na may business itong inaasikaso.
Nag-aalala na rin ako kung anong nangyari sa kanya kaya tinanong ko si Jace pero wala din daw syang alam ayaw daw sya papasukin sa tuwing pupunta sya kila Jane.
Tinanong din daw nya ang ama nito ngunit ang sabi lang nya ay maayos ang lagay nya kaya wag daw syang mag - alala.
Wala din lang akong magawa dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit hindi sya pumapasok.
Kakatapos lang ng klase namin at susunduin na sana namin ang kapatid ko ng ipatawag ako ng Librarian para tulungan itong isaayos ang mga bagong dating na libro kaya sinabihan ko na silang mauna ng umuwi dahil baka matagalan kami.
Nang makarating ako sa Library ay nandoon na rin yung ibang mga scholar para tumulong pero bago pa man ako makapasok ay may naramdaman akong tumatawag pagtingin ko ay si Jace pala kaya agad ko itong sinagot.
"Hello Jace pauwi na ba kayo?" Tanong ko dito pero ingbes na sagutin ang tanong ko ay ibang salita ang narinig ko na nagpakabog sa puso ko..
"Hello Liam, si Sienna tinakbo sa Hospital, kaaalis lang ng ambulansya. Di namin naabutan kaya ito sinusundan na namin" para akong nabuhusan ng malamig na tubig pagkarinig ko sa sinabi nya kaya hindi ako nakapagsalita agad.
"Hello Liam, nandyan ka pa ba"
"Saang Hospital?" Tanong ko sa nanginginig na boses
"Sa SaveLife Hospital"
"Sige Bro, papunta na ako" sagot ko at pinatay na ang tawag agad akong nagpaalam sa Librarian at pinayagan naman ako.
Agad akong pumara ng taxi at tinongo ang hospital. Hindi ako mapakali habang papunta dun, ang bilis din ng t***k ng puso ko. Pinagdasal ko nalang na walang mangyaring masama sa kapatid ko.
Nung makarating ako ay agad akong lumabas, muntik ko pang makalimutang magbayad.
Agad ko namang hinanap kung nasaan sila Jace at nung makita ko sila ay agad nila akong niyakap at pinunasan ang mga luhang dumaloy sa mukha ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Alam kong lalaki ako pero napakaiyakin ko talaga..
"Asan sya.. asan ang kapatid ko?" agad kong tanong sa kanila.
"Nasa ER pa sya Liam,. umupo ka muna heto inumin mo" sabi ni Brys at binigay ang tubig na hawak nya, agad ko naman itong tinanggap.
Muli na namang lumabas ang mga luha na kanina ko pa pinipiligan. "Shhhh.. Liam tahan na.. magiging ok din ang kapatid mo." Pag alo ni Anne sa akin pero hindi pa rin nababawasan ang kabang nararamdaman ko.
Ilang oras pa ang lumipas pero hindi pa rin lumalabas ang doctor kaya mas lalo akong hindi mapakali, magsasalita na sana ako ng sa wakas ay nagbukas ang pinto. Napatayo ako bigla at lumapit sa amin ang doctor.
"Kaano-ano nyo po ang pasyente" tanong nya. "Kapatid ko po sya" sagot ko.
"Your sister is safe now, Thankfully we managed to revive her" saad ng doctor pagkasabi nya non ay nakahinga ako ng maluwag pero ibig sabihin lang nun eh muntik na syang mamatay.
"Maraming Salamat Doc"
"You can visit her now just don't wake her up, she needs some rest" sagot nya bago umalis.
Pagpasok ko ay naiiyak na naman ako, napakaiyakin ko talaga bwesit. Ilang beses ko na syang nakitang ganito pero masakit pa rin na nakikita ko syang ganito ang lagay. Umupo ako sa tabi nya at hinawakan ang kamay nito.
"Kuya Liam." Saad ng sa likod ko, pagtingin ko ay si Aria pala ang kaibigan ng kapatid ko.
Hindi ko napansin na nandito pala sya baka sya ang sumama sa kanya ng isugod sya dito.
"Aria ikaw pala.. pasensya ka na, hindi kita napansin kanina" sagot ko sa kanya.
"Ok lang po yun, may gusto po sana akong sabihin sa inyo" saad nito na medyo nag-aalinlangan tinignan ko ito at nginitian senyales para ipagpatuloy nya ang sinasasabi.
"Paminsan minsan pong nakikita ko si Sienna na nawawalan ng hininga o di kaya ay nakahawak sa bandang dibdib nya. Gusto ko sanang ipaalam sa inyo pero pinakiusapan nya akong wag sabihin sa inyo, pasensya na po. Kung alam ko lang po na ganito ang mangyayari dapat ipinaalam ko na sa inyo" paliwanag nya.
"Aria ok lang, wag mo sisihin ang sarili mo mangyayari at mangyayari talaga to dahil sa sakit nya dapat pa nga akong magpasalamat dahil nandyan ka para bantayan sya nung wala pa kami" sagot ko at ibinalik ang tingin sa kapatid ko.
Lumapit si Jace sa akin at tinapik ang balikat ko wala akong magawa kundi ikuyom ang kamay ko "Magiging ok rin ang kapatid mo"
"Sana nga Jace."
******
Nandito pa rin ako sa hospital at binabantayan ang kapatid. Umuwi na rin sila, hindi pa sana sila aalis kong di ko sila pinilit.. Dadalhan nalang daw nila ako ng mga gamit pagbalik nila..
Malapit ng umidlip ang mga mata ko nang magising ang kapatid ko. "Kuya" mahina nitong pagtawag.
Agad ko namang pinindot ang nurse button na nasa gilid nya para ipaalam na gising na ang kapatid ko.
"Sienna. wag ka na muna magsalita." Kumuha ako ng tubig at pinainom ito.
"Bakit di mo sinabi sa akin na may nararamdaman ka na pala"
"Kuya ayoko lang mag-alala ka na naman sakin at siguradong mapapagastos ka na naman"
"Kahit na.. kuya mo ko, magaalala at magaalala ako sa'yo at ilang beses na kitang sinabihan na tawagan ako diba"
Nanahimik na lang sya at hindi na sumagot kaya napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko din naman matitiis na magalit sa kanya ng matagal.
Maya maya pa ay may dumating na nurse at doctor at agad naman nilang chineck ang lagay ni Sienna.
"Mr. Pascua I think you know that your sister's condition is getting worse. Pinapayuhan kita na mas mabuting magpa heart transplant na sya habang maaga pa dahil kung papatagalin pa natin ay baka hindi na nya kayanin. Kaya kailangan mo ng magdesisyon." Saad nya at ipinaliwanag din nya sa akin kong ano ang pwedeng mangyari at kung gaano kalaking halaga ang kakailanganin para sa operasyon nya.
"Maraming Salamat Doc" pagpapasalamat ko sa kanya at nanlulumong umupo.
Halos umabot sa dalawang milyon ang kakailanganin ko para sa operasyon nya at hindi pa kasama ang mga gamot nya saan ako kukuha ng ganoong kalaking pera lalo na't wala pa sa isang daang libo ang naiipon ko.
Muli akong pumasok sa kwarto nya at nakita syang natutulog, tinurukan sya ng pampatulog kanina para daw mas makapagpahinga ito. Hinawakan kong muli ang kamay nya at nangangamba na namang magsilaglagan ang mga luha ko.
"Wag kang susuko Sienna, wag mong iiwan si kuya" di ko na namalayang nakatulog ako.
Kinabukasan ay bumalik ako sa University para sana ipaalam na hindi makakapasok ang kapatid ko dahil sa kalagayan nya buti nalang at may free time kami ngayon kaya sila Jace na muna ang nagbabantay sa kanya.
Pagpasok ko ay nakasalubong ko ang isa sa mga kasamahan kong iskolar at hinahanap daw ako ng Dean.
Kinakabahan man ay agad kong tinongo ang opisina nya ngunit pagdating ko dun ay ibang tao ang nandoon at mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko ng mapagtanto kong sino ito.
"Mr. Jimenez" bigla kong sambit.