RUBY JANE'S POV
I can't help but to reminisce my first meeting with Liam. I didn't even have the chance to thank him personally that time because he suddenly left.
After that, my mom and I went to New Zealand leaving my father here in the Philippines. But after that day I can't seem to forget Liam so I tried to hired someone to look for him to the point that I became obsess on finding him but because the name is too common and that I don't have any information about him beside his first name, I didn't have the luck just until last year. When Jace sent me pictures of their trip together with his friends and I found out that Liam is one of them.
Of course my obsession on knowing the guy was picked as I hired some private investigator to find out some information about him.
I can directly asked my cousin but he will surely asked and knowing his personality he would surely tease me about it that's why I didn't bother him.
And within those years Liam became more mature and of course handsome. I have also hired someone to follow him and take pictures of him sending it to me as I can see glimpse of his daily activities.
Seeing his clean record and his kind and hard-working personality I can't help but to like him more even though I didn't know him in person.
I know I act like a stalker but the obsession to know him got into me.
And being with him this past months makes me see and experience how caring he was, how an ideal man he is.
No wonder why many women were trying to get his attention and I'm actually one of them. I did everything to make him love me too but what hurts is he only treats me as his friend.
I thought he is finally feeling something towards me with the way he treats me and how he cares for me. And so I did the first move but I didn't expect this outcome.
I was friendszoned...
LIAM MYLES POV
Dalawang araw na ang nakakalipas ng mangyari ang halik sa pagitan naming dalawa ni Jane at dalawang araw na rin nang huli ko syang makausap. Tinatatawagan nya ako at tinetext pero ni isa ay wala akong sinagot.
At ngayon ay Lunes na, sinundo si Sienna ng kaibigan nya dahil mas maaga ang pasok nila. Mamayang alas dyis pa kasi yung sa amin. Mabuti na rin yun at nagkakaroon na rin sya ng kaibigan at ibang makakasama habang wala kami.
Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang nangyari sa Bar ni Bryson dahilan upang hindi ako makatulog ng maayos sa nagdaang araw.
Pumunta sila Anne, Jace at Bry dito kinabukasan nun at tinanong kung anong nangyari at kwinento ko sa kanila ang lahat.
Nagulat sila nung una pero inaasahan na daw nila yun, ako naman ang napakunot noo.
Kapansin - pansin daw kasi ang kakaibang tingin at kilos ni Jane pag ako ang kasama nya kaya hindi na daw sila nagtaka.
So ako lang pala ang walang alam. Akala ko kasi ganoon lang sya sa mga nagiging kaibigan nya ngunit agad ipinaliwanag ni Jace na hindi daw ganoon ang trato ng pinsan nito sa kanya at sa iba nyang kaibigan.
Nagulat man ay agad kong tinanong si Jace kung kamusta na siya pero hindi daw sya nito kinausap at kinulong daw ang sarili sa kwarto nito.
"Liam wala ka ba talagang nararamdaman para kay Jane? Kung tutuusin sa nagdaang mga buwan, mukha talaga kayong magkasintahan kung paano nyo itrato ang isa't-isa" Saad ni Anne at napaisip rin ako.
Baka kasalanan ko rin at may ginawa ako na nagbigay ng maling akala kay Jane.
Sa katunayan, maganda si Jane, mabait at maasahan at nung una ko syang makita ay may naramdaman akong kakaiba pero hindi sapat yun para tanggapin ko ang nararamdaman nya para sa akin.
Agad naman naputol ang pag-iisip ko ng magsalita si Jace. "Dahil pa rin ba sa ex mo?" tanong nya habang si Brys ay nakikinig lang sa amin at dahil sa tanong nyang yun ay nanatili akong tahimik.
"Liam, mag-iisang taon na yun sya pa rin ba? Subukan mo na syang kalimutan.. Pano pag di sya bumalik? paano kung pagbalik nya ay may mahal na syang iba?" At dun ako tinamaan sa sinabi nya dahilan para maluha ang mga mata ko.
"Liam ayoko lang na makita ka naming nasasaktan ng dahil na naman sa kanya" dugtong nya.
"Hindi kasi yun ganoon kadali, sinubukan ko naman eh pero hindi ko kaya na basta-basta nalang kalimutan ang mga pinagsamahan namin" saad ko at tuluyan ng umiyak at agad naman nila akong niyakap.
Sya ang first love ko at first heartbreak kaya mahirap syang kalimutan, napakarami naming pinagdaanan at sya lang ang nakikita kong babaeng gusto kong makasama.
Tatlong taon tumagal ang relasyon namin ngunit patago, ayaw kasi ng mga magulang nya na mapunta ang kaisa-isa nilang anak sa isang katulad ko.
Sa loob ng tatlong taon na yun maayos naman kami, nagaaway kaming dalawa minsan pero agad din naman kaming nag kakaayos kaya laking pagtataka ko ng bigla nya akong iwan.
Nandoon ang mga kaibigan ko nung araw na iwan ako ng ex ko ng walang paalam at kitang-kita nila kung paano ako umiyak at magdusa ng mga araw na yun at dahil dun ay muntik ko nang mapabayaan si Sienna. Mabuti nalang ay nandyan sila at tinulungan ako kaya nagpapasalamat talaga ako sa kanila dahil palagi silang nandyan para sa amin ng kapatid ko.
"Liam bro, hindi ko hinihiling na mahalin mo rin ang pinsan ko pero ang sa amin lang wag kang manatili sa nakaraan dahil ayokong makita na naman kung pano mo sirain ang buhay mo, isipin mo ang kapatid mo, kami! hindi ka namin iiwan" saad ni Jace habang hinahagod ang likod ko. Tumango nalang ako sa kanila at nagpasalamat.
*****
Napabuntong hininga nalang ako ng maalala ang naging usapan namin. Naisipan kung pumasok nalang ng mas maaga kaya tinext ko sila Jace na wag na akong daanan at naghanda na ako para umalis ngunit pagbukas ko ng pintuan ay may nakita akong pamilyar na sasakyan.
Agad lumabas ang may ari nito pagkakita sa akin kaya naglakad ako ng mabilis pero agad din nya akong sinundan.
"Liam.. wait!" paghawak nya sa kamay ko para pagilan ako. Humarap ako sa kanya at kitang-kita ang lungkot sa mga mata nito pero pinilit nya pa ring ngumiti.
Sa loob ng dalawang araw ay kapansin pansin ang pamamayat nito.
"Can I.. send you to the University?" pagkaraay saad nya.
Ayokong omo oo dahil baka kasi umasa ito na magkakaroon talaga kami ng relasyon..
"Wag na Jane, may dadaanan pa ako" saad ko kahit wala naman gusto ko lang sana munang umiwas lalo na't magulo ang isip ko ngayon.
"It's okay. I'll accompany you" pagpigil nyang muli ng akmang tatalikuran ko na sya. Napabuntong hininga nalang ako sa kakulitan nya.
"Jane" dahan-dahan kong inalis ang kamay nya na nakahawak sa akin.
"Liam please.. please don't avoid me" naiiyak nyang sabi
"Mas makakabuti nang umiwas muna tayo sa isa't-isa. Kalimutan mo na rin ang nararamdaman mo sa akin ayokong saktan ka pa lalo" saad ko at umiwas ng tingin dahil di ko kayang makita ang isang babae na umiiyak ng dahil sa akin.
"But you're already hurting me" bulong nya pero rinig na rinig ko. Natahimik ako at walang maisagot.
"Liam I'll do anything just.. just don't ignore me. I-..I don't want to lose you." umiiyak nyang sabi.
Sa loob ko, may nagtutulak sa akin na yakapin at patahanin sya pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Then kalimutan mo ang nararamdaman mo para sa akin at kalimutan natin yung nangyari" saad ko at napatigil ito sa pag-iyak.
"No.. I can't, I don't want to" matigas nyang sabi sa akin.
"Jane-" ngunit agad din nyang pinutol ang sasabihin ko
"Liam, I only want you and only you. If you don't feel the same way then I won't give up! I'll do anything just to have you. remember that" huli nyang sinabi bago sya umalis sa harapan ko at pinaandar ang kanyang sasakyan at umalis.
Aaminin ko kinabahan ako sa sinabi nya dahil makapangyarihang tao ang pamilya nya at sa tono ng kanyang boses, hindi sya nagbibiro.
Hindi naman nya siguro ako sasaktan o yung kapatid ko, hindi naman sya masamang tao. Nag-isip nalang ako ng magagandang bagay para mawala yung kaba na naramdaman ko.
Muli na naman akong napabuntong hininga dahil sa nangyari at napagdesisyonan ng magpatuloy, sakto namang may dumaag taxi at agad ko itong pinara.
Pagpasok ko sa room namin ay agad naman akong binati ng mga kaklase ko at nginitian ko nalang sila.
Wala pa yung tatlo at si Jane akala ko nauna na ito pero baka hindi ito papasok dahil sa nangyari kanina.
Konti pa lang din kaming nandito kasi medyo maaga pa kaya naisipan ko na munang umidlip.
May naramdaman naman akong yumuyogyog sa akin kaya agad akong nagising pagtingin ko ay si Anne pala, nandito na rin kasi yung Prof.
Pinasalamatan ko sya dahil sa paggising sa akin at ngumiti lang sya bilang tugon. Tumingin na ito sa harapan para makinig at ganoon din ang ginawa ko.
Natapos ang klase at wala paring Jane ang nagpapakita. Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa room ng kapatid ko para sunduin sya. "Sa tingin nyo ba magiging okay lang si Jane" pagbasag ko sa katahimikan at agad silang napatingin sa akin.
"Oo naman, malakas yun kaya wag kayong mag alala" sagot ni Jace pero kita rin ang pag-aalala sa mukha nito.
"Heyy, Liam babalik din sa normal ang lahat" dagdag naman ni Brys "Sana nga Bry. sana nga" sagot ko at nagpatuloy na kaming naglakad..
Sana nga...