"That's enough, Anastasia," suway ni Titus. Nilingon ko siya. Mariin siyang nakatingin sa akin. Parang nagbabanta na huwag na akong magsalita ng kahit anong against sa kanila. Mahina akong napabuga ng hangin. "I'll go now. May gagawin pa ako," saad ko. Sumulyap ako kina Dad at Lolo bago sila nilampasan. Nang makalabas ako ay para akong nabunutan ng tinik sa leeg. Napakahirap magpigil ng galit. Alam ko sa sariling masama ang magtanim ng sama ng loob. Hindi rin dapat habang buhay ay galit ako sa kanila. Sooner or later, I should learn how to forgive. But everytime I try to learn, kapag napupunta kami sa mga sitwasyong gano'n. Hindi ko mapigilan ang emosyon. Marahas akong napabuga ng hangin. Siguro kailangan ko munang mag-unwind. Iyong hindi ko sila makikita muna para makapag-isip isip.

