TUMAMA ang kamao ko sa sikmura niya. Napadaing siya at napunta sa kabilang side ng kama. Matalim ang mga matang tumayo ako. "Ang tigas talaga ng mukha, no?" nanggigil kong saad. Dumampot ako ng unan saka siya pinaghahampas. Hindi naman siya mamamatay rito kaya nilakasan ko na. "Hey! Biro lang naman—" Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil lumanding ang unan sa mukha niya. Nang hindi makuntento, pinagbabato ko sa kanya ang mga unan. "Kanina pa ako naasar sa 'yong hayop ka!" sigaw ko. Ginamit niya ang mga braso panangga sa mga unan na nagliliparan. "I'm just joking! Makakapaghintay naman ako, babe, hanggang bukas—" "Walang gagawa ng panganay!" Mukha na siguro akong nababaliw dito. Kulang na lang mag-transform at maging halimaw saka siya sasakalin. "Paano kakalat ang lahi natin, b

