Cosmo's POV: "Nagkaroon ng emotional breakdown ang kaibigan niyo. Maayos naman na ang lagay niya, kailangan niyo lang aliwin at kausapin. You should comfort him, mukhang may something kayong dalawa. It is better kung ikaw mismo lagi ang kasama niya. Huwag mo siyang iiwan then sabihan mo ng makabuluhang bagay. Tulungan mo siyang makabawi and make him feel better," bilin ni Frabulah. Tumango naman ako at nagpasalamat kay Frabulah. Pinisil niya naman ang balikat ko na nagsasabing magiging maayos din ang lahat pagkatapos ay lumabas na siya ng silid. Napatingin naman ako kay Jonga na natutulog. May isang linggo na siyang nakahiga lamang at hindi nagsasalita. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya dahil kahit anong sabihin ko, ayaw niyang umimik. Para akong nakikipag-usap kay Barbie. Kay

